Chapter 1

2K 22 0
                                    

BAKAS NG KAHAPON

Written by: Sheng

Sa isang malayong bayan ay may nakatirang magkakaibgan na sina Elsa, Romy, Jocy at Samuel. Halata sa kanila kung sino ang angat sa buhay.

Sina Elsa at Samuel ay anak ng magkakangkong. Samantalang sina Jocy at Romy ay may mga katungkulan sa bayan nila ang kani kanilang mga magulang. Subalit hindi ito naging hadlang upang sila ay maging magkaibigan. Hanggang nagdalaga at nagbinata piro hindi naputol ang kanilang pagkakaibigan.

Naging mag asawa sina Jocy at Romy, at maging sina Elsa at Samuel. Sabay din silang nagbuntis. Ngunit sadyang marupok ang tao, dahilan upang maputol ang kanilang pagkakaibigan.

Sa tahanan nina Romy, "Ano ka ba Romy! Hindi kana naawa kay Samuel! Nakita mo na nga ang kanilang kalagayan ginigipit mo pa?!" ang galit na sumbat ni Jocy sa asawa.

"Kaya ka nga inaabuso ng mag asawang iyon dahil masyado kang mabait sa kanila! Kita mo na, pati asin dito pa hinihingi. Ano na lang ang sasabihin ng mga ninuno ko kapag ang pinaghihirapan nila ay ipinamimigay ko lang!

Hindi naman ata tama iyon?"

"Pero Romy, kaibigan natin sila.!" ang paliwanag ng asawa.

"Basta..! Mula ngayon kapag gusto nila ng asin bumili sila! Tapos!" at tumalikod na ang lalaki.

Naiwang nagugulohan si Jocy, at nagtatanong sa sarili kung bakit biglang nagbago ang dati ay malambing, mapagbigay na asawa.

Kaya nga si Romy ang pinili niyang pakasalan dahil mabait ito. Siguro sadyang ganyan ang takbo ng buhay.

Samantalang sa mga tahanan naman nila Samuel ay nagtatampo ito sa kaibigan at nagsumbong sa asawa.

"Nay, malaki na talaga ang ipinagbago ni Romy." ang tila matamlay na kwento nito sa asawa.

"Bakit tatay, dahil hindi ka pinautang ng asin?"

"Hindi lang iyon, nanay. Naging madamot na siya mula ng umasenso siya lalo at nalulungkot ako sa pagbabago ng ugali niya."

"Pabayaan na natin siya e! talagang ganon siyang tao. Kaya huwag ka ng malungkot ha." nilambing niya ang asawa.

Hindi nga naglaon, nagbuntis si Jocy at tuwang tuwa ang mag asawa. Ngunit lalong naging malupit si Romy sa kanyang mga ka Nayon.

Halos lahat ng mga kanayon nila ay takot sa kanya. Ngunit sadyang bato ang puso ng lalaki.

Kasabay ng panganganak ni Jocy ay nagsilang din si Elsa ng isang maganda at malusog na batang babae at si Jocy ay isang batang lalaki na kahit sanggol pa lang ito na prominente na ang hugis ng mukha.

Isang trahedya ang hindi inasahang mangyari. Nalunod sa pangingisda si Samuel at namatay ito. Si Elsa ay nagluksa sa pagkawala ng asawa at ni hindi man lang sumilip si Romy.

Lalong umasenso ito at si Elsa mag isang itinaguyod ang anak na si Jinky. Binuhay nya ito sa pagtitinda ng kangkong, at natutuwa siya at hindi naging suwail ang kanyang anak.

Kabaliktaran kay Alex ang panganay nina Jocy at Romy. Kung malupit ang ama, halos doble ito, kahit sa edad na dose ay matatag na itong magdisesyon at iyon ang ikinatuwa ng ama.

"Jinky, anak pwedi ikaw muna ang maglako nitong paninda nating kangkong? Isama mo na rin si Joel para may katulong ka. Masakit kasi ang likod ko."

"Sige po inay. Sana wala doon iyong batang

maldito."

