Chapter 7: Welcome back Party

359 14 5
                                    

Louisse's POV

Tsk..... Tsk..... Tsk...... Nicholas...... Nicholas...... Nicholas......

LQ tuloy kayo ng jowa mo! HAHAHAHA! Ang dami mo kasing alam eh. Ayan napapala mo.

Agad na akong umalis doon dahil alam kong mag-uusap pa silang dalawa.

Pagbalik ko ay may kausap sa cellphone si by. Maya-maya pa ay natapos din ang usapan nila. Nag-aalalang tinignan niya ako. Anong problema?

"By, may emergency lang. I have to go now. Ok lang ba na mauna muna ako? I'm sorry by." Malungkot nitong sabi.

"Ok lang naman. Anong nangyari by?"

"Ah nothing, business matters by. I really have to go now. I'm sorry by. Goodbye. Take care." Sabi niya saka ako niyakap. Tumango naman ako.

"Sige. Mag-iingat ka." Sabi ko.

Nakakailang hakbang palang siya ng bigla siyang bumalik.

"Gusto mo ihatid nalang muna kita?" Tanong niya. Alam ko namang nagmamadali na siya kaya umuling nalang ako.

"No, I'm okay by. Sige na, mauna ka na baka malate ka." Nakangiti ng sabi ko. Napangiti din siya atska lumapit para halikan ako sa noo. Napapikit nalang ako. Hehe ang sweet talaga ni by.

Tinanaw ko pa siya na makaalis ng tuluyan bago ako napabuntong hininga at bumalik sa lamesa namin para kunin ang bag ko.

0_____0

Nagulat ako nang nandun na si Nicholas. Bilis naman nila mag-usap ni Lizelle? Tumikhim ako.

"Uhm, umalis na si by. May aasikasuhin lang daw. Uuwi na din ako." Sabi ko kaya napatingin siya sakin. Medyo nailang pa nga ako kasi diretso niya akong tinignan sa mata. At dahil matapang ako, tinitigan ko din siya.

"Iniwan ka niya?" Nakataas na kilay na sabi niya.

"Sabi ko kasi na wag na ako ihatid. Makakaabala lang ako. Teka, nasan na si Lizelle?"

"Pinaalis ko na." Maikili niyang sagot saka tumayo. Nagiwan siya ng pera sa table tapos ay kinuha ang bag ko. Teka, kinuha niya ang bag ko?

"Teka! Bag ko yan! Give me back my bag!" Singhal ko sa kanya. Pero di man lang siya natinag.

TMDIWG ll: Broken Promises Where stories live. Discover now