"Bitiwan niyo ako! Ano ba!" palag niya habang iginigiya siya ng mga ito papasok sa isang kwarto.
Hindi niya maiwasang manaka nakang lingunin ang nakapinid na pinto ng kwarto ni Zach na nasa dulo ng hallway. Umaasa siyang magbabago pa ang isip nito.
"Please calm down Miss Silang. We're not going to hurt you." malumanay na sagot ni Fleur.
Napatingin siya dito. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Ngayon niya lang napagmasdan ang aura nito. Mukha itong si Miss Minchin sa Princess Sarah. Naka uniform ito at naka bun ang buhok. She looked strict pero mukhang hindi naman suplada. Tulad ni Zach, blanko din ang ekspresyon nito.
"Ano po ba ang gagawin niyo sakin?" nagmamakaawang tanong niya dito habang binubuksan nito ang pinto.
"Nothing that would harm you." sagot nito nang hindi tumitingin sa kanya.
Fleur nodded to the two goons para ipasok na siya sa loob ng kwarto. Wala na siyang nagawa kundi ang magpaubaya. Aminin man niya o hindi, Fleur's words calmed her down a bit.
Napanganga siya nang sa wakas makapasok sa loob ng kwarto. It was totally different than what she expected. Taliwas sa akala niyang kulungan o di kaya'y dungeon. The whole place is every girl's dream. It's a salon; a big, modern, and high tech salon.
The whole place was like from those magazines. There were sections for hair, face, and nails. Each section had girls in uniform waiting for her. She was totally in awe!Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakatayo habang nakanganga sa mga nakaharap sa kanya. Kumilos lang siya nang bahagya na siyang igiya na Fleur para tuluyang makapasok. Nagpaiwan ang dalawang goons sa labas.
"Welcome to Salon DC Miss Silang. Are you ready for your total make over?" Fleur asked.
"M-make over?" maang niyang tanong.
"Yes, make over." anito.
"W-why?" nagtatakang tanong niya.
Hindi sumagot si Fleur. Itinulak lang siya nito palapit sa nail bar kung saan may tatlong babaeng naghihintay.
"I will leave you now to these girls." anito sabay paupo sa kanya.
Sandaling nag-usap ang mga babae. Hindi niya masyadong naririnig kasi maliban sa bahagyang lumayo ang mga ito, ang hihina pa ng mga boses .
May ibinigay na iPad si Fleur sa mga ito habang nagbibigay ng instructions. Inikot na lang niya ang mga mata sa nail bar. Napakaganda ng pagkakaayos ng iba't ibang kulay ng mga nail polish.
"I will be back after you're done. Have fun Miss Silang." ani Fleur na mabilis nang nakatalikod at nakalabas ng salon.
The girls immediately attended to her. They professionally did their job. She was just there, observing, silently. Hindi din naman kasi niya alam kung paano sisimulang kausapin ang mga ito kasi pag tinanong siya ng mga ito, for sure hindi din niya alam kung ano ang isasagot.
YOU ARE READING
Callous Heart
ChickLitHe's rich, popular, and drop dead gorgeous. He's every girl's dream in the university but he's also everything she hates; rude, arrogant, and cold-hearted. Characters: Zachary Alexander dela Costa Gabriella Isabel Silang