Louisse's POV
"Hello?" Teka, nasan ba ako? Bakit nasa park ako? Sa pagkaka-alam ko, natutulog ako eh.
"May tao ba dito?" Nakakapagtaka naman, nasa park ako pero wala akong makitang ibang tao.
Naglakad-lakad ako. Tinitignan ko kung may iba pa bang tao sa park na to. Maya-maya lang ay may nakita ako lalaking nakatalikod sakin. Kilala ko to. Si mhine! Si mhine to!
"Mhine! Nandito ako! Mhine!" Lumingon naman siya sakin. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya.
"Buti naman mhine at nandito ka. Wala bang ibang tao dito?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot, sa halip ay ngumiti lang siya.
"Mhine halika, maghanap tayo ng ibang tao dito." Sabi ko at hinawakan Ang kamay niya saka siya hinatak paalis. Pero napansin kong hindi siya gumagalaw. Nagtaka naman ako.
"Mhine, bakit?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya.
"Bakit, anong problema?"
"Louisse, sorry." Nagulat ako. Bukod sa nagso-sorry siya ng di ko alam Ang dahilan. Tinawag niya ako sa pangalan ko. Bagay na Hindi niya ginagawa. Simula ng maging kami ay di na niya ako tinatawag sa pangalan ko. Pero bakit ngayon?
"Louisse I'm so sorry. Sorry talaga." Di ko maintindihan kung bakit siya hingi ng hingi ng tawad. Wala naman siyang nagawa ah.
"Bakit ka ba nagso-sorry? Ha?" Niyakap niya lang ako. At nginitian. Pero may mali eh, yung ngiti niya, kakaiba. Parang malungkot yung ngiti niya.
"Sorry talaga Louisse. Mag-iingat ka palagi ha?" Ngumiti siya ng mapait bago niya ako iniwan. Naglakad siya papalayo sakin. San siya pupunta?
"Mhine, San ka pupunta?! Bakit mo ako iniwan?!" Di ko alam pero iba yung pakiramdam ko eh.
Hanggang sa makarating siya sa isang bench. Ngayon ko lang napansin na may babae palang nakaupo dun. Anong gagawin niya dun? Umupo siya sa tabi nung babae. Nakangiti silang dalawa, ang saya-saya nila. Bigla nalang hinalikan ni mhine sa pisnge yung babae. Hindi ko makita king sino yung babae eh. Malabo yung mukha.
Pero bakit niya hinalikan sa pisnge yung babae? Yung babae naman, parang kinikilig. B-bakit? Ano ba ito?
Maya-maya ay bigla nalang hinalikan nung babae si mhine. Sa lips. Pero ang mas ikinagulat ko ay tumugon si mhine sa halik na yun. Bakit? Why did he respond to that kiss? Ang sakit. Ang sakit sakit makita na may ibang kahalikan ang mahal mo.Hinapit niya pa papalapit yung babae. Ang sakit naman nito sa puso. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Wala eh, di ko na kinaya. Halos maglalap-lapan na banaman sila sa harap ko eh. Pagkatapos nilang maghalikan ay nagtitigan sila.
"I love you baby." Nakangiting sabi ni mhine sa babae.
"I love you too." Tugon nung babae. Ayoko na! Di ko na kaya! Bakit ganito?! Bakit ko nasasaksihan to?! Ha?! Hindi to magagawa sakin ni mhine! Hindi! Hindi to totoo! Tumayo silang dalawa. Saka nagsimulang maglakad palayo sakin.
Napaluhod nalang ako habang umiiyak. Bakit Ganon? Ang sakit sakit. Sobrang sakit. Di ko na Kaya. Hindi. Hindi to totoo. Hindi niya kayang gawin yun sakin. Mahal niya ako! Mahal ako ni mhine! Hindi niya magagawa Yun! Napahagulgol nalang ako ng iyak.
"Bakit? Bakit mhine? Bakit mo nagawa sakin to? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?"
Bigla akong naalimpungatan. Paggising ko ay pawis na pawis ako at hinihingal. So Hindi yun totoo? Panaginip lang ba yun? Nakahinga naman ako ng maluwag. Salamat naman at hindi yun totoo. Pero sino kaya yung babae dun? Hindi ko kasi makita yung mukha eh.
Umaga na pala, ngayon ko lang napansin. Agad akong bumangon sa kama at inayos ang sarili ko. Sa tingin ko dapat ko nang kalimutan ang masamang panaginip na yun. Panaginip lang yun, hindi yun magkakatotoo. Hanggang panaginip lang yun. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng kwarto ko.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Manang na naghahanda ng pagkain.
"Good morning Manang. Nasan po sila Mama?" Tanong ko sa kanya. Umupo na ako sa upuan ko. Wow! Ang sasarap ng pagkain! Yum yum!
"Umalis na sila nak. May inaasikaso kasi sila sa kompanya eh."
"Lagi naman po Manang eh. Sabay na kayo sakin Manang." Pag-aaya ko sa kanya. Hindi naman na iba si Manang eh. Kaya ok lang na sumabay siya sakin. Umupo na si Manang at nagsimula na kaming kumain.
"Manang, ano po bang ibig sabihin kapag nanaginip ka ng masama?" Bigla ko kasing naalala yung panaginip ko kanina eh.
"Masamang panaginip? Maraming nagsasabi na kabaliktaran ng panaginip ang mangyayari sa totong buhay. Pero kung ako ang tatanungin mo, isa itong babala. Sign ba." Sign? Ibig sabihin isang sign ang panaginip ko?
"Sign po para saan?"
"Pwedeng kung may mangyayaring masama sayo, sa pamilaya mo o sa mga kaibigan mo. Bakit, may napanaginipan ka ba?"
"Ha? Ah Wala po. Natanong ko lang po." Napatango-tango nalang si Manang. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko.
Sign ba talaga yung panaginip ko? Pero para saan naman? Ibig sabihin ba may mangyayaring masama kay mhine? Matawagan nga siya. Buti naman at sinagot niya agad.
(Hello, Kaceline?)
"Mhine? Nasan ka?" Gusto ko kasing masigurado na ligtas siya.
(Nasa bahay, bakit?) Bakit parang Ang cold ng boses niya? Wala, baka pagod lang siya.
"Sure kang nasa bahay ka?"
(Oo nga. Bakit ba?)
"Ah Wala. Nagtatanong lang. Sige bye I love you."
(Ok.) Sabi niya at binaba na niya yung tawag. Bakit hindi siya nag 'i love you too'? Baka nakalimutan lang niya. Tama, baka nakalimutan nga lang niya.
Tinignan ko yung singsing na binigay niya. Yung promise ring namin. Alam ko na tutuparin niya yung pangako niya sakin. Naniniwala ako sa kanya.
*BOGSH!*
Nagulat ako ng nahulog yung picture naming dalawa ni mhine. Kinuha to nung first anniversary namin. Hala! Nabasag yung frame! Bakit naman to nahulog? Wala namang ibang tao dito? Saka wala ring hangin. Pupulutin ko na sana yung bubog ng masugatan ako. Ouch! Ang sakit!
Hindi ko alam pero ng mapatitig ako sa mukha ni mhine sa picture, parang kinabahan ako. Feeling ko talaga may hindi magandang mangyayari eh. Geez! Kinikilabutan ako. Sana lang mali yung iniisip ko. Sana hindi magkatotoo yun.
-------------------------------------------------------------
~ Ms. Sandoval
YOU ARE READING
TMDIWG ll: Broken Promises
Teen FictionBook 2 of Truly, madly, deeply in love with a gangster