"Kaya nga isama mo iyong pinsan mo para, walang mang aaway sayo,"

" Kahit naman kasama ko si Joel nanay, inaaway parin ako."

"Pabayaan mo nalang sila anak, basta huwag kang makipag away ha?"

"Opo, nanay."

"Siya lumakad ka na at tanghali na baka nakabili na sa iba iyong mga suki natin."

Hindi nga naglaon ay laman na sa bawat sulok ng kabayanan sina Jinky at Joel sunong ang mga bilao na may kangkong.

"Kangkong..! Kayo riyan..! Bili na po kayo sariwa pa." ang tila walang kapagurang sigaw ng dalawa.

"Joel, huwag tayong dumaan sa malaking bahay, baka andun si Alex." ang takot na si Jinky.

"Paano tayo, makabenta kung hindi tayo dadaan doon?"

"Basta, kahit lumangaw ako sa palaisdaan..." Hindi pa tapos magsalita ang dalagita ay ito, masasalubong nila ang grupo nina Alex.

"Pare, tingnan niyo may pugad ng agila na naglalakad!" ang pambubuska ni Alex kay Jinky. Kaya ganon ang alaska sa kanya dahil sabog ang buhok niya kahit anong suklay ay sabog parin, dahil kulot ito ng pino.

nagtawanan ang lahat, maging ng mga dumaraan.

"Baka hindi lang kuto ang nakatira riyan baka pati garapata." sabay hablot ni Alex sa bilaong sunong ng dalagita at dahil hindi niya naiwas ang dala, ay natapon ang kanyang panindang kangkong.

"Eww..! Baka may garapata ang kangkong naiyan kaya kailangan din yan itapon!" tinapaktapakan ng mga kabarkada ni Alex ang kanyang paninda at wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lamang, mabuti na nga lang at limang tali na lang ang natira.

"Tingnan niyo, ang sama makatingin o! At ang buhok parang kay Medosa para kasi itong ahas na nagtikwasan.

"Hindi si Valentina iyan, kaso alalay niya si Ding." ang dagdag buska ni Wel.

"Tama, at hindi bato ang kailangan. Ding! Ang garapata!"

Lalong nagtawanan ang lahat. Natigil lang ang mga ito ng dumating ang isa sa pinuno ng Nayon.

Nag uwian na din ang lahat, maliban sa magpinsan na nakasalampak parin sa lupa.

Ganoon lagi ang nangyayari kapag nakakasalubong niya ang barkada ni Alex. Kahit anong iwas niya ay nasasalubong at nasaslubong niya ito.

Nagdalaga siyang puno ng pangungutya mula dito at sa mga barkada niya.

Lalong lumalim ang galit niya dito. Pero hindi rin niya matiis na hindi makita ang lalaki. At maging si Alex ay ganoon din pero pilit nitong sinusupil ang naramdaman dahil sa agwat ng estado ng buhay. At paano niya magugustuhan ng tulad ni Jinky, talo pa ang kaitiman kay Welma Doesn't. At super payatot pa. Kaya ang hirap talagang ipaliwanag kung bakit niya ito nagustuhan. Kaya dinadaan nalang niya sa pang aalaska dito.

Isang araw may kasiyahan na ginaganap sa kanilang tahanan dahil sasapit na siya sa edad na kinse. Ayon sa tradisyon ng pamilya nila na kapag tumuntong na sa ganong taon ang lalaki ay pwedi ng magpamilya. At siya na ang mamahala sa kanilang negosyo.

Habang abala ang lahat sa kainan at sayawan ay nilapitan silang magkapatid ng isang matanda na hindi nila kilala.

"Alex, ang mapapangasawa

mo ay ang taong pinaka ayaw mo. Kaya dapat baguhin mo na ang pakikitungo sa kanya."

"Ikaw naman ineng sana hindi mo rin pagsisihan ang mga maging disesyon mo."

Nagtinginan ang magkapatid at ng tatanungin na nila ang matanda ay bigla itong nawala.

Mula noon hindi na pinatulog si Alex dahil sa kakaisip sa hula ng matanda.

BAKAS NG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon