MBML 22 ✨Still Believing Him✨

104 2 0
                                    

Chapter 22

Sunny's POV

Bat ganun? Parang kahapon lang ang saya saya pa namin tapos ngayon?? Ganito ang mga nangyayare??...

.

.

.

Ano ba talaga ang totoo??

Sino ba talaga ang dapat paniwalaan??

Ano ba ang kailangan kong gawin??

***

Di ko na alama ang gagawin ko.. Iyak lang ako ng iyak dahil sa mga nangyare.. Para na siguro akong tanga dito ngayon na iyak ng iyak habang naglalakad.. Patak lang ng patak ang mga luha ko sa daan..

Maya maya pa ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.. Wala akong ginawa kundi maglakad sa ilalim ng ulan.. Talagang tanga na ata ako?? Hay,.. Nakikiramay ang kalangitan sa nararamdaman ko ngayon..

Nakauwi ako sa bahay nila Kris ngunit wala pa siya. Buti na lang dahil di ko na siya kayang harapin pagkatapos ng lahat.. Agad naman akong binigyan ng towel ng maid at tinanong kung ano ang nangyari pero di ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kuwarto..

Aalis na ako dito.. Di ko yata maaatim na tumira pa rito pagkatapos ng mga nagawa at nasabi ko..

Nagpalit ako ng damit at isinilid na sa mga bags ang lahat ng gamit at damit ko..

...

Paalis na ako noon ng paglabas ko ng pinto ay pagpasok naman ni Kris ng Gate..

"S-sunny???" Mahina niyang sabi

Naramdaman ko na tutulo na naman ang mga luha ko, kaya nagmadali ako at di siya pinansin at tumakbo pabalik na sa bahay namin. Buti tumila na ang ulan kaya di ako nahirapan..

.

.

.

Nakarating na ako sa bahay namin at nagtatanong ang mga maids namin doon kung bakit daw kasi 3 days pa bago umuwi ang parents ko.. Tanging 'Ewan' lang ang naisagot ko at nagpatuloy na sa pagpunta sa kuwarto ko. Inilagay ko na lang sa isang tabi ang bags na dala ko at nahiga sa kama ko at bumagsak na naman ang mga luha ko..

Nakatingin lang ako sa kisame habang patuloy sa pag agos ang mga luha ko..

Bakit ganito ang nangyare?? Ang sakit, SOBRA! Lalo na kung kaibigan mo pa ang nagtraydor sa iyo..

***

Kinabukasan

***

Maaga ako nagising or should i say halos di naman ako nakatulog dahil kahit anong pilit kong matulog ay wala namang nangyayare.. Buong gabi yata ako umiyak, lalo na ng maalala ko ang sinabi ni Kris na 'Mahal niya ako'.. Maniniwala ba ako?? Oo alam ko pwedeng mangyari ang mga ganoong bagay dahil matagal na kami magkasama pero?? Parang lumalabas kasi sinisiraan niya si Jacob dahil mahal nga niya ako.. Pero??

"WAAAAAAAAA!!! EWAN!" napasigaw na lang ako dahil sa mga pinag iiisip ko..

Nagready na akong pumasok sa school kahit na ayaw ng katawan ko ay pinilit ko.. Kahit na alam kong isang pagsubok na naman ang kakaharapin ko dahil makikita ko na naman sila..

.

.

.

.

.

Simula ngayon alam ko... NA MAGBABAGO ANG LAHAT...

Kris's POV

My BestFriend, My Lover [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon