Louisse's POV
Arggghhh! Wala na akong mukhang maihaharap kay Nick. Bakit kasi ngayon pa?
And worst, binilhan niya pa ako ng napkin. Parang gusto ko nalang lumubog sa lupa dahil sa sobrang hiya.
Tapos na akong magpalit at hanggang ngayon ay nasa CR pa din ako. Nahihiya akong lumabas dahil alam kong nagiintay lang siya dyan sa labas.
Naalala ko tuloy bigla, dati nung kami pa, ganito din ang scene eh. Binilhan niya din ako ng napkin pfft hahahahaha.
Flashback
"Mhine, cr lang ako ha?" Paalam ko sa kaniya. Kanina ko pa kasi nararamdaman na parang may tumutulo sa ano ko eh. Baka magkakaroon na ako. >.<
"Sige, samahan na kita." Sabi niya saka tumayo. Holo! Sasamahan niya ako sa loob ng cr?!
"Bawal ka kaya sa loob ng cr." Natawa naman siya.
"Haha. Baliw, hihintayin lang kita sa labas." Umalis na kami at nagpuntang cr. Gaya ng sabi niya, hihintayin niya nga ako sa labas. Pumasok na ako saloob ng cubicle at tinignan ang dapat tignan.
O______O
Oh my gosh!
-----------
What the fudge! Ang daming napkin naman ang binili ni mhine! Yung totoo lahat yata ng napkin sa tindahan binili na niya eh.
"Mhine, are you done?" Rinig kong sabi ni mhine. Nandito siya ngayon sa loob ng cr. Ayaw paawat eh. Saka wala na rin namang papasok sa cr kasi start na rin naman ng mga klase. Late na nga kami eh.
"Wait lang, malapit na." Sagot ko. Ginawa ko na ang dapat kong gawin.
Paglabas ko, naabutan ko siyang nakasandal sa pader at hinihintay akong lumabas.
"Ok ka na?" Tumango ako.
"Thanks nga pala sa pagbili ng mga to." Tukoy ko dun sa mga napkin na binili niya. Nag-smile siya sakin saka hinawakan ang kamay ko.
"Anything for my princess." Kyaah! Kinilig naman ang lola niyo! Hahaha!
"Let's go." Sabi niya saka ako hinatak paalis ng cr.
End of flashback
Hay naku Louisse past is past. Bakit inaalala mo pa?
Huminga ako ng malalim saka lumabas na ng CR. Paglabas ko ay naabutan ko siya na nakasandal sa pader malapit sa pintuan at dumudutdot sa cellphone niya. Kausap niya siguro si Lizelle.
Nang makitang lumabas na ako ay umayos siya ng tayo at nilapitan ako.
"Ok ka na?" Tanong niya. Bahagya naman akong tumango.
"Yes. Salamat nga pala ng marami." Paspapasalamat ko na ikinatango naman niya.
"Masakit ba ang puson mo?" Nakakunot noong tanong niya.
"Di pa naman siya ganun kasakit kaya ko pa naman." Sagot ko. Nagtaka ako ngtaasan niya ako ng kilay. Lah ang taray ha hahahahaha. Tapos bigla siyang umalis. Bastos din tong lalaking to eh. Kinakausap ko pa eh.
Nakasimangot akong naglakad pabalik sa table namin. Mangiiwan talaga kahit kailan! Hmp!
Nakailang plato na ako ng spaghetti ng bumalik siya sa table namin at walang pasabing kinuha ang bag ko.
"Let's go. Uuwi na tayo." Sabi niya. Ha? uuwi na daw kami? Pano si by? Susunod daw siya.
"Kung gusto mo umuwi, mauna ka na. Hihintayin ko pa si by dito." Sagot ko na ikinasalubong ng mga kilay niya.
"No. Uuwi na tayo. Kailangan mong magpahinga."
"Sabi ko naman sa'yo, kaya ko ang sarili ko. Hindi ako uu---" Naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong buhatin na parang isang sako ng bigas. What?! BINUHAT NIYA AKO?!
"Hoy! Ibaba mo nga ako! Ano ba!" Pagpupumiglas ko. Pero dahil mas lalong lumaki ang katawan niya ay hindi ako makababa. Pinaghahampas ko na din ang likod niya pero parang wala lang ito sa kanya.
"Mananahimik ka o ihuhulog kita?" Wth! Sumusobra na to ah!
Nakabusangot akong nanahimik hanggang nakarating na kami sa sasakyan niya at ipinasok ako sa loob.
Nagda-drive na siya ng may maalala ako. Di pa pala ako nakapagpaalam kay Kuya!
"Bumalik tayo. Di pa ako nagpapaalam kay Kuyaaaaa." Sabi ko sa kanya.
"Nagpaalam na ako." Edi wow. Hmps.
Tahimik lang ako buong byahe. Dzuh? Sino ba naman ang matutuwa sa ginawa niya sakin? Tsk!
"Bumaba ka na at magpahinga na." Sabi niya nang makarating kami sa bahay. Tumango nalang ako dahil sa kalagitnaan ng byahe namin kanina ay biglang sumakit ng sobra ang puson ko. Tch ang sarap ipatanggal pramis!
Nagpaalam at nagpasalamat na ako sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay.
Aaaaarrgghhh! Ang hirap maging babaeeeeeee!
Naglinis ako ng katawan ko atsaka nagpalit ng pampatulog. Hihiga na sana ako nang mapansing may nakausling box sa ilalim ng kama ko. Agad ko itong kinuha at binuksan.
Napatigil ako ng mapagtanto kung ano ang laman ng box na yun. Nandun nakalagay lahat-lahat ng mga gamit at bagay na may kinalaman kay Nick. My memories with him. Our bittersweet memories together.
-------------------------------------------------------------
~ Ms. Sandoval
YOU ARE READING
TMDIWG ll: Broken Promises
Teen FictionBook 2 of Truly, madly, deeply in love with a gangster