Louisse's POV
Few months later......
"Anak hindi na ba magbabago ang isip mo?" Napailing nalang ako sa tanong ni Mama.
"Ma, hindi na po magbabago ang desisyon ko. Wala na pong makakapigil sa akin." Nakangiting sabi ko sa kanya. Matagal ko na din itong pinag-isipan.
"Gusto mo bang sumama nalang kami ng Mama mo sa'yo?" Tanong naman i Papa.
"Pa, wag na po. Wala pong maiiwan sa kompanya natin dito."
"Kaya ko naman patakbuhin ang kompanya." Sabi ni Kuya.
"Pero kahit na. Saka kaya ko naman mag-isa eh. Saglit lang naman ako dun."
"Anak matagal ang 4 years. Mami-miss ka namin."
"Mami-miss ko din naman kayo eh. Pero kailangan ko munang lumayo dito Ma." Nagkatinginan silang tatlo. Tapos ay tumingin sakin. Saka bumuntong hininga si Mama.
"Sige, kung yan ang gusto mo. Basta apat na taon ka lang dun ah? Bawal ka mag-extend." Sabi ni Papa kata natawa ako.
"Hahaha opo. Sapat na po ang apat na taon para makapagisip-isip ako." At para na rin baguhin ang sarili ko.
"Para makapagisip-isip? Kung yun lang naman pala ang gagawin sa France edi sana sa probinsya ka nalang pumunta. Paiba-ibang bansa ka pa." Sabi ni kuya. Pabiro ko siyang sinuntok sa braso.
"Walang basagan ng trip kuya." Nakangusong sabi ko sa kanya. Ang epal naman kasi ni kuya eh >3<.
"Ma! Si pandak nanununtok oh! Pag ito pinatulan ko!" Sumbong niya kela Papa.
"Patulan mo nga." Panghahamon ko sa kanya.
"Wag na. Sabi nga nila, masamang pumatol sa bata." Lah, ang sama talaga sakin ni kuya eh.
"Pa! Si panget inaaway ako oh!" Hmp, akala niya siya lang ang pwedeng magsumbong huh.
"Hay nako, magtigil na nga kayong dalawa dyan. At ikaw Louisse, magempake ka na. Maaga pa ang flight mo bukas." Oo nga pala, di pa ako nakakapag-ayos ng mga gamit ko.
YOU ARE READING
TMDIWG ll: Broken Promises
Fiksi RemajaBook 2 of Truly, madly, deeply in love with a gangster