Chapter 3: Suffering

317 14 2
                                    

Louisse's POV

I'm breaking up with you......

I'm breaking up with you......

I'm breaking up with you.......

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Just like what the hell? He just broke up with me. Kagabi, nung nag-date kami, ayos naman siya. Mukhang wala namang problema. Ang sweet pa nga niya sakin eh. Tapos pag-uwi ko, magte-text siya ng ganyan?!

Ano? Trip niya ba ako? Is this a prank? Joke lang ba 'to? Kasi kagabi ko pa rin siya tinatawagan, hindi niya sinasagot. magdamag akong umiyak kagabi dahil diyan. buti na nga lang at nakatulog ako.

Paggising ko naman ay tinawagan ko ulit siya. Pero pinatay na niya ang cp niya. Nag-aalala na ako. Ano nanaman bang trip nang lalaking 'to?

"My gosh! Ano bang nangyayari kay Nicholas? Bakit bigla-bigla nalang siyang nakipaghiwalay sa'yo?" Sabi ni Jhoanna na gulat na gulat sa nalaman niya.

"Hindi ko alam." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba eh! May kabit yung si Nichoas!" Sabi ni Amethyst na manghang-mangha pa sa sarili niya.

"Ok ka lang Louisse?" Nag-aalalang tanong sakin ni Hannah.

Sa kanilang tatlo, siya lang ata ang may matinong nasabi.

Umiling ako sabay yuko. Tumulo na din ang mga luha ko. Siguro tama si Amethyst. Baka nga may bago na siya. Siguro nakahanap siya ng mas maganda, mas sexy, mas matalino, at mas better kesa sakin. Nagsawa na rin siguro siya sa ugali ko. Sa pagiging medyo isip bata ko. Kaya siguro naghanap nalang siya ng bago.

"Mag-move on ka nalang Louisse." Sabi ni Amethyst.

"Hindi naman ganun kadali yun." Nakayuko ko pa ring sabi. Habang tahimik na umiiyak.

"Nandito naman kami eh. Tutulungan ka namin." -Jhoanna. Buti nalang talaga nandito sila. Kasi kung nagkataon na wala sila, hindi ko alam ang gagawin ko.

Pagkatapos kong magdrama sa kanila ay umalis na din sila dahil may gagawin pa din daw sila.

Kaya heto nanaman ako, mag-isa sa kwarto. Nakatitig lang sa kisame. Iniisip kung anong dapat kong gawin.

*KNOCK KNOCK*

Tinuyo ko muna yung mga luha ko sa pisnge bago tumayo at pinagbuksan ang kumatok. Si kuya pala.

"Oh kuya, napadalaw ka?" Sabi ko at niluwagan ang bukas ng pinto para makapasok siya.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap. Lah? Nag-aadik ba 'tong si kuya?

"Problema mo kuya?" Bago 'to ah. Dati naman kasi hindi siya nangyayakap bigla.

"Shut up and just hug me back." Sungit naman ni kuya. Kaya naman, niyakap ko nalang din siya. Baka kasi mamaya manuntok 'to eh.

And a that moment, I feel relieve. Parang gumaan yung pakiramdam ko dahil sa yakap niya.

Tumagal pa nang ilang minuto ang yakapin namin bago siya kumalas.

"Much better?" Tumango naman ako.

"Gusto mong pumunta sa bahay nila?" Bahay nino?

"Kaninong bahay?" Naguguluhan kong tanong.

"Sa boyfriend mo---- I mean EX-boyfried." Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit marinig ang salitang yun. EX. He's now my ex-boyfriend.

TMDIWG ll: Broken Promises Where stories live. Discover now