BAKAS NG KAHAPON
written by: Sherl D.
Nagising si Jinky, dahil sa ingay sa may sala nila. Agad siyang bumangon, pumasok ng banyo at nagshower.
"Hija! Buti at gising kana."
Nagbatian ang mag-ina, saka dumiretso ng sala.
"Good morning!" ang bungad ng kanyang mga bisita.
" Pinsan? Bakit andito iyan, hindi mo ba alam na malaki ang kasalanan nila sa akin? Sa'yo? Sa buong taga Nayon?"
"Hindi niya alam na ikaw ang pinsan kong pangit noon, kaya umayos ka. "
"Joel?!" pinadilatan niya ito.
"Halika! Ipaikilala kita sa kanya."
Hindi na nagpapilit ang dalaga, lumabas siya ulit sa sala at hinarap ang bisita.
"Cel, si Jinky, ang pinsan ko."
Natulala pa si Maricel, kasi ang inasahang makita niya ay iyong Jinky na kilala niya sa Nayon, fifteen years ago. Natandaan niya ang ang babae, dahil ito ang nakita niya sa restawran na kausap ni Joel.
"Hi..! I'm Jinky Olivar." tuwang-tuwa siya dahil sa nakitang niyang pagkagulat sa mukha ng dalaga.
"Maricel."
"Cel, siya iyong pinsan kong sa America lumaki."
"Akala ko ang Jinky na tinutukoy mo ay iyong taga Nayon? Hindi ba nawala iyon dahil inanod ng baha ang bahay nila?"
Umilap ang mga mata ni Jinky dahil maiiyak na siya naalala niya ang ina at hindi niya alam kung nasaan na ito.
"Ganon ba Cel." ang tamlay na tugon ni Jinky.
"Halika na kayo handa na ang pagkain natin."
Habang kumakain sila ay pakiramdam ni Jinky ay sinusuri siya ni Maricel, panay panakaw tingin nito sa kanya.
"Kilala mo ba ang kuya ko?"
Biglang napabuga si Jinky dahil sa tanong ni Maricel.
"Sinong kuya mo?"
"Alex Sabanal."
"Ah! Si Mr. Sabanal, kasosyo ko siya sa iba kung negosyo. Bakit?"
"Kaya pala..!" ang masiglang sigaw ni Maricel.
"Anong kaya pala, Cel?" ang tanong ni Joel na nagulat dahil sa biglang tawa ng nobya.
"Si kuya! Lagi siyang may binibida na babae sa akin na kasosyo niya sa negosyo at gustong gusto niya. Kailangang matawagan ko siya upang ipaalam na sa kanya na kilala ko na ang crush niya."
Hindi nila napigilan ang babae na tawagan ang kapatid. Kinakabahan si Jinky,
baka mabisto na siya, kung bakit kasi hindi niya nabalaan ang pinsan.
"Kuya! Hulaan mo kung sino ang kasama ko ngayon?"
"Si Jinky Olivar! Iyong crush mo! At alam mo ba kuya ang gandan niya talaga."
"Sige, kuya salamat bye.."
"Ano sabi ng kuya mo? "
"Jinx, regards lang siya sayo."
Nabunutan ng tinik ang dalaga akala niya mabisto na.
"Pinsan pagkatapos nito saan ang punta niyo?"
"Ipapasyal namin si Nanay sa mall."
"Okay, ako naman may lakad din mamaya."
Pagkatapos nilang kumain ng maagang tanghalian ay nagpaalam na sina Joel.
Lumipas ang mga araw ay patuloy ang panunuyo sa kanya ng binata pero binaliwala niya lamang ito.
Isang umaga may natanggap siyang kahon at nagulat siya dahil mga lumang litrato ang laman nito. Napasigaw ang dalaga dahil siya sa kanya ang mga iyon.
"Ano ang nangyari sayo anak?" ang humangos palabas ng sala si Miles.
"Diyos ko! Ano ang mga iyan?" napatutop sa kanyang bibig sa Miles. Larawan ni Jinky noong bata pa siya na ibinabad sa dugo.
"Mommy, ano ang gagawin ko?"
ang nanginginig sa takot na dalaga, maging ang kanyang ina ay takot na may galit.
May idea na siya kung sino ang may pakana ang kanyang hipag.
Pagkatapos humupa ang kanilang mga tako ay agad na pinatawag ni Miles ang kanilang abogado.
"Mrs. Olivar ito na ang mga papeles na hinihingi mo sa akin. Pirma mo nalang ang kailangan at notaryo ay pwede mo ng paalisin ang hipag mo sa opisina niya."
Nang araw nga na iyon ay pinahuli niya ang hipag sa kasong murder.
Dahil matibay ang ebidensya ay nakulong ang babae at pati ang mga tauhan sa resort na kasabwat sa kremin.
Isang araw habang nasa kanyang opisina ang dalaga ay dumating si Alex na may dalant maraming bulaklak at may bannerpa na may nakalagay na 'WILL YOU BE MY FOREVER' at nagulat siya dahil nagpropose ito ng kasal.
"Ma'am, sumagot na po kayo, nangangawit na si sir o!" ang sigaw ng kanilang mga empleyado.
Sino ba naman ang hindi pangawit mula sa pinto niya hanggang sa table niya ay nakaluhod ito.
"Jinky..Will you be my forever?"ang umiiyak na binata.
Halos maluha si Jinky, dahil nagulat siya at na excite at wala sa sarili ay na pa "Yes! I will!"
Nagulat siya ng bigla siyang halikan sa labi ni Alex it was her first kiss.