Louisse's POV
4 years later......
Nagising ako mula sa pagkakaidlip ng may yumugyog sa balikat ko.
"Wake up By. We're here." Sabi sakin ni By. Finally, we're here. Tumango ako at tumayo na para kuhanin ang mga gamit ko.
"Ako na." Sabi ni By. Napangiti nalang ako. Ang gentleman talaga ni By.
Sabay kaming bumaba ng eroplano ni By. Sa wakas, nakauwi na din ako. How I miss this country.
Walang nakakaalam na ngayon ang balik ko sa Pilipinas. Gusto ko silang isurprise lahat. Actually, dalawa ang surprise ko sa kanila. Una, ang pag-uwi ko, at pangalawa, ang kasama ko ngayon. Si by. Si Francis.
Oo, buhay si Francis. Nung una nga hindi ako makapaniwala eh. Sinabi ko pang baka kakambal niya lang si Francis! Pero hindi daw ehh. Naipaliwanag niya naman ang lahat sa akin. Sa France din kami nagkita ni By. At ngayon, sabay kaming umuwi sa Pilipinas.
"By, excited ka na ba?" Tanong niya sakin sabay akbay.
"Yeah. Miss na miss ko na silang lahat." Nakangiting sabi ko.
Sumakay na kami sa kotse niya. Ihahatid niya daw ako sa bahay. Ayaw ko nga sana, kaso ang kulit ng lolo niyo! Kesyo daw mas safe pag siya ang naghatid sakin, kesyo delikado daw magisa. At dahil ayaw ko nang makipagbangayan pa, pumayag nalang ako.
------------
Pagkadating ko sa bahay ay agad kong nakita si Mang Berto. Gulat na gulat siya ng makita ako, lalo na si Francis. Kilala niya din kasi si Francis dahil siya na ang driver namin Simula mga bata pa kami.
"Mang Berto, nandyan po sila Mama?"
"Ah opo. Andyan din si Sir Jonas." Sagot niya. Tumango ako at pumasok na kami sa loob ng bahay.
Pagpasok, naabutan kong seryosong nag-uusap sina Mama, Papa at kuya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila.
"Bulaga!" Panggugulat ko sa kanila. Agad naman na nanlaki ang mga mata nila. Gulat na gulat sila. Pero hindi dahil sakin -__-.
Langya, mas nagulat pa sila kay by kesa sakin eh. Grabe grabeeee.
"Francis? Ikaw na ba yan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mama.
"Yes Tita." Nakangiting sabi ni by.
"Pano nangyari? Akala namin......" - Papa.
"Long story po Tito. Ikekwento ko nalang po 'pag nakaupo na tayo HAHAHAHA." Pagbibiro ni By. Joker talaga tong si By eh.
Tapos at nagsiupuan sila, at iniwan ako. Oo, INIWAN nila ako.
"Helloooooo andito ako. Wala man lang nakapansin? Puro kayo Francis eh -,-." Nakasimangot kong sabi. Agad namang lumapit si Kuya sakin at inakbayan ako.
YOU ARE READING
TMDIWG ll: Broken Promises
Novela JuvenilBook 2 of Truly, madly, deeply in love with a gangster