BAKAS NG KAHAPON
written by: Sherl D.
Mula ng araw na iyon ay wala na silang balitang lahat kay Jinky, kahit ang kanyang mga ina ay hindi rin alam.
Nagulat na nga lang sila dahil bigla nalang umuwi mag isa si Alex, mula sa Europe na hindi kasama si Jinky.
"Alex, nasaan si Jinky?"
"Hindi ko po alam nanay, mommy dahil pagkatapos ng isang araw namin sa hotel ay umalis siya at hindi na bumalik ng hotel.
Halos mahimatay si Elsa dahil sa sinabi ng manugang. Sinabi niya dito ang lahat ng kasalanan niya.
Kahit magalit man ang mga ito ay wala ng magagawa dahil hindi n nila alam kung nasaan ang anak.
Isang umaga ay may natanggap na tawag si Miles.
"Hello mom..! "
"Anak ikaw ba ito? Nasan ka ba ngayon ha? Alam mo ba na nag alala kami ng nanay mo sayo?"
"Huwag kayong mag alala, mabuti naman ako at kayo na muna ang bahala sa nanay ko."
"Ayaw mo ba siyang kausapin?"
"Huwag na po, mom para. Basta maayos po ako at sana, huwag niyo na ipaalam kay Alex na tumawag ako."
Pagkatapos ng huling pag uusap nila Miles at Jinky ay hindi na siya kinuntak pa.
~~~~
"Alex, hijo! Napadalaw ka?"
"Gusto ko lang po sanang makibalita."
"Pasensiya na Alex ha, kasi talagang wala na kaming komunikasyon ni Jinky, kahit nga sa nanay niya ay hindi tumatawag."
"Ikaw ang pag uusapan natin ngayon, tutal andito ka na rin lang naman."
"Tungkol po saan?"
"Ano pa di sa buhay mo. Nabalitaan ko na lumago pa lalo ang negosyo mo."
"Wala naman po akong ibang pagkakaabalahan kaya iyon nalang ang inaatupag ko. Baka bualik si Jinky ay taas noo akong haharap sa kaya na hindi ko pinapabayaan ang negosyo namin kahit nangungulila ako sa kanya."
"Naaawa ako sayo, pero wala akong maitutulong sa iyo. Sa tagal na panahong hindi siya nagparamdam ay umaasa parin kami ni Elsa na babalik si Jinky sa amin."
"Kung hindi lang sana ako nagpadalus-dalos ay sana hindi siya lumayo sa atin."
Nakayuko ang binata dahil hindi na talaga, mapigilan ang mgaluha kahit lalaki siya.
"Hijo, maging kami ay umaasa na sana bumalik
na siya sa amin ni Elsa."
"Ako ko po, kahitsa pagbalik niya ay ayaw na niyang bumalik sa akin ay tatanggapin ko, basta alam ko lang kung nasaan siya. Para kahit papaano ay pwede ko siyang tanawin mula sa malayo."
Lalong nanginig ang boses ng lalaki, dahil sa loob ng tatlong taon na nawala ang babae ay umaaasa parin si Alex na babalik na ang asawa sa lalong madaling panahon. Pagkataps nila mag usap na ay umalis na rin ang lalaki at nasaundan pa ang pagdalaw niya sa mga biyanan.
"Jinky, hindi ka ba magpapakita sa pamilya mo? Alam mo naman na lumalala naang iyong karamdaman at ang sabi ng doktor ay matagal na ang dalawang buwan."
"Ayaw ko silang pahirapan pa, kakayanin ko ito dahil sa anak ko."
Si Jinky ang payat na nito dahil sa colon cancer, dahil iyon sa pagsaksak sa kanya noon ni Alex.
Kaya kahit mahal niya lalaki ay sinupil niya ang sariling damdamin dahil sa galit niya kay Alex.
Noong araw ng kanilang honeymoon ay sasabihin na sana niya na pinatawad na niya ito subalit