Chapter 50
Kris's POV
"WE WILL MISS YOU, THYRONNE!!!"
Ang mga huling salita na sinabi namin kay Thyronne..
Lumingon siya noon at kitang kita namin na umiiyak siya..
"I WILL MISS YOU ALL, TOO" He mouthed at umalis na.
Alam namin na pagkatapos nito magiging masaya ka na ulit.
***riiiiingggg***
May biglang tumawag sa akin.
Nagulat ako nang makita ko kung sino ang tumatawag.
"Guys, sasagutin ko lang to hah?" sabi ko at lumayo ng kunti sa kanila para masagot yun.
"Manager Lee?? Bakit po?" oo si Paula Lee ang tumatawag.
"Naayos ko na ang lahat. Mamayang Hapon, mga 3:00pm ay may press con ka para sa pag debut mo bukas. Ok?"
"BUKAS NA????" napasigaw na lang ako
"Haha, oo. The sooner the better. mag prepare ka na"
"Ahh, s-sige.. bye."
In-end ko na ang call at bumalik sa mga kasama ko.
"Kailangan ko ng umuwi." Sabi ko
"Huh? Bakit? tsaka bakit napasigaw ka kanina??" Tanong ni Khade
"Ahh, Si manager Lee, mamaya kasi may press con saw tsaka bukas na ang debut ko." pagpapaliwanag ko
"Really??? Ang bilis naman!!" gulat na sabi ni Jhigz
"Yeah. Pero mas mabuti na rin to. Mas madali maggagawa ang plano." sabi ko
"Sabagay.. So, tara na." sabi ni Jhigz
"Kuya, don't worry susuportahan ka namin!" sabi ni Jacob
"Oo nga kaya huwag ka mag alala." sabi ni Khade
"Oo nga! Sa ganda ng boses mo na yan! Nako! Baka maging mag Rivals kayo ni Sunny sa music industry." sabi pa ni Jhigz
"Oo nga! Kaya galingan mo!" sabi ni Khade
"Thank you Guyss. Gagawin ko lahat ng sinabi niyo." sabi ko at nagpunta na kami sa van at umuwi na.
...
12:00nn na kami ng makauwi.
"Kuya, anong oras ba yan??" tanong ni Jacob. Nasa kuwarto ko kasi siya at nakahiga sa kama ko at nanunuod ng spongebob the movie.
Haha! Favorite namin yun! May collections pa nga ako ng iba't ibang movie niyan at mga episodes.!
"3:00pm daw. Susunduin daw ako dito sabi sa text." Sabi ko habang naghahanda ng damit ko para ngayon at bukas.
"I see.." sabi niya habang tutok na tutok sa panunuod niya..
"Sir Kris, Sir Jacob. Handa na po ang lunch. Hinihintay na po kayo ng parents niyo sa baba." sabi ni manang na nasa may door.
"Sige po.." sabi namin. natapos narin kasi niya ang movie.
...
"Oh, upo na." sabi ni Dad
"Thank you po." sabi namin ni Jacob
"Kumusta naman paghatid niyo kay Thyronne?" tanong ni Mom
"Ahh, ayun po ok lang. Kaunting iyakan pero alam naman po namin na sasaya na siya." sabi ko
"Oo nga po. Makikita na po niya si Shyane kaya magiging masaya na po yun." sabi ni Jacob
"I see, how about sa pagpasok mo bilang singer?" tanong ni Dad

BINABASA MO ANG
My BestFriend, My Lover [EDITING]
RomancePaano mo makakayanan ang lahat kung sa isang iglap bigla na lang kinuha ng tadhana ang lahat sayo? Paano mo makakayanan kung ang mahahalagang tao sayo ay nawala dahil sa isang maling desisyong nagawa mo...