Chapter 12:

1K 20 0
                                    

BAKAS NG KAHAPON

written by: Sherl D.

Pagdating nila sa Paris ay hindi muna sila namasyal nagpahinga sila dahil pagod din sa byahe at napagkasunduan nila na magpahinga muna.

Habang nasa shower si Alex ay kahit kinakabahan si Jinky ay hinanda na niya ang sarili at ito ang araw na pinakahihintay niya ang ipamukha sa lalaki ang ginawa nitong kasalanan sa kanya.

Nagulat pa siya ng biglang bumukas ang shower room at lumabas ang binata na nakatapis ng tuwalya, at halos malaglag ang kanyang panga dahil ang ganda ng katawan ng lalaki ang at ini imagine niya kung ano ang pakiramdam sa oras na makulong siya sa mga bisig nito.

"Oh! Ang bango niya." ang bulong ni Jinky sa sarili.

Bumalik lang siya sa huwesyo ng mag salit ang asawa.

"Hindi ka pa ba magshower?"

Nawala sa isip niya na kanina pa niya tinitingnan ang lalaki. Halos madapa pa siyang patakbo ng shower room.

"Hon, huwag kang magmadali andito lang ako, maghihintay." sabay kindat sa babae na nauntog p sa pinto.

Natatawa nalang ang lalaki habang sinusundan ng tingin ang asawa.

"Ano ba yan? Bakit ako natataranta!" Tumapat siya sa shower at habang nagsasabon siya ng katawan ay nasalat ng palad niya ang pilat na laging nagpapabangungot sa kanya.

Ang tagal niyang naglagi sa shower room kung hindi pa siya kinatok ng asawa ay hindi pa siya lalabas.

"Hon, kinakabahan ka ba?" ang malambing na tanong ng lalaki.

Tango lang ang sagot ni Jinky. 

"Huwag kang mag alala, hindi naman kita pipilitin, handa akong maghintay."

"Ano itong naramdaman ko para akong hindi makahinga. Ang lambing niya kasi, pero hindi ako magpapadala sa damdamin ko." ang bulong niya sa sarili.

Pagkatapos niyang magbihis ng pantulog ay nahiga siya sa tabi ng asawa na alam niyang hinihintay siyang matapos sa sa kanyang seremonya.

" Halika ka nga rito sa tabi ko hon."

Umusod naman siya patabi sa asawa.

"Sige, patayin mo ng ilaw at matutulog na tayo, dahil alam kong pagod ka rin."

Naunang nagising si Alex, at natuwa siya dahil si Jinky nakasiksik sa kili kili niya at naghihilik pa ito. Dahan dahan niyang inalis ang kanyang braso upang makabangon at magpadala ng almusal nila at alam niyang gutom ang asawa pagkagising dahil hindi na sila nakapaghapunan.

Nagising si Jinky dahil sa aroma ng kape na kanyang naaamoy. Hinanap agad ng kanyang mga mata ang asawa.

"Morning honey, mabuti at gising kana."

"Ano ba, huwag ka munang lumapit at hindi pa ako nakapag momog."

"Asus! Ano ka ba, wala iyon sa akin. Siya mag almusal ba muna tayo o, magshower ka muna?"

"Magshower na muna ako." nagmamadaling tumayo ang babae at hindi niya napansin ang unan at napatid siya.

"Ops! I got you honey, next time be careful okay?" 

Nagkatitigan sila at hindi napigilan ng binata ang sarili at hinalikan ang labi ng asawa na pulang pula. Kahit nagulat ang dalaga ay nakipaghalikan din ito sa asawa hindi na napigilan ang sarili at tuloyan ng nahubad ang damit pantulog niya at sinamba ng asawa ang kanyag katawan. 

Nagulat ang lalaki dahil sa isang pilat sa may.pusod ng asawa pero hindi niya muna pinansin dahil abala sa kanyang ginagawa.

Matapos ang isang mainit na pagsasanib ng kanilang katawan ay tumabi siya sa asawa at pareho parin silang nakahubad at nilaro laro ng lalaki ang pilat.

"Hon, saan mo nakuha itong piklat mo?"

Hindi sumagot si Jinky, umiiyak pala ito.

"Bakit ka umiiyak, pasensyana ha, sinira ko iyong pangako sa iyo. 

Hindi parin kumibo, ang babae at bigla bumangon at nagbihis.

"Honey, ano ba ang problema mo? Naguguluhan na ako sayo."

Wala parin kibo ang babae at nagbihis ito at inaayos ag gamit at lumabas ng hotel room.

Humabol si Alex pero ng maalala na wala pala siyang damit ay bumalik ng kuwarto at nagbihis.

Naabutan niya ang asawa sa elevator, at agad niyang niyakap ang asawa.

"Ano ang problema mo? Bakit ayaw mo sabihin sa akin?"

"Gusto mo ba talagang malaman? Ha? Kung bakit ako nagpakasal ako sayo? Dahil sayo, muntik na ako mamatay dahil sa kagagawan?"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Gusto mo malaman kung saan ko nakuha itong peklat na ito?"

"Ikaw ang may kagagawan! nakalimutan mo na ba ang pinagtangkaan mong patayin? Ako iyon an babaeng may buhat na pugad ng aguila, ang bata noonn lage niyong pinagkakatuwaan, inaapi at higit sa lahat hindi ka pa nakuntento sa kaka asar sa akin, sinaksak mo pa ako! Kaya ngayon, ikaw naman ng magdusa, hindi kita sasaktan ng pisikal pero siguro naman sa ginawa kong ito ay makakaganti na ako sa iyo!?"

Parang naupos na kandila si Alex na napa upo sa labas ng elevator, dahil pagkatapos niyang malaman ang lahat mula sa asawa ay tuloyan na itong pumasok sa elevator.

Umiiyak si Jinky habang palabas ng hotel at kahit papaano ay nasaktan din siya. Nilisan niya ang lugar na iyon kung saan ibinigay niya ang sarili sa asawa upang saktan lamang ito. Sana kung magkita sila ulit ay sana tuloyan ng maghihilom ang kanyang sugat.

BAKAS NG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon