Chapter 5:

1K 25 0
                                    

BAKAS NG KAHAPON

written by: Sherl D.

"Pinsan, sabihin mo nga sa akin kung ano ang nangyari talaga sayo?" ang tanong ni Joel habang nakaupo sila sa garden ng bahay nila Jinky. Dinalaw kasi siya ng pinsan.

"Ganito kasi iyon pinsan."

Ikinuwento ni Jinky ang kanyang pinagdaana at wala siyang nilaktawan na eksina.

Pagkatapos niyang magkwento ay hindi nila napigilan ang umiyak habang, napuno ng galit ang kanilang dibdib sa pamilya Sabanal.

Dahil nagkwento din ang binata sa kanilang sinapit mula sa pamilya din Sabanal.

"Kaya nagsikap ako, kahit halos gusto ko ng sumuko, dahil wala si nanay at hindi ko alam kung nasaan na siya o buhay pa siya."

"May awa ang Diyos, ako nga din kung hindi rin ako nagsikap, malamang lugmok din kami sa hirap."

"Pero hindi ako titigil hangga't hindi ako makaganti sa taong nagtangkang kumitil sa buhay ko! Isinusumpa ko iyon!" ang sumpa ni Jinky.

Marami pa silang napagkwentuhan at hindi na sinabi ng dalaga na nakita na niya ang binata. Maging ang binata hindi rin niya ipina alam sa pinsan na nakita nito si Maricel at alam niya kung saan nakatira.

Matagal din silang nagkwentuhan, hanggang nagpaalam na rin ag binata at may meeting pa siya.

"Ano pinsan, mauna na ako ha, at may dadaluhan pa akong meeting."

"Sige pinsan at baka sa susunod na mga araw ako naman ang bibisita sa inyo."

Nagpaalaman na sila at nangakong magbabalitaan.

~~~

"Kuya, tumawag nga pala si Mr. Yu, at pinapasabi na may meeting ang mga investors sa kumpanya ninyo."

"Anong oras ba daw?"

"Mamayang 7:00pm."

"Wala ka bang lakad ngayon?"

"Wala naman kuya. Bakit?"

"Maghanda ka at isasama kita sa dinner meeting na iyon, para naman hindi may makaharap ka namang ibang tao. Tingnan mo nga iyang sarili mo, nukha ka ng matandang dalaga."

"Kuya, naman e! Alam niyo naman na hindi ako, mahilig na sa mga ganyan mula ng mawala sila mama at papa." Sa pagkaalala sa mga magulang ay bigla silang nalungkot at ma mga mukha na pumasok sa kanilang isip.

"Huwag na nga natin sila pag usapan, basta sasama ka sa akin."ang pinal na desisyon ng kapatid at walang nagawa ang dalaga kundi ang sumama. Sinong mag aakala na doon pa sila magkikita kita.

Habang nagsasalita si Alex bilang presidente ng company ay hindi niya alam na may paris na mga matang nakatutok sa kanya na halos gusto na siyang sunugin sa init ng titig sa kanya.

At dahil din sa instinct ng binata ay ramdam niya na parang may mga matang nakatutok sa kanya.

Hindi niya maintindihan ang naramdaman, pakiramdam niya ay katugma ng kanyang hininga ang taong iyon na kung saan nakapwesto ay hindi niya alam. Ang pakiramdam na iyon ang hinahanap niya.

Natapos ang kanyang speech sa isang masigabong palakpakan.

Samantalang si Joel ay gusto na niyang sugurin si Wel na kanina pa nangungulit kay Maricel, n halata sa mukha ng dalaga ang inis sa katabi. At kitang kita niya mula sa kanyang kinatayuan ang yamot sa mukha nito.

"Kahit talaga kailan Wel, napaka epal mo!" ang bulong nalang ni Joel sa sarili.

Nang makababa na sa podium ang binata ay samu't saring papuri ang lahat gusto siyang makamayan.

"Mr. Sabanal.. Hindi talaga nagkamali ang aking kliyente na dito sa company mo mag invest.!"

"Attorney Sherwin Retorbar! Kumusta na?" at nagkamay ang dalawang binata.

"Mabuti naman Mr. Sabanal."

"Alex na lang, atty."

"Kung ganon naman pala, di Sherwin na lang din ang itawag mo sa akin."

"Sige Sherwin. Maiba tayo kailan mo ako ipakilala sa kliyente mo?"

"Mamaya baka busy pa iyon, alam mo naman ang mga negosyante ding katulad mo. Kailangan makipagkaibgan ka sa lahat."

"Tama ka riyan pare."

"Tol..! Kumusta na ?! Hindi na talaga kita mareached!" ang lapit ni Wel sabay akap sa kaibigan.

"Wel? Ikaw ba yan? Wow! Kumusta na? Tagal nating hindi nagkita ah?" ang halatang sabik sa kaiigan.

"Ganon parin naman. Teka, hindi ba sinabi sayo ni Maricel na nagkita kami sa mall last month lang?" ang kunwari ay nagtatampo.

"Wala naman siyang sinabi sa akin. Baka nakalimutan lang niya."

"Siguro nga."

"Wel, maiwan muna kita, tutal marami pa tayong oras para magbalitaan, may mga

kakausapin lang ako."

"Sige tol, dito lang ako sa tabi ni Maricel para hindi siya mainip." sabay akbay sa dalaga, ngunit tinabig lang siya nito.

"Pwede ba Wel, lumayo ka nga!" sabay talikod dito.

"Pakipot ka pa ha, sige lang tutal, kaibigan ko ang kapatid mo kaya pasasaan ba at mapapasaakin ka rin." sabay dampot ng alak at tungga.

"Bakit mo iniwan iyong date mo?" ang nakangising si Joel.

"Hindi ko siya d-date." halos lumabas ang puso ng dalaga sa excitement ng makilala ang binata.

"Kaya pala ayaw mo akong makadate, kasi may katagpo ka pala dito.!" ang nagsiselos na si Wel.

"Pwede ba Wel? Tigilan mo na ako?! Surang sura na ako sa kakabuntot mo!" sabay hila sa kamay ni Joel na hindi manlang nakilala ni Wel.

Naiwan itong, galit na galit ngunit nagpipigil lang.

Samantalang si Jinky ay, papalapit kina Alex. Nang makita siya ng binata ay halos malaglag ang panga nito sa tuwa.

"Ikaw? ang nagulat na binata bagaman nakangiti.

"Magkakilala ba tayo? ang kunwari ay nagtatanong na dalaga.

BAKAS NG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon