BAKAS NG KAHAPON
written by: Sherl D.
"Anak, bakit hindi ko ata napansin na umuwi ka kagabi?" ang ina ni Joel si Aling Tarsing.
"Nay, gandang umaga po. Kain na po tayo."
"Bakit ang saya mo anak?"
Ang nagtatakang ina dahil napansin nito na ang sayang mukha at basta ang napansin niya na blooming ang anak.
"Nanay, bakit ganyan kayo kung makatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha?" sabay lapit sa ina at halik sa pisngi.
"Sige nay, at late na ako sa opisina."
Naiwan ang ina na nagtataka talaga, kasi mula ng umalis sila sa Nayon ay ngayon lang talaga niya nakita na kumikutitap ang mga mata nito.
Habang nagbabyahe ang binata papasok ng opisina ay naalala niya ang matamis na pinagsaluhan nila ng dalaga noong nakaraang gabi.
Samantalang ganon din ang naramdaman ng dalaga ng maalala kung paano siya sinamba ng binata. Pagkatapos kasi nilang magsumbatan ay hindi na nila napigilan ang kanilang mga damdamin at humantong sila sa isang malamig na silid sa isang motel.
Doon nila sinulit ang mgaang mga panahon na nasayang sa kanila ang mga damdaming pinipigilan ng binata ay doon niya inilahad at hinayaan nilang ang mga damdamin nila ang mag usap at mga yakap at haplos sa isa't isa.
Pagkatapos ng mainit na kaganapan ay umuwi silang wala man lang napagkasunduan, basta ibinaba na lamang siya sa labas ng gate nila.
"Maricel, bakit bigla ka nalang nawala sa party kagabi at nagsumbong si Wel na iniwan mo daw siya at sumama sa isang lalaki?"
"Paano naman di ko siya iwanan kuya, ang bastos niya at kung umasta ay parang nobyo ko siya."
"Akala ko ba mag nobyo na kayo?"
"Kahit kailan kuya hindi ko siya magugustuhan kahit na kailan!"
"Bakit? Si Joel pa rin ba hanggang ngayon?"
"Bakit kuya, pati ba ikaw ay tutol din kapag magkaroon kami ng relasyon ni Joel?"
"Hindi ko pipigilan ang damdamin mo sis, basta masaya at hindi ka niya sasaktan at mapatawad niya tayo. Walang problema sa akin iyon."
"Salamat kuya. Alam niyo ba na nagkita kami sa party kagabì at napatawad na niya tayo kuya."
"Sana nga Maricel at ako man ngayon ay parang may nahanap na mamahalin."
"Talaga kuya?" ang nanlaking mata ng dalaga.
Natapos ang usapan ng magkakapatid na masaya at iniisip nila na ito na ang simula para maging masaya na sila at tuluyan ng ibaon sa limot ang masamang kahapon na nagbigay ng masamang alaala.
Habang nasa opisina si Jinky, ay nag ring ang telepono niya.
"Ma'am, tawag po sa line 2, Mr. Sabanal daw po."
Nangingiti an dalaga kasi alam niyang tatawag talaga ang binata at medyo due na nga ang tawag nito.
"Yes? Mr. Sabanal, ano ang kailangan mo?"
"Pwede, ka bang ma invite mag dinner?" ang binata na pumipiyok pa sa kabilang linya.
Kahit expected na niya na ganon nga ang sadya ng binata sa kanya ay kinakabahan pa rin siya.
"Anong oras ba?" na kunwari hindi intirisado sa paanyaya ng binata.
"Mga 7:00pm, susunduin kita sa opisina mo."
"Magkikita nalang tayo, sa restaurant."
"Sige ikaw ang bahala."
Napagkasunduan nila kung saan sila magkikita.
Kahit biglaa ang imbitasyon ng binata ay handa naman ang dalaga may mga formal dress naman siya sa opisina dahil may pahingahan siya na pinasadya niya, para kapag kailangang may trabahong dapat tapusin ay hindi na siya magdadrive ng alanganin sa oras na siyang nagustuhan ng kanyang mommy Miles.
Habang nagbibihis siya ay napatingin siya sa sariling repleksyon sa salamin at natutuwa talaga siya sa kanyang nakikita, perfect body at napakakinis niya, maliban lamang sa isang pilat sa bandang pusod na kurting kalahatint puso.
Gusto n mommy niya na ipatanggal ito pero ayaw niya dahil iyon ang nagbibigay lakas sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay.
Kahit gusto niyang mag one piece ay hindi niya nagawa dahil sa pilat. At magsisimula na siyang maniningil. Nagmamadali na siyang magbihis at baka ano pa ang magawa niya, nag iiba kasi ang mood niya kapag nakikita niya ang pilat na iyon na naging palatandaan ng isang kahapon. Ang bakas ng kahapon, na kailan man ay hindi na mabubura pa sa isip at puso niya.
Pagdating sa restaurant ay nakita niya ang binata na nakatayo sa labas ng resto, para siguro abangan siya.
"Kanina ka pa?" pilit na tinatakpan ang galit na umusbong.
Natulala na naman ang binata, kasi kahit simple lang ang suot ng dalaga ay litaw parin ang ganda nito.
"Titigan mo na lamang ba ako? Gutom na kasi ako."
"Pasensiya na, halika." inalalayan pa siya ng binata papasok ng sikat na kainan.
Pinaghila pa siya ng upuan at saka ito umupo at agad na lumapit ang waiter.
Habang kumakain sila ang binata ay hindi itinago ang paghanga sa dalaga at ikinatutuwa ito ng dalaga dahil talagang hindi siya mahihirapang pasukin ang buhay ng binata at wasakin din ito.
Ang binata ay hindi siya pinabayaan, kulang nalang ay susubuan pa siya.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na siya at kahit napansin niya na ayaw pa nito na umalis na siya ay pumayag na rin.
"Sige, mauna na ako ha, salamat sa masarap na hapunan."
"Ako nga ang dapat magpasalamat kasi pumayag ka."
"Wala iyon. Paalam at hanggang sa muli." humarorot na ang kotse ng dalaga.
Umalis na rin ang binata na nakangiti pa rin.