LOUISSE'S POV
"Are you done?" Tanong ni Nick sakin. Tumango naman ako bilang sagot.
"Let's go. " Sabi niya saka naglakad paalis ng coffee shop. Agad naman akong sumunod sa kanya.
Pagdating sa kompanya ay agad akong dumiretso sa office ko. Phew! Sa wakas wala na din siya. Grabe yung puso ko, ang bilis bilis ng tibok!
Umupo ako at minasahe ang sentido ko. Muntik na ako kanina. Buti nalang at naligtas ako ni Nick. Kung hindi, baka pinaglalamayan na ako ngayon. I should thank him.
Mamaya ko na iisipin kung pano ko siya mapapasalamatan, matatrabaho muna ako.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagtatrabaho ko nang tumunog ang cellphone ko.
Francis calling......
Agad ko naman iyong sinagot.
"Hello by?"
"By, I'll pick you up later. Let's have a dinner together. I miss you." Napangiti ako sa huling sinabi ni by sakin. Awww he miss me.
"I miss you too. Tatapusin ko agad tong trabaho ko para maaga tayo makaalis. " Sabi ko.
"Okay. See you later. " Sabi niya saka pinatay ang tawag. Nakangiti akong nagsimula ulit magtrabaho.
He's so sweet and I really miss him. Sana matapos na agad 'tong trabaho ko para maaga kaming makaalis.
**********
Yes! Konti nalang! Matatapos na ako!
Napatigil ako sa ginagawa ko ng may kumatok.
"Come in!" Pasigaw kong sabi. Iniluwa ng pinto si Jasmine. Nick's secretary. Anong kailangan nito?
"Ma'am, pinapabigay po ni Sir Nick, basahin niyo daw po. 'Wag daw po kayong uuwi hangga't di niyo daw po tapos basahin. " Napataas ako ng kilay. Huwat?! Eh ang dami nito!!
"Okay. " Sabi ko nalang saka sinimulan na magbasa. Huh! Kayang kaya ko 'to! Ako pa ba? Tsk!
Uh! Sa wakas natapos ko na din. I checked the time in my phone. It's already 8:00 pm. Shocks! Baka nagiintay na sa baba si by!
Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at bumaba na.
Pagdating ko sa lobby ay wala pa si by. Baka na-traffic lang. Intayin ko nalang siguro siya dito.
Umupo ako sa sofa at doon nagintay. Napahikab ako. Grabe nakakapagod, ang sarap matulog. Unti-unting napapikit ang mga mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa.
************
Nagising ako na nakahiga sa malambot na bagay. Uhh ang sarappppp. Ang bango paaaa.
Nang imulat ko ang mata ko ay bumungad sakin ang isang napakalaking kwarto.
T-teka! Kwarto?! Agad kong tiningnan ang katawan ko. Nakahinga ako ng maluwaag nang makitang kumpleto pa naman ang damit ko at hindi din sumasakit ang gitnang bahagi ng mga hita ko.
Puro itim ang mga design sa loob. Bahay ba 'to ng miyembro ng kulto?
Tapos may malaking N sa taas ng kama. N?
Abala ako sa pagtingin sa buong kwarto nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Nick. Si Nick?! Anong ginagawa niya dito?
"Kumain ka na. " Sabi niya habang palapit sa kama at may bitbit na isang tray na puno ng mga pagkain. Hala ang sarappppp!
"Nasan ako?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa kwarto. " Sagot nito saka inilapag ang dalang pagkain sa harapan ko. Agad naman akong nagsimula nang kumain.
"Bakit ako nandito? Sa pagkakaalala ko ay nasa lobby ako. Hinihintay ko dun si by. " Sabi ko habang kumakain. Samantalang si Nick naman ay umupo sa gilid ng kama at pinapanood akong kumain. Kumain na kayo 'to?
"Nakatulog ka kasi doon. Saka alangan naman na iwan kita doon eh magsasara na sila." Magsasara? Hala ganun ako katagal doon?
"Hindi ba dumating si by?"
"Tss. Kung dumating siya sa tingin mo nandito ka ngayon?" Aba't!
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kawawa ka naman pala. Hindi sinisipot."
"Baka may emergency lang kaya hindi siya nakarating. " Sabi ko habang patuloy na nakain.
"Tsk baka kinalimutan. "
"Hindi siya ganon!" Depensa ko kay by.
"Whatever. Pero ako, hinding hindi ko yun gagawin sa'yo. " Sabi niya habang nilalapit niya ang mukha niya sakin. Lah? Ginagawa nito?
"B-ba't ka lumalapit?"
"Hindi ko hahayaang maghintay ka sakin ng ganun katagal. And I'll never ditch you. " Sobrang lapit ng mukha niya sakin!
0////0
*tug tug tug tug!*
Unti-unting tumataas ang kamay niya papunta sa labi ko. A-anong balak niyang g-gawin?!
0____0
Pinunasan niya ang gilid ng labi ko!
"Ang kalat mong kumain. " Sabi niya sabay alis nang walang pasabi.
Nang mawala siya sa paningin ko ay napabuntong hininga nalang ako.
"You never ditched me but you cheated on me. " Bulong ko sa sarili ko.
------------------------------------------------------
~ Ms. Sandoval
YOU ARE READING
TMDIWG ll: Broken Promises
Novela JuvenilBook 2 of Truly, madly, deeply in love with a gangster