MBML 67

35 0 0
                                    

Chapter 67

Kris's POV

Hay salamat naman at pwede na daw ako makalabas bukas.

Kailangan na rin kasi para sa rehearsals ng concert namin at tsaka kailangan na mag recordings para sa first and last album namin..

I'm sooooo excited.😊

"Uy! Nagtext sila Thyronne at Shayne. Sabi papunta na raw sila dito tapos sila Khade at Jhigz ay bukas na lang daw kasi may mga assignments daw sila kaya sa pagsundo na lang daw sayo bukas sila pupunta.." sabi ni Sunny na kakapasok sa room ko dahil namili siya ng coffee sa starbucks na malapit.

"Ahh, ok. Coffee Jelly ko?" sabi ko sabay pout kaya napansin ko siya na nag blush.

"Oh!" sabi niya sabay iwas ng tingin.

"Hahaha! Pout ko pa lang ganyan na epekto sa iyo? Haha"

"Tse! BTW, next week na ang simula ng rehearsals kaya kailangan na maka recover ka na agad."

"Don't worry, yakang yaka ko to kaya paki sabi kay manager na ok lang."

"Ahh, sige.. Sabi mo ee.."

"Hello Guysssss!!! Kamusta na Kris??? Ayos ka na ba?? You know nag alala kami sayo ng sobra kasi naman you have an upcoming concert pa! Paano na lang pag nawala ka! God!" walang katok katok na pumasok si Shayne at Thyronne at bunganga agad ni Shayne ang sumalubong.

"Wag OA Shayne! Kitang kita mo naman buhay ako oh! Haha!" sabi ko.

"Haha, sorry napa OA na pala ako masyado. BTW eto oh! Nag drive thru kami sa malapit na Jollibee at binili ka ng pagkain." reply ni Shayne.

"Eh ako wala? Kanina pa ako nagbabantay dito!" singhal ni Sunny.

"Eto Sis oh, pera mamili ka! Hahaha! Joke lang! Dinagdagan namin ang order noh! Para sa inyong dalawa! Haha." sabi pa ni Shayne.

"Nga pala, bukas ka na lalabas diba?" tanong ni Thyronne.

"Uhh, yeah. Why?" tanong ko.

"So, let's have a little celebration!! Bukas kasi namin makukuha ang result ng exam namin kaya magpapaparty kami at sa bahay niyo na lang tutal ee kakalabas mo lang naman ng hospital ee." sabi pa ni Thyronne.

"Ee? Sure ka na bang papasa kayo?" tanong ko.

"Ayy, grabe!! Oo naman no!! Di porket ikaw ang pinakamatalino sa atin di na kami matalino!" sabi pa ni Thyronne.

"Wala naman akong sinasabi aa!" sabi ko pa at nagtawanan pa kami roon.

Nag kwentuhan lang kami ng konti tapos kumain ng dala nilang pagkain tapos mga bandang 9:00 ay umuwi na sila para magpahinga dahil maaga pa sila bukas.

"Sunny, ikaw? Di ka uuwi?" tanong ko.

"Uhh, di na dito na lang ako matutulog." sabi niya.

"Ahh, ganun ba.. O sige."

Papunta na siya sa sofa para doon mahiga.

"Wait! Dito ka na lang matulog... sa... tabi ko.." sabi ko na nahihiya.

"Ee??"

"Tabi na lang tayo, tutal malaki ang kama ko ee kaya tabi na lang tayo, baka mahirapan ka sa sofa.."

"Nako, dito na lang ako. Ok lang."

"No! I insist."

"Ang bossy ee?? Fine.." sabi niya at nagsimula nang humiga sa kama kaya umusog ako para magkasya kami.

My BestFriend, My Lover [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon