Chapter 11:

961 17 0
                                    

BAKAS NG KAHAPON

written by: Sherl D.

"WOW... Hija you look great with your wedding gown!" ang bati ng kanyang mommy Miles, kasama ag nanay Elsa niya.

"Thank you mom ang nanay."

"Huwag ka ng tumayo anak at baka naghihintay na si Alex sa simbahan."

"Salamat sa inyo dahil binigyan niyo ako ng buhay."

"Ano ka ba anak, huwag kang umiyak baka mabura ng make-up, magmukha kang panghaloowen." ang biro ng nanay Elsa niya na umiiyak.

"Ayaw niyo akong paiyakin, tapos kayong dalawa ang umiiyak? Ano kaya iyon?"

"Hindi pa ba kayo, tapos? Baka maiinip ang groom at aalis ng simbahan." ang biro ng kanyang kaibigan na bakla.

"Paalis na kaya, huwag kang magbirong ganyan."

"Sorry po mader, diko lang napigilan ang bibig ko."

"Sige anak, mauna na kami ha at huwag kang mag alala dahil alam kong masaya ang tatay Samuel mo."

"Salamat nanay, sa pagdala sa akin dito sa mundo at saiyo mom sa pagbibigay ng pangalawang buhay."

Nagyakapan ang tatlo at nagpaalam na ang dalawang babaing mahalaga sa buhay niya.

"Kuya, puwede ba maupo kana muna kasi baka mamaya pagdating ni Jinky, e, stressed kana. Ikaw din."

"Sige iwan na muna kita at baka mainip si Joel di pa matuloy ang kasal namin next year. "

"Ikaw talaga kahit kailan.. Siya iwan mo na ako dito."

Umuopo ang binata at hindi niya napansin ang babae sa tabi niya.

"Kumusta ka na Alex Sabanal? "

Nagulat ang binata dahil sa biglang pagsasalita ng babae. Excuse me ho? Magkakilala ho ba tayo? ang nagulat na binata.

"Ngayon mo sabihin na nagsisinungaling ako.

Magsisisi ka man ay huli na ang lahat."

Magtatanong pa sana ang binata dahil naguguluhan siya subalit bigla na lamang nawala ang babae at binaliwala na lamang nya ito.

"Kuya, nariyan na si Jinky, kaya pumuwesto ka na sa harap."

Biglang nakamdam ng kaba ang binata na hindi niya alam, ng marinig niya na papasok na ng simbahan ang mapapangasawa.

"Jinky, anak huwag kang kahabahan basta i-enjoy mo lang ang araw na ito ha." ang kanyang nanay Elsa.

"Hindi ko po mapigilan ang kabahan 'nay."

" Alam ko anak, talagang ganyan ang ikinakasal. Ano handa ka na ba? Magsimula na tayong maglakad papasok ng simbahan."

"Sige, salamat po talaga at nagkita pa tayong muli 'nay."

"Huwag ka na kang magdrama at masira ang make-up mo. Gusto mo ba na pag angat ng belo mo ay katulad mo iyong commercial an pangit. Ikaw din anak baka magtakbuhan ang mga tao."

Ang natatawang ina, ngumiti na lamang siya dahil hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng ina.

Habang lalakad siya ay nakita niya ang binata na nakatayo sa harap at hindi maikakaila na ang kisig nito, sa suot nitong barong tagalog. At naidalangin nito na sana masamang panaginip lang ang mga nangyari at magisig siya na masaya kasama ang taong mahal niya, pero hindi dahil nakatapat ang mga kamay niya sa pilat sa tiyan na habang hawak ang bulaklak.

Ang binata naman ay naptulala sa babaing papasok ng simbahan at patungo sa kanya, kahit may belo ay makikita mo ang elegante nitong galaw na parang lumulutang sa hangin, napakaganda at sino bang groom ang hindi mapatulala sa ganoon kagandang babae.

Nang palapit na ito sa kanya ay pakiramdam niya ay liliparin siya ng hangin at hindi niya maipaliwanag iyon. Subalit binaliwala na lamang niya dahil baka guni guni niya lamang at hindi niya namalayan na nasa harap na niya ang mapapangasawa.

Nasa harap na sila ng altar at nagsimula na ang matrimony ng kasal at ang lahat ay tahimik, dahil nasaksihan nila ang isang napakagandang kasalan na, at natapos ang seremonya sa pagsasabi ng pari ng "You may now kiss the bride".

Unti-unting iniangat ni Alex ang belo, na nanginginig ang mga kamay at biglang pumasok sa isip niya ang kanyang panaginip na nagpakasal siya sa isang magandang babae at ng hahalikan na niya ito ay isang naaagnas na mukha ang kanyang nakita sa likod ng belo.

Nang maiangat na niya ang belo ni Jinky ay hindi iya muna ito tiningnan nakapikit siya, at ng malantad na ang magandang mukha ng asawa ay nakahinga siya ng maluwag at dinampian niya ng magaan na halik sa pisngi ang asawa.

"Mabuhay ang bagong kasal.!"

"Mabuhay!"

"Binabati kita kuya ana maging maligaya ka at salamat." nagyakapan ang magkapatid at si Jinky naman ang kanyang nilapitan.

"Ate, mahal na mahal kang kuya ko at sana mahalin mo rin siya." at niyakap din ni Maricel ang hipag.

Ngiti lang iginanti ni Jinky sa asawa ng pinsan.

"Kailan naman kayo magpakasal sa simbahan ni Joel?"

"Iwan ko sa kanya ate, basta masaya na ako at kahit papano kasal na kami sa huwes."

"Mga mahal namin na mga bisita sa reception na tayo magkita kita.!" ang sigaw ni Alex. Kanya kanya ng sakay sa mga kotse nila ang mga bisita at tutuloy na sa reception ng kasalan.

Habang masaya ang lahat sa kainan at kwentuhan ay biglang may humiling ng kiss at hindi naman tumanggi ang mag asawa at pinagbigyan nila ang mga ito.

Sa pagkakataong ito ay isang mainit na halik ang iginawad ni Alex sa asawa na tinanggap naman ni Jinky ng buong puso.

Natapos lang ng eksinang iyon ng magpalakpakan ang mga bisita.

Pagkatapos maikot ng ng mag asawa ang mga tables ng mga bisita ay hindi narin sila magtatagal at baka mahuli pa sila s flight nila papuntang Europe para sa kanilang pulot-gata.

BAKAS NG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon