Chapter 6: Dating

319 13 1
                                    

Louisse's POV

After ng kabastusang ginawa ng lalaking yun kahapon -_-, umuwi na ako ng bahay at ikinibit balikat nalang ang nangyari. Bakit ako maapektuhan? Tsk. Nakamove-on na kaya ako. Duhhhh. Hindi siya kawalan HAHAHAHA.

Anyways, magkikita kami ngayon ni by. Inaaya niya ako kumain sa labas. Ano kayang nakain nun ni by? Dati rati naman ay masgusto niyang nasa bahay lang kami kesa kumain sa labas.

"Nak, nasa baba na si Francis." Rinig kong sabi ni Mama sa labas. Ha? Ang bilis naman ni by.

"Opo Ma." Sagot ko. Bumaba na din ako. Pagbaba ko ay naabutan ko si by na nakaupo sa sala.

"Oh by, ang aga mo naman. Hindi pa nga ako bihis eh." Bungad ko.

"Good morning by. Well, hihintayin nalang kita. At isa pa, gusto ko ring makipagkwentuhan Kay Tita." Nakangiti niyang sabi.

Bigla namang dumating si Mama na may dalang juice.

"Oh siya, maligo at magbihis ka na. Ako ng bahala sa by mo." Sabi ni Mama na may ngiti na mapanukso. Mapang-asar talaga si Mama.

Umiling nalang ako at umakyat na sa taas.

**************

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Nag-uusap pa rin sila Mama at by. Agad naman na napatingin sakin si by at ngumiti.

"You're so beautiful by." Puri ni by habang papalapit sakin. Nang makalapit na siya ay pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"Huwag kang ganyan by lalaki ulo ko hahahaha." Biro ko.

"I'm just saying the truth by." Nakangiti niyang sabi. At dahil sa sobrang gwapo niya, icinober ko ang kamay ko sa mukha niya saka tumawa.

"Edi wow." Natatawang sabi ko.

Kinuha niya ang kamay kong nakatakip sa mukha niya saka marahang hinawakan ito.

"Let's go?" Tanong niya. Tumango naman ako.

"Alis na kami Ma." Paalam ko kay Mama.

"Mag-iingat kayo. Enjoy." Sabi ni Mama.

*************

Dinala ako ni by sa isang mamahaling restaurant. Inalalayan niya naman akong bumaba ng sasakyan. Sabay kaming naglakad papasok ng restaurant.

Pagkapasok na pagkapasok palang namin ni by sa loob ay natigilan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala. Bakit nandito siya? Agad ding nasagot ang tanong ko nang madako ang tingin ko sa harap niya. Oh, he's with Lizelle. I see, they're dating.

TMDIWG ll: Broken Promises Where stories live. Discover now