Chapter 4

1K 21 0
                                    

BAKAS NG KAHAPON

Written by: Sheng

"Ops! Pasensya na miss, hindi kasi kita napansin." ang hinging pasensiya ng binata.

"Sige, basta sa susunod tumingin ka na sa dinadaanan mo." ang boses ng dalaga na sa pandinig ng binata ay awit ng isang anghel.

Natulala na lamang si Alex na nakatitig sa dalaga at ng tingnan niya ang mga mata ng dalaga ay para itong apoy na tutupok sa kanyang pagkatao at parang pamilyar sa kanya ang mga matang iyon. Kaso galit ang nakalarawan dito.

"Magkakilala ba tayo? Kasi parang pamilyar ka sa akin, pero hindi ko lang matandaan?" ang tanong ng binata.

"Pasensiya na ha nagmamadali kasi ako." hindi na hinintay ni Jinky na makapagtanong ang binata. Tinalikuran na niya ito na nakangiti.

"Simula pa lang ito Alex". ang bulong niya sa sarili.

Samantalang ang binata habang pauwi na sa bahay niya ay, hindi mawaglit sa isip niya kahit isang minuto ng dalagang nakabanggaan. Ang problema ni hindi niya natanong ang pangalan nito o di kaya ay numero.

Ang ganda niya ang puti at ang boses niya na para akong idinuduyan sa sobrang lamig at ang ganda talaga.

"Jinky hija! Kumusta ang pamamasyal mo?" ang kanyang mommy Miles.

"Mabuti naman. Siya! Maghanda kana at maghahapunan na tayo."

"Sige po, magbibihis lang ako saglit." umakyat na ang dalaga sa kuwarto niya.

"Lalo siyang gumwapo, pero hindi ako padadala sa dadamdamin ko, kailangang maiganti ko ang ginawa niya sa akin.!"

~Flashback~

"Jinky, anak ibili mo nga ako ng gamot at masama ang pakiramdam ko." ang utos ng kanyang nanay Elsa.

Umalis siya na kahit umuulan upang ibili ng gamot ang ina.

Ngunit hindi niya malaman na kung saan ay may sumaksak sa kanya at may sinabi ito na hinding hindi niya makakalimutan.

"Siguro naman, hindi na matutupad ang hula sa akin dahil papatayin kita.! Ayaw ko sayo, baluga! Pangit! At higit sa lahat patay gutom!" sabay unday sa kanya ng saksak sa buong parte ng kanyang katawan.

At nawalan na siya ng malay tao.

Nagising na lamang siya sa kandili ng mommy Miles niya at mula noon ay nagbago ng lahat sa kanyang pisikal na anyo, lahat ay nagbago, ang ipinagtataka niya ay ang pagbabago ng kanyang kulay, pero ang sa balat niya ang sabi ng doktor ay maputi daw talaga ang genes niya, siya iyong tinatawag na ugly duckling. Noong una nahihirapan siyang makisabay sa buhay sa siyudad pero dahil sa tulong ng ina ay natuto siya.

Ang napakalungkot lang ay wala na siyang pamilyang babalikan sa nayon nila dahil ang balita sa kanya ay inanod ang bahay nila ng baha. Samantalang ang pamilya nila Joel ay wala na rin doon mula ng magpakamatay ang ama dahil napagbintangang pumatay sa mga magulang ng taong kinamumuhian niya.

Mula noon hindi na siya bumalik pa sa nayon nila at nangakong hahanapin niya ang lalaking sumira ng pamilya nila at natagpuan na niya ito.

"Anak, tapos ka na bang magbihis?"

"Sandali na lang po ako mom." sabay punas sa mga luha sa pisngi niya. Simula pa lang iyon Alex kaya humanda ka na.

Isang araw habang namamasyal si Joel kasama ang ina, upang malibang ito dahil sa sobrang kalungkutan kahit halos labing-limang taon na ang lumipas.

Habang kumakain sila ay may biglang lumapit na dalawang babae sa kanila na sa tingin nila ay mag ina, pareho kasing maganda at sopistikada.

Ngumiti ang dalaga sa kanila at kahit nagulohan ay ngumiti din sila.

"Kilala mo ba kami?" ang naguluhang si Joel.

Imbis na sumagot ay ngumiti ng pagkatamis tamis ang dalaga iyong bang ngiti na sa pinsan lang niya ginagawa kapag may hinihingi siya.

"B-Bakit ka ganyan makangiti sa akin?" ng kinakabahang binata, dahil kilala niya ang ngiti na iyon.

"Pinsan! Hindi mo na ba ako kilala?" dahil sa sinabi ng babae ay biglang talon ang binata at niyakap ang dalaga.

Ang ina naman ay umiiyak dahil hindi ito makapaniwala na makikita ang pamangkin. Nang humupa na ang damdamin nila ay saka sila nagkwentuhan.

"Kumusta ang nanay Elsa mo Neng?"

"Tiyang, hindi ko po siya kasama." ayaw niyang sabihin kung paano siya nawala.

"Pinsan ang ganda mo?"

"Ikaw nga din akala ko nga si Coco Martin."

"Nang uto ka na naman.!"

Nagtawan silang apat na siyang nakita ni Maricel.

BAKAS NG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon