Lizelle's POV
"You kissed her?!" Pabulyaw kong sabi kay Nicholas. I'm mad. Is he cheating on me?! No way!
"So what if I kissed her?" Napanganga ako sa sinabi niya. So hinalikan niya nga yung babaeng yun?
"Are you cheating on me Nick?"
"Tss." Tanging sagot nito saka umupo sa swivel chair niya.
"You know what will happen Nick. Once na malaman ko that you are having an affair with Louisse. Alam mo na kung anong mangyayari." Nakita ko kung pano unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ng takot.
"See? You're trapped in me baby. Kaya wag ka nang magtangkang kumawala pa dahil madaming madadamay." I said then smirk.
Tumalikod na ko at umalis sa office niya. Hayy Nick. You're mine. Only mine. At walang makakaagaw sa'yo sakin. Hindi nila ako kaya.
****************
Nang makadating sa mansyon namin ay agad akong sinalubong ng maid namin.
"Good morning po ma'am." Bati nito sakin pero nilagpasan ko lang ito. Why would I bother greeting her back? She's just our maid. Hindi ako magaaksaya ng oras sa kanya.
Agad ko siyang binalikan ng may maalala ako.
"Where's kuya?" I asked her.
"Nasa kwarto niya po ma'am. " Sagot nito. Tinanguan ko naman siya saka tumalikod na at naglakad ng taas noo patungong kwarto ni kuya.
Nang makarating sa kwarto niya ay nasalubong ko si Gray. Siya ang secretary ni kuya. Palabas na siya sa kwarto at nginitian ako. Argh nakita ko nanaman siya. Sa tuwing nakikita niya ako ay lagi niya akong nginingitian na nakakapagpasira naman ng mood ko.
Agad akong pumasok sa kwarto ni kuya at nadatnan ko siyang nakaupo sa kama niya at may benda sa may braso nito.
Dali-dali ko naman siyang nilapitan.
"Kuya what happened to you? Ba't ka may sugat?" Tanong ko habang tinitignan ang katawan niya. Baka kasi may iba pa siyang tama. Haist hindi kasi nagiingat eh.
"Wala 'to. Nadaplisan lang naman ako. Tsk. Nabulilyaso ang transaksyon namin kanina. May dumating na mga pulis. Fuck ang laki ng lugi natin." Nanggagalaiting sabi nito. Tumaas ang kilay ko.
"Natunugan ng mga pulis?"
"Yeah. Kaya nagkaroon ng barilan sa may warehouse kanina. Ayun nadaplisan ako. Pero ayos lang naman. Nakatakas kami."
YOU ARE READING
TMDIWG ll: Broken Promises
Genç KurguBook 2 of Truly, madly, deeply in love with a gangster