Chapter 2: Pain

350 10 0
                                    

Louisse's POV

Maaga akong nagising. Bakit kaya? Ah! Oo! Kasi may date kami ngayon ni mhine! Yiee! May date kami! Magde-date kami! Hahaha! Nababaliw na ako! Wooo!

Nagbihis na ako at bumaba.

Nadatnan ko naman sila Mama at Papa sa sala na sweet na sweet. Awww ang sweet talaga nilang couple. Kahit na may mga anak na sila, hindi parin nawawala ang sweetness sa kanilang dalawa.

Sana kami rin ni mhine ganyan pag matanda na kami. Sana katulad din kami nila Mama. I'm sure naman na kami hanggang huli eh. Alam Kong hindi kami maghihiwalay.

"Ma! Pa! Masusundan na ba ako?" Nakangising sabi ko sa kanila. Waah! Gusto ko nang magkaroon ng bagong kapatid.

"I think so baby. Mukhang magkakaroon ka na ng bagong kapatid." Pilyong nakangiti naman si Papa.

"Asa! Ikaw kaya manganak?" Masungit na sabi ni Mama.

"Sus! Nagpapakipot ka lang eh." Saka nagtaas baba ang kilay ni Papa. Grabe, ang kulit pala ni Papa?

"Ako nga'y tigil-tigilan mo Nathaniel. Hindi ka ba nahihiya? Andyan ang anak mo oh." Sabi ni Mama. Sus! Nagpapakipot lang pala si Mama eh. Nahiya pa sakin hahaha.

"Wag ka nang mahiya Ma! Ok lang sakin. Saka aalis din naman ako eh. Kaya solo niyo ni Papa tong bahay." Saka ko sila binigyan ng nakakalokong tingin. Namula naman si Mama at nag-iwas ng tingin. Samantalang si Papa naman ay tumatawa.

Iniwan ko na sila doon. Baka kasi nakakaistorbo pa ako sa kanila eh. Maya-maya ay nag-text na si mhine.

From: Mhine<3

Where are you?

Agad ko naman siyang nireplayan na papunta na ako. Hindi na ako nakatanggap ng reply sa kanya. Hindi ba niya ako sasabihan na mag-ingat ako? Baka nakalimutan niya lang. Tama! Baka nga.

Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa address na binigay sakin ni mhine. Nakarating ako sa isang fancy restaurant. Wow! Ang ganda naman dito.

Pagkapasok ko pa lang sa entrance ay sinalubong na ako ng isang waiter.

"This way Ma'am." Sabi niya at tinuro sakin ang daan. Sinundan ko naman ito. Nakita ko si mhine na nakaupo na sa table. Busy siya sa cellphone niya kaya hindi niya siguro ako napansin.

"Hello mhine!" Masayang bati ko sa kanya. Napa-angat naman siya ng tingin sakin. Ipinasok na niya sa bulsa niya ang cp niya.

"Hello." Saka siya matipid na ngumiti sakin.

Tumayo siya at inusog ang upuan na kaharap ng upuan na inupuan niya.

Umupo naman ako. Hmmm Ang bango. Binuksan niya yung mga pagkain na nasa lamesa. Nagningning naman ang mga mata ko dahil sa nakita ko.

Ang sasarap ng pagkain! Tapos lahat ay favorite ko! Napatingin ako kay mhine ng nakangiti ng malapad.

"I know it's your favorites. Do you like it?" Tanong niya.

TMDIWG ll: Broken Promises Where stories live. Discover now