Chapter 6:

1K 22 0
                                    

BAKAS NG KAHAPON

written by: Sherl D.

Hindi na pinansin ng binata ang sinasabi ng dalaga. Bagkos pakiramdam niya ay lumulutang siya sa alapaap dahil sa boses nito na parang anghel na hinihele siya upang makatulog.

Wala na nakatulala nalamang siyang nakatingin sa dalaga, kung hindi lamang siya tinapik ni Atty. Sherwin Retorbar ay hindi pa siya matauhan.

"Pare, siya ang client ko si Ms. JINKY OLIVAR. Ang may ari ng OLIVAR GROUP OF COMPANIES."

Nang marinig ng mga nasa sa paligid na ang babaing napakaganda ay isa pa lang mayamang negosyonte na bachelorett, na lahat ay gustong mapangasawa dahil ang isang mailap na dalagang negosyante ay sa simpling dinner meeting lang pala nila makasalamuha.

Hindi kasi mahilig ang dalaga, makihalubilo sa mga taong puro pagyayabang lang ang pag uusapan. Pwera lang kung mga business ventures ay punta ka at makikita mo siya.

"Hi! I'm, Alex Sabanal." habang inaabot ang kamay sa dalaga na wala yatang planong tanggapin ang pakikipagkamay nito.

"Jinky Olivar."

Nang mabanggit ng dalaga ang apilyedo niya ay may isang tao na biglang kinabahan dahil sa pagkakaalam niya ay namatay na ang pamilya ni Miles, dahil nalunod ang mag ama niya.

Agad tumayo ang naturang tao at nilapitan ang dalaga upang makita ang mukha nito.

" Hindi ito maaari! Patay na ang pamilya ni Miles.! Kailangang makausap ko si Karyo." at nagmamadaling nilisan ng naturang tao ang kasiyahan at hindi ito lingid sa paningin ni Atty. Sherwin Retorbar dahil bago palang siya dumating sa meeting ay natimbrihan na siya ni Miles na magmatyag sa paligid ni Jinky kung may kahinahinala na tao. Iyon nga ang napansin niya ang isang taong iyon na kung makatingin sa dalaga ay halos lamunin na ito at kung makapatay lang ang mga titig, malamang kanina pa bumulagta ang dalaga.

Nang tumugtog na ang banda ay inaya ng binata na sumayaw ang dalagang kasosyo at hindi nalang tumanggi si Jinky, kailangang masimulan ang step 3 ang akitin ito.

Samantalang si Maricel naman ay dinala ni Joel sa kotse niya at doon ay nag usap sila.

"Kahit talaga kailan, hindi mo nawawala ang ang pagiging suplada mo!"

"Joel..." hindi na natapos ng dalaga ang dapat sana ay hihingi ng tawad dahil umiyak ng umiyak na ito.

"Bakit ka umiyak? Nakunsyensya ka na ba sa pandidiin mo kay itay na siyang pumatay sa magulang mo? Alam mo ba ng dahil doon muntik ng dahil masiraan ng ulo ang nanay ko? Dahil sa sobrang sama ng loob? Nagpakamatay ang tatay ko dahil hindi niya matanggap na napabintangan siya at pagdusahan ang kasalanang ni sa hinagap ay hindi niya magagaw?"

"Bakit ang tatay ko ang idiniin mo? Bakit?"

"Patawarin mo ako, pinagsisisihan ko ang ginawa ko Joel! Alam ng Diyos kung paano ako nagdusa sa ginawa kong iyon! Pero huli na ng makapag isip ako, wala na ang tatay mo."

"Bumalik ako sa Nayon natin noong maalala ko na ang lahat pero, wala na kayo at iyon nabalitaan namin na nagpakamatay ang ama mo. Hinanap kita upang makahingi ng tawad pero ang hirap mo palang harapin."

"Bakit ba kasi ang tatay ang idiniin mo?" ang halos ay madurog ang mga ngipin ng binata sa pagka tiim ng mga bagang niya, dahil sa pinipigilang emosyon na lumukob sa kanyang damdamin.

"Patawarin mo ako Joel, nagugulohan din ako ng mga panahong iyon at bata pa ako."

"Wala akong pakialam kung ano ka ka pa noon, basta suklam na suklam ako sayo!"

Hindi na nag isip ang binata, pinaharorot nito ang kotse at hindi na inisip na may kasama siya sa kotse.

"Joel, kung ang kamatayn ko ang ikaliligaya mo, dahil nasira ko ang buhay niyo!? Sige! Ibangga mo itong sasakyan mo! Pero sa ngayon, nais kong malaman mo na mahal na mahal kita!"

Nang marinig ng binata ang sigaw ng dalaga ay pakiramdam niya ay tumigil ang ikot ng mundo para sa kanya. Dahan dahan niyang pinatakbo ang kotse at tumingin siya sa katabi at parang natutunaw ang puso niya dahil namutla ang dalaga at ang luha at sipon ay nagsama sa sobrang takot.

"Kahit alam kong hindi na pwede kasi may girlfriend kana, at wala akong plano na sirain ulit ang iyong buhay."

Naramdaman na lang ng binata na bumalik ang kanyang itinatagong damdamin sa dalaga.

Naalal niya kung paano niya ito minahal noong mga bata pa lamang sila kung paano, siya binubugbog ni Wel upang iwanan iwasan lamang siya.

BAKAS NG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon