Louisse's POV
Pupungas pungas akong bumangon at naglakad papuntang CR.
Hayst. Anong oras na ako nakatulog kagabi. Inaantok pa akooooo. Gusto ko pa matuloggggg :<. Kaso hindi pwede may pasok ngayon at monday pa! Hindi pwede umabsentttt.
Wushuu. Gusto mo lang makita si ano eh.
Tsk. Masipag ako kaya papasok ako. Ma-issue ka self hmps.
Pagkatapos maligo at mag-ayos, agad naman akong bumaba dahil anong oras na din. Hindi na ako kumain. Siguro doon nalang bago ako pumasok, magte-take-out nalang ako.
Paglabas ay agad akong naghanap ng taxi. Ayoko muna magdrive dahil baka maaksidente lang ako dahil bangag pa ako.
Nang makasakay ay papikit -pikit ang mga mata ko habang nasa byahe. Arghh! Pano ako makakapagtrabaho nito kung ganito ako?
Ah! Tama! Bibili ako ng kape mwehehe :3. Ba't di ko yan naisip kanina? Hay nako Louisse.
Bumaba ako sa coffee shop na nasa tapat lang ng Company namin. Buti nalang talaga at meron nito dito. Um-order ako ng kape at isang slice na din ng cake. Kakainin ko 'to mamaya pagdating ko sa office ko.
At dahil nasa tapat lang naman ng coffee shop ang papasukan ko, naglakad nalang ako. Medyo kinakabahan pa nga ako kasi tatawid. Eh takot ako tumawid tapos ang dami pang sasakyaaaan.
Hooh! Kaya ko to! Humigop muna ako ng kape bago luminga-linga, tinitignan kung may padating na sasakyan.
Okay clear! Nagsimula na akong lumakad patawid.
Ayan na, nangangalahati na ako. Malapit na. Konti nalangggg.
Nagulat ako ng magsigawan ang mga tao sa paligid. Ha? Anong meron? Napatingin naman ako sa kanan ko.
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang makita ko na may sasakyan na mabilis na humaharurot papalapit sakin. M-mamatay na ba ako? Owemji.
Pumikit nalang ako at taimtim na nagdasal. Malapit na. Ilang segundo nalang ay tatama na sa akin ang sasakyan.
*BOGSHH!*
Ramdam ko na bumagsak ako. Pero hindi sa semento. Kundi sa..... Tao? Tao?!
Dinilat ko ang aking mga mata at nakita kong hinihigaan ko nga ang isang katawan ng tao! Guardian angel ko ba to?
Sinipat ko ang mukha ng hinihigaan kong katawan. Baka kasi patay na to diba.
O______O
!!!???
N-nick?!
"Are you okay? Wala bang masakit sa'yo?" Tanong nito habang sinisipat ang buong katawan ko.
Umiling naman ako.
"Eh ikaw? Ayos ka lang din ba?"
"I'm fine. " Sagot niya saka tinulungan akong tumayo. Tapos ay tinitigan niya ako.
"Bakit ba kasi tumatawid ka? Diba may sasakyan ka naman?" Taas-kilay nitong saad. Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Eh bumili kasi ako ng almusal ko saka kape kaya ayun. " Teka, kape? Hala! Nasan na ang kape ko?!
Agad kong nilibot ang paningin ko at nakita kong nasa kalsada ito at natapon na! T^T
Yung kape kooooooo.
Narinig kong nagbuntong hininga si Nick kaya napatingin ako sa kanya.
"Let's go. " Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako paalis.
"Ha? Teka san tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong.
"We're going to have a breakfast. " Sabi nito saka ako hinila papuntang sasakyan niya na nasa may tawid lang pala.
Hindi na ako nagpumiglas pa at sumama nalang sa kanya dahil nagugutom na din ako. Huhuhuhu yung kape ko :<.
Third Person's POV
Sa hindi kalayuan ay may isang lalaki ang tahimik na nagmamasid at nanonood sa dalawa.
Hanggang sa maka-alis sila ay hindi niya ito hiniwalayan ng tingin.
Nang tuluyan nang makalayo ay kinuha nito ang cellphone niya at May tinawagan.
"Hello Ma'am. " Sabi nito.
(Ano? Kamusta ang inutos ko sa'yo?)
"Ma'am palpak. May nagligtas sa target. "
(What?! At sino naman?!) Galit na sigaw sa kanya ng kanyang amo.
"Di ko kilala Ma'am eh. Basta lalaki. "
(Nicholas.... Sige. Ipapadala ko nalang ang bayad mo sa'yo. I'll text the details.)
"Sige po Ma'am. " Sabi nito saka na pinatay ang tawag.
--------------------------------------------------
~ Ms. Sandoval
Muriaticalyy_ thank you for the new covers! Thank u so much I appreciate it 😊
YOU ARE READING
TMDIWG ll: Broken Promises
Teen FictionBook 2 of Truly, madly, deeply in love with a gangster