MBML 7 ✨New Classmate New Friend and Greatest Heartbreak✨

176 5 0
                                    

Chapter 7

Thyronne's POV

Naiuwi ko na sila at OTW home na ako sa aking tahanan dahil inaantok na ako at pagod na ako sa pinaggagawa namin. Hay, napaisip tuloy ako sa pinag usapan namin ni Shayne my labs kanina pagkababa ni Khade:

"Thyronne, sa tingin mo anong nangyari kay Khade? Bigla na lang nagbago ang mood pagkatapos nung call na sinagot niya kanina, pansin mo?"

"Oo nga ee, siguro si Kai yun at binreak na siya, hahaha, Joke!"

"Langya ka! Di naman siguro ganun yun. Baka pagod lang yun, hayaan mo iintrigahin ko na lang bukas?"

"Joke lang naman, tsaka sana nga walang nangyari, mapaglihim kasi yun ay, hindi basta basta nagsasalita, malalaman mo na lang na may nangyari pag nakabalita ka sa ibang tao, tsk tsk!"

"Oo nga, o andito na tayo, bye sweetie, lab yu good night!"

"Bye! see you tomorrow, lab yu tu, goodnight and sweet dreams!"

Sana nga ok lang si Khade kasi nangyayari lang sa kanya yun pag may masamang nangyari, kaya yun nadedepressed. Hay sana ok nga lang talaga.

***

Kinabukasan

***

Kris's POV

Tamad akong bumangon sa kama at naghanda na para pumasok sa school super kapagod pala talaga mag liwaliw hay, but worth it naman! Masaya ee! Pero nag aalala lang ako kay Khade, dahil bigla na lang nag iba yung kilos niya pagkatapos niya sagutin ang tawag. Hay di lang siguro ako ang nag aalala dun.

By 7:00 handa na ako dahil 7:30 ay magsisimula na ang klase, kaya nag simula na akong mag lakad, ayoko naman mag pahatid dahil malapit lang naman tsaka di naman nakakamatay ang paglalakad at malapit lang naman ang school namin, by the way kaming mag kakaibigan ay napasok lang sa iisang school pero mag kakaiba ng section, kami ni BFF Sunny mag kaklase tapos si Shayne at Khade magkaklase si Thyronne naman mag isa. Haha, siya lang yung walang kasama sa aming magkakaibigan.

Nakita ko si Sunny na palabas ng gate nila dahil nasa iisang village lang kami kaya madadaanan ko ang bahay nila. Buti naman at maaga to ngayon!

"Sunny!!"*wave-wave*

"Uy Kris! Tara sabay tayo! Maglalakad lang din ako ee"

"Sige tara, buti ang aga mo ngayon waa?"

"Grabe parang sinabi mo na lagi akong late ee😑"

"Di naman uy! Haha"

"Haha. Sa tingin mo ok lang si Khade?"

"Di nga lang ako ang napapa isip sa kalagayan nun, ewan ko ee, tanungin nalang natin mamaya sa school."

***

School

***

"Guys!" bati sa amin ni Thyronne kasama si Shayne

"Uy, nakita niyo si Khade??" tanong ni Shayne

"Di pa nga ee, nag aalala nga kami sa babaeng yun ee" reply ni Sunny

"Hay, kami nga rin pinag aalala ng bruhang yun, haha sana ok lang yun!" reply ulit ni Shayne

"Guys tara na sa mga room natin baka malate tayo mag ti-time na ee" sabi ko

"Oo nga tara na, Shayne tara hatid na muna kita" sabi ni Thyronne

"O sige Guys kita kita nalang mamayang lunch break" Sabi ni Shayne

My BestFriend, My Lover [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon