BAKAS NG KAHAPON
Writen by: Sheng
"Hindi ko lubos maisip na ang mukhang bakulaw na iyon ang mapapangasaw ko!" ang sigaw niya habang nakahiga sa kanyang kama.
"Anak, pwedi ba ang pumasok?" ang tawag ni Jocy.
"Pasok po kayo mama.!"
"Anak, nabalitaan na namin ang paghaharap ninyo ni Mana Lorgee. Huwag kang matakot anak sa hula niya, nag uulyanin na iyon."
"Pero mama, kilala ko ang babaing tinutukoy niya. Hindi ko iyon matatanggap dahil sa hindi katanggap tanggap ang kanyang hitsura. Parang pugad na tinubuan ng katawan, at ang itim pa niya. Ayaw kong pagtatawanan ako ng aking mga kaibigan.!"
"Hindi iyan magkakatutuo dahil sa hindi naman talaga manghuhula si Mana Lorgee kaya pwedi ba kalimutan mo na iyon.?"
"Sana nga mama, makakalimutan ko iyong sinabi ng matandang mangkukulam na iyon."
Pagkatapos mag usap ng mag ina ay natulog na si Alex at napanaginipan niya na ikinasal siya sa isang babaing ang napakaganda at ng iniangat na niya ang belo upang halikan ay isang naaagnas na mukha ang kanya at saka siya nagising.
Hingal na hingal siya sa pagising niya dahil binangongot siya.
"Hindi talaga ako makakapayag na siya ang mapangasawa ko at gagawa ako ng paraan upng mawala siya sa landas ko."
Samantalang si Maricel naman ay nalilito na talaga kung ano ang dapat niyang gawin kung paano siya mapalapit kay Joel. Kung gaano niya kagustong mapalapit dito ay siya namang gustong lumayo ni Joel.
"Joel, bakit mo ba ako iniiwasan, samantalang halos lahat ng ka edad natin ay gustong mapalapit sa akin?"
"Ayaw ko sa mga suplada at matapobre. Kaya pwedi ba tigilan mo na ako!?" ang singhal ng binatilyo sa kanya na labis niyang dinamdam.
"Nasaktan din si Joel sa kanyang ginawa sa kababata. Pinagbantaan kasi siya ni Wel na kapag makipag usap siya kay Maricel ay ibabaon siya sa kangkongan. Kaya kahit masakit ay titiisin niya, masaya na siyang nakikita ang dalaga mula sa malayo.
Sinamantala ni Wel ang paglayo ni Joel, kaya siya ang dikit ng dikit sa dalaga.
"Maricel, ano ka ba? Huwag mo ipilit ang sarili mo kay Joel, dahil andito naman ako."
"Pwedi ba Wel! Hindi kita gusto, kaya kung maari lang lubayan mo na ako!" sabay talikod ng dalagita.
"Sige, supladahan mo ako! Pasasaan ba at babagsak ka rin sa akin." ang sigaw ni Wel kay Maricel.
~~~~
Isang araw habang nakaupo sina Alex at mga barkada, sa harap ng bahay nila ng dumaan sina Jinky at Joel.
"Hoy! Pare ang mapapangasawa mo! May sunong na pugad na puno ng garapata." ang kantiyaw ni Wel.
Dahil doon ay nagkatawanan silang lahat. Kaya lalong nagalit si Alex sa dalaga at gagawa siya ng paraan upang mawala ito sa landas niya at may naisip na siya.
Isang gabi, habang malakas ang ulan ay naglalakad si Jinky, dahil pinabili siya ng ina ng gamot sa sipon. Dahil kabisado na ni Jinky ang lugar ay wala siyang takot na sumuong sa kadiliman ng gabi at lakas na buhos ng ulan.
"Sino ka? Ano ang kailangan mo?" ang takot na si Jinky dahil may humarang sa kanyang daraanan.
Hindi man lang sumagot ang kaharap at inundayan siya ng saksak sa tiyan at sa ibang parte ng kanyang katawan na siyang dahilan ng pagkawala ng kanyang malay.
Akala ng tao na umatake sa kanya ay patay na ang dalagita kaya itinapon niya ito sa kangkongan. At mula noon ay bigla nalang naglaho si Jinky. At pati ang kalikasan ay nakiayon sa kanyang pagkawala. Bumuhos ang malakas na ulan at bumaha ng malaki sa nayon.
Inabot ng baha ang bahay nil Jinky at ang kanyang ina na may sakit ay naisamang inanod ng kanilang bahay.
Nagluksa ang buong nayon dahil sa sinapit ng mag ina. Walang nakakaalam sa tunay na nangyari sa dalagita.
Sa isang Bayan habang namamasyal sa tabing dagat si Miles upang alalahanin ang first death anniversary ng pagkawala ng kanyang mag ama dahil nalunod ito.
"Bakit niyo ako iniwan?" ang sigaw niya sa kawalan.
Nagulat siya kung ano iyong sumabit sa paa niya.
Agad niyang hinila ang tao na kanyang nakita at may mga sugat ito pero may buhay pa, kahit hirap ay dinala niya sa cottage at pinagyaman. Ginawa niya ang lahat upang mabuhay ito.
Hindi naman siya nabigo, sumuka ito ng maraming tubig at ginamot niya ang mga sugat nito. Hindi siya natulog sa kababantay sa taong kanyang nasagip. Nataranta ito ng halos nag aapoy sa taas ng lagnat.
Naiiyak si Miles dahil naalala niya ang kanyang mag ama. Sana kung naging maagap lamang siya sana buhay pa ang kanyang mag ama.
"Ikaw ang ipapalit ko sa kanila sa buhay ko. Mamahalin kita bilang anak ko." habang hinahaplos niya ang buhok ng kanyang pasyente.