Chapter 12: What if's

205 10 4
                                    

Louisse's POV

Binuksan ko ang box na yun. Ang daming bagay ang nandoon. Mga picture namin, mga regalo niya sakin noon. Naagaw ng isang picture frame ang pansin ko. Agad ko itong kinuha at pinakatitigan.

Picture namin 'to nung 1st Anniversary namin. Napangiti ako ng maalala ang pakulo niya nun hahahahaha. Pinakidnap niya pa talaga ako. At binili yung buong hotel para lang sa surprise niya sakin. Ang saya saya ko nung araw na yun. Sobra.

What if kami pa din hanggang ngayon? Pano kung di niya ako iniwan? What if he didn't cheated to me? Masaya pa din kaya kami tulad ng dati? Ganun pa din kaya kami?

Sunod kong nakita yung singsing. Nagsimula nang manubig ang mata ko. Fuck i shouldn't be crying. Ok na ako diba? Limot ko na siya diba? Fuck this tears!

Pinagmasdan ko yung singsing. This is our promise ring. Yung singsing na sinuot jiya sain sa harap mismo ng simbahan. At soon din siya nangako. Na kami hanggang sa dulo. Na hindi niya ako iiwan. Na ako lang mamahalin niya. He promised. He promised not only to me but also to God. But still, he broke his promise. Hindi niya tinupad. Pinaasa niya lang ako.

Pero pano kung... Pano kung tinupad niya yung pangako niya? Pano kung ginagawa niya yun lahat ngayon sakin?

Paano kung hindi nangyari lahat ng yun? But past is past. Dapat kinakalimutan na yan.

Napatigil ako ng makita ko si Dylan. Yung teddy bear na binigay niya sakin. Kinuha ko ito at niyakap.

"Hi Dylan!" Pagkausap ko dito.

Inilapag ko ito at humiga na sa kama ko.

I thought it was perfect. I thought he was the one. But I thought wrong. Mali pala. Mali pala lahat.

I can still remember the worst day of my life.

Flashback

I'm breaking up with you......

I'm breaking up with you......

I'm breaking up with you.......

-------------

Huminga muna ako ng malalim bago sumunod sa kanila.

Pero sana hindi ko nalang ginawa. Sana di nalang ako pumunta dito. Sana di nalang ako nagpapilit kay kuya. Sana nanatili nalang ako sa kwarto ko.

Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko dahil sa nakita ko. Parang sinaksak ng ilang ulit ang puso ko dahil sa nakikita lo.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Parang namanhid ang buo kong katawan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit, poot, sakit, awa sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ito pala ang pinagkakaabalahan niya. Busy pala siya. Busy sa babae. Gusto niyong malaman kung ano ang ginagawa nila? Nakapatong lang naman sa hita niya yung babae habang naghahalikan sila na kala mo wala ng bukas.

"Malandi kang haliparot ka!" Sigaw ni Ate Lovely saka buong lakas na sinabunutan yung babae saka kinaladkad paalis sa hita ni Nick. Pagkatapos ay pinagsasampal at sinabunutan niya.

Tinignan ko naman si mhine---I mean Nick. Wala kang makikitang emosyon sa mga mata nia. Malamig niya lang akong tinignan.

"Ouch! Baby help me!" Napatingin naman ako kay Ate Lovely at dun sa babae.

0____0

What the heck? Lizelle? Si Lizelle ang pinalit niya sakin?

"Hon, tama na." Kalmadong sabi ni kuya kay Ate Lovely. Tulad ni Nick, wala ka ring makikitang emosyon sa mga mata nito. Hinila niya si Ate papalaya kay Lizelle.

Tumayo naman si Lizelle habang nakangisi tapos ay tumingin sakin.

"Anong sabi ko sayo noon? Akin lang si Nicholas. He's mine! Hahaha! Ngayon, tapos na ang mga maliligayang araw mo dahil binabawi ko na ang akin." Pagkatapos ay lumapit siya kay Nick at kumapit sa braso nito.

"Bakit kayo nandito?" Tanong sakin ni Nick.

"G-gusto lang kitang makita." Sagot ko.

"Tsk. Di mo ba alam na nakakaistorbo ka sa aming dalawa ng girlfriend ko." Sagot niya na para bang wala siyang pakialam sa mararamdaman ko. Niyapos niya pa si Lizelle. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanilang dalawa.

"G-gusto ko lang naman m-malaman kung ok ka lang ba. H-hindi kasi kita matawagan."

"Oh ngayon, nakita mo na ako. Makakaalis ka na." Sabi niya sabay talikod sakin. Pero hinawakan ko siya sa kamay.

"Sandali lang."

"Bakit?"

"G-gusto ko lang malaman kung, wala na ba talaga tayo?"

"Tanga ka ba?! Nakipaghiwalay na nga sayo eh! Saka kami na nga diba?!" Singit ni Lizelle pero di ko siya pinansin.

"Tapos na tayo." Sabi ni Nick habang nakatingin sa mga mata ko.

"Pwede bang tayo nalang ulit?" I know it's stupid pero di ko kayang wala siya.

"Hindi ko kayang wala ka sa buhay ko. Sobrang mahal kita. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sakin. Ano bang gusto mo? L-lumuhod ako?" Sabi ko saka lumuhod sa harap niya.

"Please. I'm begging you. Mhine, bumalik ka na sakin." Napayuko nalang ako dahil tumutulo na yung luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Gaga! Kahit na lumuhod ka pa sa asin,hindi ka na niya babalikan!" Sigaw ni Lizelle pero di ko siya pinansin.

"Kanina ka pang malandi ka!" Tapos ay sinugod nanaman ni Ate si Lizelle pero agad din namang naawat ni kuya.

"Ano bang gusto mong gawin ko mhine? Bumalik ka lang sakin."

*PAK!*

"Boba! Ito ang isaksak mo diyan sa kokote mo." Sabay turo sa sentido ko.

"HINDI. KA. NIYA. MAHAL! Kaya di ka na niya babalikan!" And again, I ignore her.

"She's right. Hindi na kita mahal. In fact, hindi naman talaga kita minahal. Pampalipas oras lang kita. Kaya-----"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinuntok siya ni kuya.

"G*go ka ! T*ngina mo! Manloloko kang hayop ka!" Tapos ay sinuntok nanaman niya si Nick.

"Wag na wag kang magpapakita ulit sakin dahil baka mapatay kita." Banta ni kuya kay Nick. Tapos ay nilapitan niya ako at tinayo. Saka hinila paalis dun.

End of flashback

Mapait nalang akong napangiti. Grabe nakakaawa pala ako nung mga panahon na yun. Lumuhod pa ako para lang huwag niya akong iwan. Ganon ko siya kamahal. Pero siya? Hindi niya ako minahal. He never loved me.

Nung gabing yun ay umiyak lang ako ng umiyak. Akala ko naiiyak ko na lahat dati pero hindi pa pala. Hindi pa.

Hanggang sa nakatulog nalang ako dahil sa pagiyak.




---------------------------------------------------

~ Ms. Sandoval

TMDIWG ll: Broken Promises Where stories live. Discover now