Chapter 3

1.2K 30 0
                                    

BAKAS NG KAHAPON

Written by:Sheng

"Kuya, ano kaya kung aalis nalang tayo dito? Ibinta nalang natin ang ang Asinan at itong bahay at iba pang ari arian natin?"

Nagkatinginan ang magkapatid. Tatlong araw palang mula ng malibing ang kanilang mga magulang na pinatay ng mg taong labas dahil sa ayaw magbigay ng pera.

"Sige, punta nalang tayong Maynila at doon natin harapin ang bagong bukas."
Hindi nga nag

tagal nabili agad ang kanilang mga ari arian at umalis sila ng Nayon na hindi na inisip kung babalik pa ba sila sa lugar na iyon na nagbigay sa kanila ng masamang ala ala.

Samantalang ang pamilya nina Joel ay umalis din sa lugar nila upang makalimutan ang isang bangungut ang pagkawala ng mag inang Elsa at Jinky.

"Joel, anak ano ang plano mo ngayon nakakulong ang iyong ama?" ang ina habang umiiyak.

"Hindi ko alam 'nay, pero, huwag kayong mag alala, kakayanin natin ito." ang bigay assurance sa ina at nagyakap sila.
"Sana kuya, makalimot na tayo dito sa lugar na ito."

"Sana Maricel, sana."

Nagsimula ang magkapatid ng bagong buhay. Si Alex natutong magpakumbaba at nagsikap iyong pera na napagbilhan ng ari arian nila ay inilagay niya sa bagong negosyo. Kumuha sila ng pwesto sa palengke sa idad na labing-pito ay natutunan niya ang pasikot sikot sa negoyo, nagtinda ng RTW, nag buy ang Sell din siya. Samantalang ang kapatid ay ipinagpatuloy ang pag aaral.

"Siguro kabayaran na ito sa naging kasalanan ko sa kanya. Sana mapatawad niya ako, kung hindi lang siguro ako nagpadala sa bugso ng damdamin, hanggang ngayon masaya pa sana kaming magpamilya. " ang bulong ni Alex sa sarili habang nagpapahinga, kakauwi lang niya galing sa pwesto nila sa mall at sa pinagagawa niyang building.

Kahit bata pa siya noon ay nasinop niya ang kanilang munting kabuhayan at lumago ito sa loob ng limang taon ay isa na siyang batang milyonaryo.

Si Maricel ay nagtuturo na rin, malaki talaga ang nagagawang pagbabago sa kanilang buhay mula ng mawala ang kanilang mga magulang. Pero hindi niya malilimutan si Joel na kahit anong gawin niyang paglimot ay hindi niya nagawa dahil alam niyang malaki ang galit nito sa kanya, ipinakulong nila ang ama ng lalaki at nabalitaan niya na napatay sa riot sa kulungan.

"Iyon siguro ang ibig sabihin ni mana Lorgee noon na sana hindi ako gagawa ng isang bagay na pagsisihan ko habang buhay. Sana kung saan ka man ngayon sana napatawad mo na ako."

"Kung ang disesyong iyon ang paraan upang makakalimutan kita ay masaya sana ako ngayon. Pero wala, ni hindi ko nga nagawang lumingon sa iba. Ikaw parin Joel ang laman ng puso."

Kausap ang sarili habang nakahiga sa kama ang dalaga.

Samantalang si Alex naman ay maraming naging karelasyon pero nauuwi lang din sa hiwalayan.

May hinahanap siya sa bawat nakarelasyon niya na kahit anong piit niya sa sarili na makuntento ay hindi niya talaga magawang mahalin alin man sa mga nagdaang babae sa buhay niya.

May hinahanap siya mula sa kahapon na pilit niyang ibinabaon sa limot, subalit
bigo siyan limutin ang taong iyon na hanggang sa ngayon ay inuusig parin siya.

Habang namamasyal sina Maricel kasama ang mga co-teachers niya ay magsasalubong ang landas nila ni Wel ang taong ayaw niyang makita.

"Maricel...!" sabay yakap sa dalaga.

"Ano ba bitiwan mo nga ako!? Sino ka ba?" ang galit na bulyaw niya sa lalaking bigla nalang yumakap sa kanya.

"Ako ito si Wel!" ang nangingislap pa ang mga mata animo’y nakakita ng ginto.

"So? Ano ang kailangan mo?" ang hindi mapigilan pagtataray ng dalaga.

"Siyempre nasasabik akong makita kayong magkapatid, lalong lalo kana.!" ang hindi maitagong kislap sa mata ng binata.

Hanggang ngayon ay gusto niya parin ang babae kahit lumipas pa ang ilang taon.

Napakaganda mo talaga." sabay kurot sa pisngi niya na ikinairita pa lalo ng dalaga.

"Maricel, mukhang matagal pa kayong magkumustahan ng friend mo baka pwede na kaming mauna saiyo?" ang tanong ng isa sa kasama niyang titser.

"Hindi, sasabay ako sa inyo." sabay hila sa kasama niya upang makalayo sa binata.
Kinilabutan siya ng may makita siyang lalaki na kanina pa pala nakatingin sa kanila. Hindi siya maaaring magkakamali si Joel iyon. Napakagwapo niya parin, kung hindi lang sana si Wel ang una niyang nakita. Bad trip talaga siya sa lalaking iyon kahit kailan paepal.

Kahit noong mga bata pa sila, laging kontrabido iyon sa kanila ni Joel.

"Nagsama talaga ang mga demonyo!" si Joel habang tinitingnan ang palayong dalaga, maging si Wel ay nakita niyang sinundan ang dalaga. At may kutob siyang may masama itong balak sa babaing pilit na kinakalimutan.

~~FLASHBACK~~

"Tatay, baka po pwede akong sumama sainyo?" ang tanong ng binatilyong patpatin.

"Huwag na anak, baka lamigin ka lang sa laot, kita mo naman ang nipis ng kaha mo." ang biro ng ama sa anak. Ang birong iyon pala ay huli na dahil sa isang pangyayaring magbabago sa buhay nila.

"Joel.. Anak saan pala ba ang tatay mo?" ang nag alalang ina ng binata.

"Wala pa po 'nay. Baka maraming huli kaya natagalan.

"Baka nga, siya magpakulo kana ng tubig at maaga rin akong pupunta sa kangkongan natin."

"Nanay, saan kaya dinala ng baha sina Jinky at tiyang Elsa? Sana buhay pa sila."

"Sana nga anak, ipagdasal nalang natin sila."

Nakulong ang ama dahil sa matibay na testemonya ni Maricel. Kahit nagmamakaawa na ang kanyang ina subalit sadyang iginiit ni Maricel talaga.

Mula noon ay napopoot na siya sa dalaga. Lalo pa at nagpakamatay ang kanyang ama sa kulongan.

Akala niya nakalimot na ang puso niya sa pagmamahal sa dalaga ngunit nagkamali siya, kung gaano kalaki ang galit niya ay tinutunaw ito ng kanyang pag ibig para sa dalaga.

~~~

"Pasensya na miss hindi ko sinasadya."

"It's okay..! But next time make sure na hindi kana makabangga.!" may pagkamataray pero my lambing ang tono.

Biglang na batobalani ang binata sa dalagang kanyang nakaharap.

Napakaganda nito, at matangkad, makinis at sopistikada nito sa suot na simple dress.

Ang dalaga naman ay natutuwa sa reaksyon ng binata, at alam na niya kung saan magsisimula.

BAKAS NG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon