Chapter 10:

989 20 0
                                    

BAKAS NG KAHAPON

written by: Sherl D.

Habang inasikaso ang magaganap na kasalan ay nag paimbistiga si Miles kung nasaan ang ina ni Jinky at kung buhay pa ito.

"Tao po! Magandang araw po!" ang sigaw ng lalaki.

Naalimpungatan si Mana Lorgee dahil sa kanyang narinig na tao, dali dali siyang bumangon at lumabas ng kubo.

"Amang, ano ang kailangan ninyo?"

"Kayo po ba si Mana Lorgee?" hindi kasi makapaniwala ang lalaki dahil base sa naririnig niya sa na kwentuhan sa bayan ay isang matandang hukluban daw, pero bakit ang ganda ng Mana Lorgee na nakikita niya.

"Hindi kaya ako namalikmata lang?" ang tanong niya sa sarili at nabasa ito ni Mana Lorgee.

"Amang alam ko ang iniisip mo? Ito lang ang masasabi ko. Mayron kang pakay sa akin at sa kasama ko dito.sa kubo?"

"Sige, po tutal alam niyo naman pala ho, may hinahanap kasi akong babae at dito ako itinro sa iyo?"

"Gano'n ba, hala tuloy ka muna at alam kong pagod ka sa byahe mo. Makapagkape ka na rin habang hinihintay natin ang hinahanap mo, nasa ilog

pa ang hinahanap mo."

"Sige po, salamat."

"Elsa mabuti naman at nakauwi kana. May naghahanap saiyo at alam kong dumating na ang iyong hinihintay ang makasama ulit ang iyong mahal na anak."

Hindi pa ng nakapagsalita ang lalaki ay umiyak ng umiyak na si Elsa.

"Sandali lang po ha, kayo ba ang ina ni Ma'am Jinky?"

"Ako nga ho." ang sagot ng nananabik na ina.

"Kung gano'n kailangang sumama na kayo sa akin dahil matagal na kayong hinihintay at ikakasal na siya."

"Kay Alex Sabanal di ho ba mama?" ang tanong ng matanda.

"Bakit niyo alam Mana Lorgee?" ang nagtatakang si Elsa. Maging ang imbistigador ay nagulat din.

"Alam ko lang at matagal ko ng alam na sila talaga ang magkakatuloyan subalit hindi ko na alam kung ano ang magaganap sa kanilang hinaharap. Sige Elsa sumama kana sa kanya at lagi lang akong nakasubaybay at lumabas na ng kubo ang matanda at biglang naglaho.

Sumama si Elsa sa lalaki at nagulat siya dahil sa isang malaking bahay siya dinala ng lalaki at hindi na lamang siya umangal basta ang

mahalaga ay makita niya ang kanyang anak. Kahit hirap siya noon, ay pinilit niyang labanan ang agos ng tubig at huwag matangay palayo dahil iniisip niya ang kanyang anak. Mabuti nalang at napadpad siya sa lugar na iyon at tinulongan ng matanda.

Hindi siya nawalan ng pag asa na makita ang anak, at ito na nga magkikita na sila.

Nagulat si Elsa pagkat isang napakaganda at maputing babae na parang artista ang patakbong yumakap at sumisigaw ng nanay ang papalapit sa kanya.

"Nanay... Mabuti nalang po at buhay pa kayo, matagal ko po kayong hinanap, at ilang beses na akong pabalik balik sa Nayon natin pero hindi ako nawalan ng pag asa na magkikita pa tayo." sinasabi ni Jinky iyon sa habang umiiyak.

"Sino ka? Hindi ikaw ang anak ko,dahil."

"Dahil maitim ang anak ninyo at sabog ang buhok?"

ang natatawag dugtong ng dalaga sa sinabi ng ina. Hindi na rin nagtanong pa ang ina kasi sa puso niya ramdam niya ang pagmamahal ng ina sa anak, iyong luksong dugo ika nga.

"Nanay, akala ko po talaga iniwan niyo na ako?"

"Pinilit kong mabuhay anak upang makita kitang muli. Bakit kaba pumuti ng ganyan?"

"Hindi ko po alam 'nay, basta noong mag debut ako ay unti unting, lumiwanag ang kulay ko. Ang sabi ng dermatologist, may ako daw iyong tinatawag na ugly duckling, kasi may lahi daw tayong mga mapuputi."

"Nako, iwan ko lang anak, kasi diko naman nakita ang mga magulang ko. Sa tiyang Lumen naman ako lumaki. At diko na nakita ang tatay ko."

"Huwag na nga natin iyan pag uusapan pa, basta ang mahalaga ay magkakasama na tayo at 'nay, malapit n akong makaganti sa mga taong nang api sa akin."

"Ano ang ibig mong sabihin anak? Teka lang ang sabi noong imbistigador ay ikakasal ka na daw?"

"Opo, kaya masaya talaga ako at dumating kayo, may surprisa din ako sayo. Pero bago iyon kailangang magpahinga muna kayo at ipakilala kita kay mommy Miles ang babaeng naksagip sa akin at nagbigay ng bagong buhay."

Pagkatapos maihatid ang ina sa kwarto ay agad siyang umalis upang makipagkita kay Alex dahil kukunin nila ang kanyang traje de boda.

"Hello..! Pinsan? Pinsan ba humingi ng pabor?" tinawagan niya ang pinsan upang ipaalam na nakita na niya ina.

"Bakit pinsan?" ang sagot sa kabilang linya.

"Huwag ka munang pumunta sa bahay kasi baka magkita sila tiyang at nanay, at mabulilyaso ang mga plano ko." ang paliwanag ang niya dito.

"Sige, pinsan, basta huwag mo idamay si Maricel handa akong suportahan ka." Nagkasundo ang dalawa at hindi na kumontra pa ang binata sa plano ng pinsan. Bago maputol ang linya ay may binitawan siyang salita sa pinsan at sana umobra ito.

"Sana pinsan, hindi mo pag sisihan ang kung anong desisyon mo."

"Hinding hindi ko pagsisihan ito pinsan, dahil matagal ko na itong pinangarap ang makapaghiganti sa taong muntik ng pumatay sa akin."

"Sige pinsan, sana mging saya ka."

Pagkatapos nila mag usap ay agad niyang pinaharurot ang kotse patungong opisina ng katipan.

BAKAS NG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon