Chapter 70
Thyronne's POV
Nasa kalagitnaan na ng kanta sila Sunny at Kris para sa last song nila pero may napansin ako kay Kris.
Para kasi siyang nag papawis at kapit na kapit kay Sunny tapos papikit pikit pa siya at parang nawawalan ng balanse.
Mukhang di maganda to.
"Thy, I think there's something wrong with Kris. Look at him." sabi ni Shayne sa akin.
"Yeah, napansin ko din nga ee.. Palagay ko masama ang lagay niya." I replied.
Nag-aalala na kami dahil sa nangyayari.
Napansin na rin nila Khade at Jhigz ang nangyaysari kay Kris pati narin ang mga parents namin.
Pati si Sunny ay parang di komportable sa stage dahil nga sa nangyayari kay Kris.
And it all happens.
After the song, Kris just fell down to the floor causing a big commotion in the concert hall.
Lahat ay nagpanic.
Napatakbo naman kami agad sa stage para makatulong.
Agad din namang nagkaroon ng mga medics kaya naman agad namin nadala si Kris sa Hospital kaso ay nagpaiwan pa si Sunny dahil kailangan niya pa daw tapusin kaya naman umalis na lang kami at di na pinansin si Sunny dahil mas mahalaga si Kris sa mga oras na yun kaya naman tumakbo na kami papunta sa sasakyan at sinundan ang Ambulance.
Tinext na rin namin si Sunny kung saang hospital.
"God.. Ano ba ang nangyayare?" Umiiyak na sabi ni Shayne.
"Don't worry, Kris will be safe." nasabi ko na lang.
"What if... not?" umiiyak na sabi na rin ni Khade.
"Ano ka ba! Huwag la ngang negative! Marami na ang napagdaanan ni Kris, it's impossible kung di niya to kakayanin. Besides di pa rin naman natin alam ang totoong lagay niya." Sabi naman ni Jhigz.
"Alam niyo, Jhigz is right! Kaya let's just pray for his safety, ok?" sabi ko pa.
...
After a few minutes ay nakarating na kami sa Hospital.
Nalaman rin namin na sa E.R. sya dinala at hanggang ngayon ay di pa rin lumalabas ang mga doctor.
Lahat ngayon kami ay di mapakaling naghihintay sa labas ng E.R.
"Where's Kris?!! What happened to him?!" sigaw ni Sunny na tumatakbo papalapit sa amin.
"Nasan siya? What happened to him?" tanong niya sa amin habang patuloy sa pag iyak.
Sunny's POV
Sa oras na matanggap ko ang text ni Thyronne ay nagmadali na ako sa pagpunta sa hospital na sinabi niya.
Noong makarating ako at makita sila Thyronne at sumigaw na ako agad at tumakbo palapit.
"Ano? Sumagot naman kayo!" umiiyak kong sabi dahil lahat sila ay nakayuko lang tapos sila Mom naman ay nakaupo lang sa mga upuaan doon at nakayuko habang ang mga kamay ay nasa mukha nila.
Napahilamos na lang ako sa mukha at sa buhok ko at napaupo na lang sa sahig at humagulgol ng iyak.
"Pl-plea-please.. S-save. h-hi-him." nausal ko na lang at lumuhod naman si Khade at Shayne para tapikin ang likod ko at i-comfort.
"Sis, ok lang yan. Kaya yan ni Kris! Ano ka ba! Di ka niya susukuan no! Lalaban yun!" Sabi ni Khade.
"Oo nga. Malakas si Kris! Kaya niya to!" sabi naman ni Shayne.
BINABASA MO ANG
My BestFriend, My Lover [EDITING]
RomancePaano mo makakayanan ang lahat kung sa isang iglap bigla na lang kinuha ng tadhana ang lahat sayo? Paano mo makakayanan kung ang mahahalagang tao sayo ay nawala dahil sa isang maling desisyong nagawa mo...