Chapter 10: Baby Zach's Birthday

301 11 9
                                    

Louisse's POV

Maaga akong gumising ngayon dahil maaga din ang pasok ko sa opisina. Ibig sabihin ay maaga ko ding makikita ang gwapo-- este pangit na mukha ni Nick.

Agad akong naligo at nagbihis saka bumaba na. Hindi na ako kumain ng almusal dahil malelate na ako. Nag-enjoy kasi akong maligo kaya napatagal hehe.

Nang makarating sa kompanya ay agad akong nagtungo sa aking opisina. Nakasakay na ako sa elevator ng may kamay na humarang dito dahilan para magbukas ito ulit.

Hindi ko na ito pinansin at tinext ko nalang si by ng good morning.

"Are you two in relationship?" Rinig kong tanong nung bagong pasok na ikinataas ko ng kilay.

*sniff sniff*

Pamilyar yung amoy. Kaamoy niya si....

"Nick?" Takang tanong ko nang nakita ko kung sino ang kasama ko dito sa loob ng elevator.

Tumaas naman ang kilay niya.

"Yes?"

"Ah wala wala." Sagot ko at hindi na siya pinansin. Anong ginagawa niya dito?

Tungaw. Dito din siya nagtatrabaho tsk nako Louisse. Ang malas ko nga lang at nakasabay ko siya sa elevator.

"Kayo na ba?" Tanong niya bigla. Teka ako ba kausap nito?

Hindi ako sumagot dahil baka hindi naman ako ang kausap niya. Mapahiya pa ako noh.

Nagulat ako ng pumunta siya sa harap ko. Kaya ngayon ay kaface to face ko ang dibdib niyang malapad. Ang lapad hehe. Matigas pa din kaya to?

"Why are you not answering me?" Tanong niya sakin.

"Ha? Ako? Ako ba kausap mo?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko. Ginawa ko yan habang nakatingala sa kanya. Ang sakit sa leeg ha.

"Stupid. Tanong dalawa lang naman ang nandito. Alangan naman na kausapin ko ang sarili ko." Ang sungit talaga! Daig pa may mens tse.

"Aba't! Uso kasi lagyan ng pangalan diba? Malay ko ba kung may kausap kang multo diyan." Mataray ko ding sabi. Ano akala niya, siya lang pwedeng magtaray? No way!

"Tss. Ang daming sinabi. Sagutin mo nalang ang tanong ko."

"Ba't ba gusto mong malaman? Ano naman sa'yo kung kami na?" Sabi ko habang nakatingala pa din. Bat kasi ang tangkad niya eh.

Nagulat ako ng bahagyang yumuko siya dahilan para magpantay at maglapit ang mukha naming dalawa.

Dugdugdugdugdug

TMDIWG ll: Broken Promises Where stories live. Discover now