Branded

545 31 7
                                    

The car stopped at the front of a luxurious hotel. Its structure was so elegant that she couldn't help but be amazed. Hindi niya napigilan ang mapanganga.

"Let's go." biglang salita ni Zach na nagsimula nang umibis ng sasakyan. Nagulat pa siya nang inilahad nito ang palad sa kanya.

May pagkamaginoo din pala itong tinatago sa katawan.

"Are you just gonna sit there and drool over me?" inip nitong turan na nagpalaki ng mga mata niya.

Ang yabang!

Hindi na niya naisatinig ang naisip nang maalala ang mga rules. She needed to behave para hindi na madagdagan ang mga parusa sa kanya.

Mukhang naglalaway ba talaga ako sa kanya o sadyang mayabang lang talaga siya?

She accepted his hand at hinayaan itong alalayan siya pababa. Ngayon niya lang narealize na kailangan pala talaga niya ang alalay dahil maliban sa hindi siya sanay sa suot niya ngayon, naghahatid ng kakaibang kuryente ang kamay nitong hawak hawak ang kamay niya.

He transferred her hand on his arm before they started walking towards the entrance. Hindi niya maipaliwanag ang nerbyos na nararamdaman niya. What if she fail? Paano kung mabuko siya? Ramdam niya ang panlalamig ng buong katawan niya.

"Zach!" tawag ng pamilyar na tinig mula sa likod nila. Bigla siyang nanigas nang makilala ang tinig. Naramdaman siguro ni Zach ang tensyon niya kaya bahagya itong bumulong sa kanya.

"If you wanna live, relax." anito na mas nagpaigting ng kaba niya.

Wow ha. Sobrang nakatulong ang sinabi mo.

They waited na makalapit ang tumawag.

"Hey bro." bati ng lumapit. May babaeng naka abrisyete din dito.

"Clint." ani Zach.

"I though you're not coming." anito. Kibit balikat lang ang isinagot ni Zach kaya mabilis na lumipat sa kanya ang atensyon ni Clint.

She tried her best to look normal. She gave him a bored look. Ayaw niyang ngitian ito dahil siguradong magmumukha siyang plastic. Sobrang hate pa naman niya ito.

"And who's this gorgeous lady beside you?" he asked na hindi itinago ang obvious na pagpasada sa kanya ng tingin mula ulo hanggang pa. She secretly rolled her eyes.

"This is Ella." tipid na pakilala ni Zach sa kanya.

"Clint." nakangisi nitong inilahad ang palad sa kanya.

"Ella." malamig niyang tugon sabay tanggap ng kamay nito. She silently congratulated herself for not stammering. Hindi niya nagustuhan ang marahang pagpisil ni Clint ng palad niya.

Mabilis niyang binawi ang kamay. Nanatili itong nakangisi sa kanya habang panay pa rin ang pagtingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

Pervert!

"By the way, this is Eliz." pakilala nito sa kasama na parang noon lang nito naalala.

Ngayon niya lang napagmasdang mabuti ang babae. She looked familiar. Malagkit ang tingin nito kay Zach. Nagulat pa siya nang bigla na lang itong humalik sa pisngi ng huli. Nang bumaling ito sa kanya, tiningnan lang siya mula ulo hanggang paa at inismaran.

Maganda sana pero bastos!

Gusto na niya itong irapan pero pinigil niya ang sarili. She had to be careful with her actions kung ayaw niyang mabuko at mamatay ng maaga.

"Let's go." ani Zach sabay giya sa kanya papuntang elevator. Sumunod ang dalawa sa kanila.

They reached the floor kung saan gaganapin ang party. Nakahawak pa rin siya kay Zach hanggang makapasok sila sa function hall.

Callous HeartWhere stories live. Discover now