MBML 47

91 3 0
                                    

Chapter 47

Thyronne's POV

'Fight for HER'

Iyan lang ang nasa isip ko ngayon..

Mas lalo ako nagkaroon ng motivation para maibalik si Shayne dito..

Dito sa 'tabi ko'

Dahil alam ko ngayon na may tiwala nang muli ang magulang ni Shayne sa akin..

At di ko na muli pang sisirain yun..

"Ahh, Thyronne, dito ka na matulog sa kuwarto ni Shayne dahil pinapaayos namin ang guest rooms tsaka bagong pintura lang." sabi ni Tita

"Ahh, sige po Tita. Salamat po talaga sa tulong niyo.." sabi ko

"Hay. Alam mo wala naman talaga kaming naitulong.. Ikaw ang dahilan noon.. Nakita ko ang sobrang pagmamahal mo sa anak namin.. And you deserved that Reward." sabi ni Tito

"Right.. Kaya ngayon. Maging masaya na kayo. Ayaw na naming makita na pinahihirapan ang niyo ang sarili niyo.." sabi ni Tita

"Opo, salamat po talaga sa inyo, Tito at Tita." sabi ko habang nakangiti

"Basta hanggang dito lang ang kaya namin. Ikaw na bahala kay Shayne.. Alam ko susundan mo na siya doon agad agad." sabi ni Tita

"Opo! Gagawin ko po ang lahat.. Iaayos ko na ang lahat para makaalis na po ako." sabi ko

"That's the spirit! Sige Thyronne. Matulog kana at magpahinga dahil alam ko pagod na pagod ka na.. " Sabi ni Tito

"Ahh, good night po.. Pero..." sabi ko pa

"Ahh, Good night.. Ano yun?" tanong ni Tita

"May pagkain pa po ba kayo na natira???" nahihiya kong sabi

Nagkatinginan sila at tumawa ng malakas.

...

Grabe nakakagutom! Noong nakaraang araw naman kasi di ko nararamdaman ang gutom pero ngayon gutom na gutom na ako!

"Sige po Sir Thyronne. maiwan ko na po kayo. Tawagin niyo na lang po ako pag may kailangan kayo." sabi ni Manang pagkatapos initin sa microwave yung carbonara na niluto kanina tsaka yung ulam at kanin.

"Nako! Matulog na po kayo. Ako na pong bahala dito." sabi ko

"Sigurado po kayo??" sabi ko kay manang

"Opo, magpahinga na po kayo. Huwag po kayo mag-alala." sabi ko pa

"Sige po. Patayin niyo na lang po ang ilaw"

"Sige po. Good night po."

"O sige. Good Night din"

Umalis na si manang at nagsimula na ako kumain.

Grabe andami nito. Ok lang! Kaya ko to! Haha.

Gutom po ako!

Napapa ngiti na lang ako habang kumakain..

"Magkikita na uli tayo.. Shayne Thyra." i smiled widely

Kris's POV

"Pero kung ayaw mo, it's ok.. We can think of more ways..." Paula Lee Said

"No. I will do.. Pumapayag ako."

Kung ito na lang talaga ang isa sa mga pinakamagandang ideya.. Pumapayag na ko..

I badly want to bring back Sunny..

If only this way can..

Why would i refuse..

My BestFriend, My Lover [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon