BAKAS NG KAHAPON
written by: Sherl D.
"Hi! Can I come in?" ang binatang nakangiti habang nakatingin sa dalagang nagulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Alex sa kanyang opisina.
"Ikaw pala?" ang matabang na tanong dalaga.
"Oo! Pasensiya kana kung hindi man lang ako nag abiso na pupunta, gusto kasi kitang surprisahin. Ito bulaklak para sa'yo!" hindi na napansin ng binata ang pagsimangot ng dalaga. Dahil masyado itong natuwa at sa wakas nadalaw din niya ito sa opisina.
"Sana tumawag ka man lang, kasi hindi talaga kita mahaharap, marami kasi akong dapat na tapusin." ang sabi ng dalaga habang tinatanggap ang bulaklak.
"Ganon ba, sige sa susunod tatawag muna ako." ang binata na nakangiti parin.
"Sige.., " hindi na pinansin ni Jinky si Alex at kunwari ay abala ito. Pero wala naman ang isip sa ginagawa bagkus sa binata na nasa harapan niya na mistulang maamong tupa.
"Pwede ba kitang maimbitang mag lunch?"
"Pasensiya na Alex, pero madalian ito kaya mamaya pa ako, at magpaakyat nalang ako
ako ng pagkain mamaya sa aking sekritarya, kay huwag ka ng mag abala pa." nginitian na niya ang binata.
"Ganon ba, sige mauna na ako." lumabas ng binata na laylay ang balikat, pinaghandaan pa naman niya na ayain ang dalaga ng lunch.
Pagkalabas ng binata ay agad na inayos ni Jinky ang bulaklak na bigay ng binata.
"Sana kung hindi mo lang ako pinagtangkaan noon? Kahit inaapi mo pa ako, siguro tumalon na ako sa tuwa ng masilayan ko ang iyong gwapong mukha."
Habang inaamoy ng dalaga ang bulaklak ay nagulat siya ng biglang sumilip ang kanyang Secretary.
"Ma'am, may pinabibigay po iyong bisita niyo kanina."
"Pumasok ka nga, para kang iwan riyan na pasilip silip."
"Ito po ma'am lunch niyo raw po, at para hindi kayo malipasan ng gutom."
"Sige, pakilapag na lang diyan at tatapusin ko lang 'to."
Pagkatapos maiayos ng secretary ang pagkain ay lumabas na ito.
"Karyo!? Akala ko ba, epiktibo ang plano mo na lunurin ang mag ama ni Miles?"
"Opo, madam!"
"Bakit, kitang kita ng dalawa kung mata ang anak niya.!"
"Pero, paano mangyayari iyon? Ako mismo ang ngpataob ng bangka?" ang sagot ng lalaki.
"May naaamoy, ako. Karyo, bumalik ka sa beach at magtanong tanong ka, sa mga tauhan nila doon?"
"Areglado madam!" lumabas na ang lalaki sa building ng mga Olivar.
"Hindi mo ako, maiisahan Miles, kung nailigtas mo ang anak mo! Sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ko na mawawala na siya ng tuloyan sa'yo!" at tumawa n ang babae.
~~~~
"Anak, mabuti naman at dumating kana? Siya nga pala may bisita ka at pinapasok ko na."
"Sino po mom?"
"Alex daw. Puntahan mo na sa garden at doon ko na pinatuloy."
Nakaramdam ng kaba ang dalaga, dahil halos lage nalang nagpapakita ang binata na kanya at masigasig itong makapasok sa buhay niya.
"Kanina ka pa?" ang bungad niya sa binata na agad tumayo ng makita siya.
"Flowers for you.. Pasensiya kana kung hindi ako nagpasabi na pupunta ako dito."
"Maupo, kana at kukuha lang ako ng meryenda natin."
"Ano ang kailangan mo sa akin?"
"Gusto lang kitang dalawin, may magagalit ba?"
"Wala naman, pero sana tumawag ka muna sa akin. Paano kung may lakad pala ako at mamayang gabi pa uwi ko."
"Maghihintay parin ako. Siya nga pala pwede ka sa linggo?"
"Hindi ko sigurado, baka kasi may lakad kami ni mommy." ang palusot ng dalaga, dahil gusto niyang sabikin ang binata sa kanya.
"Ganon ba."
"Pero, huwag kang mag alala baka bigla nalang akong pupunta sa opisina mo. O, di kaya'y tawagan kita at ako mismo ang mag aaya sayong lumabas. Okat ba'yon?"
Nabuhayan ng loob ang binata at hindi rin nagtagal ay nagpaalan na ito.
"Anak, napapansin ko lage mong tinitingnan iyang pilat mo sa tiyan?"
"Ito kasi ang nagbibigay a akin ng lakas para maghiganti ang bakas na ito ang dahilan upang maipaghiganti ko ang kaapihang natamo ko muka sa kanyang mga kamay." hindi napigilan ng dalaga ang umiyak sa galit sa tuwing naalala niya kung paano siya nagkaroon noon.
Gusto na nga iton ipatanggal ng ina pero ayaw niya. Gusto niyang nakikita lage ang pilat na iyon. Ang ina niya ang dahilan din upang lumaban sana
magkikita pa sila ng nanay niya upang makaranas naman ito ng kaginhawaan sa buhay na matagal niyang pingarap para rito.
"Madam, ayon po sa napag alaman ko, may nailigtas daw na dalagita noon si Miles sa beach noong mag isang taong kamatayan ng kanyang pamilya."
"Kung ganon Karyo, ampon niya lang ang babaing yon?"
"Ganon na nga siguro, kaya huwag kayong mag alala. Dahil wala paring hawak na panlaban ang hipag mo sa'yo."
"Tama ka Karyo! Tama ka!"
Iyon ang narinig ni Miles habang kakatok na sana siya sa opisina ng hipag. Nagmamadali siyang umalis na nanginginig sa galit. Hindi nga siya nagkakamali na may kinalaman ang hilaw niyang hipag sa pagkamatay ng kanyang mag ama.
Kailangang mag iingat sila ni Jinky.