MBML 6 ✨Kai's Lies✨

150 3 0
                                    

Chapter 6

Kris's POV

Pauwe na kami, nagpapahinga na ang lahat dahil may pasok pa kami at tsaka baka 10:00 na kami makauwe.

***

After 3 hours ng biyahe

***

"Bye guys!" Sabi nila Thyronne, Khade at Shayne sa amin ni Sunny, sa bahay nila Sunny nalang ako bumaba para di na sila ma hassle sa may loob pa kasi ng village yung bahay ko e sa may malapit lang kala Sunny.

"Sure ka ba Kris na dito ka na lang?" tanong ni Thyronne

"Oo I can manage naman, tsaka gabi na kaya uwe mo na sila baka gabihin pa kayo lalo." reply ko

"O sige ingat ka na lang bye, bye Sunny" sabi niya ulit

"Ahh, Bye sa inyo ingat kayo!" sabi ni Sunny

"Bye!!" sabi nila Thyronne, Shayne at Khade

Umalis na sila at nag bye at good night na ako kay Sunny, at nagsimula ng maglakad pauwe.

Nakarating naman ako ng safe sa bahay namin at nagdiretso na sa kuwarto ko para mag quick shower at makatulog na pagod na pagod na ako ee. Hay, ansaya!

Khade's POV

Sunod akong hinatid ni Thyronne, sa may labas nalang ako ng village namin nagpababa dahil malapit lang naman sa may labas ng village namin yung bahay namin.

"Bye sis! Good Night!" Sabi ni Shayne

"Bye Khade! Good Night din!!" sabi naman ni Thyronne

I give them my most sincere smile at umalis na wala kasi ako sa mood simula noong nakausap ko si Kai sa phone kanina.

***

Flash Back

***

"Hello, Kai?" sagot ko sa tawag ni Kai noong nasa labas na kami ng Enchanted

"Yeah, Khade, kumusta naman EK niyo? Sorry di ako nakasama--"sabi niya

"Oo Kai alam ko naman na busy ka sa pagiging varsity player mo ee, i understand naman ee, pero sana sa susunod--" sabi ko ng may biglang kumausap bigla kay Kai na babae sa kabilang linya

"Babe, Kai, where do you want to eat? What restaurant?" yan ang sabi na babae

"Hey, hey! Who's that? So babe pala kaya ka siguro wala ng time sa akin dahil 'BUSY' ka na makipag date sa ibang babae!! Umamin ka tin-two time mo ba ako??! Ha, Kai?!!" galit kong sabi

"Wait, Babe ano yun, si ano---" magpapaliwanag pa lang siya ng pinutol ko na ang sasabihin niya

"Na ano?!!! Na sino?!!!! Sinungaling ka! Liar, break na tayo! You son of ass!! Damn bastard!! Goodbye!" Galit kong sabi ulit

"Wai--" sabi niya ng bigla ko ng inend ang call

*toot toot toot*

That piece of shit he betrayed me! So kaya pala walang time lagi kasi may iba! Hah! It really hurts, and I really hate him to bits!

***

End of Flash Back

***

Malapit na ako sa may gate ng bahay namin ng nakita ko si Kai na may kasama, iyon kaya yung babae niya?! At talagang andito pa sila talagang hinintay pa nila ako at nagpakita pa sila dito sa akin?!!

Papasok na sana ako ng gate ng bigla akong hinila ni Kai sa braso

"NOW WHAT??!! ANO NA NAMAN?" sigaw ko

"Please mag-usap tayo mag eexplain ako, kami, na misunderstood mo ang kanina kaya ka namin pinuntahan dito para mag paliwanag" sabi ni Kai sa akin.

"Oo tama, I need an explanation!" sabi ko

"You see babe--"sabi niya

"Stop it, dalawa kaming babe mo nakakaasiwa!" sabi ko, tama naman may babe pa siya maliban sa akin!

"Ok, Khade, I'm sorry yung kanina mali ka ng intindi, siya* turo sa kasama niya * si Cindy (Cindy will be Yoona of SNSD) kababata ko siya, simula pa lang pinanganak kami close na kami kaya hanggang ngayon sobra pa rin kaming close pero walang namamagitan sa amin kaya babe dahil nasanay kaming ganoon ang tawagan namin dahil nga close kami, tsaka ikaw ang mahal ko, huwag mo na akong pagdudahan, sorry kung medyo nawawalan ako ng oras sayo, please Khade, babe, sorry na" sabi niya at halatang sincere na sincere ang pagkakasabi niya at pati mukha niya feeling sorry.

I feel like crying dahil mali ako, dahil siguro nawawalan na siya ng time kaya ganun ako maka react na hindi ko siya pinag explain sa call kanina, yun pala wala naman talaga yun, pinag selosan ko pa ang childhood friend niya na si Cindy.

"Oo nga Khade wala lang talaga yun kaya wag ka na magalit kasi pag magkasama kami laging ikaw ang bukam-bibig niya ee. Sorry kung gusto mo we will stop the babe thingy." sabi ni Cindy

"No, ok lang ako nga ang dapat mag sorry ee kase nag isip agad ako ng hindi maganda sa inyo, Hehe, nga pala Khade" I stretch out my hand para makipag shake hands

"Yeah, I'm Cindy" sabi niya sabay abot sa kamay ko at nag smile kaya nag smile din ako.

Humarap ako kay Kai at niyakap siya.

"Babe, sorry kung pinagdudahan kita, sorry kung ano ano ang pinag iisip ko" sabi ko habang naka hug siya

"Sorry din babe dahil nawawalan ako madalas ng time sayo dahil sa pagiging busy, gusto ko man mag quit para mag ka time tayo di ko magawa dahil ayaw ng mga Parents ko." sabi niya

Pumalag ako sa yakap at humarap sa kanya "No babe wag ka mag quit ayos lang naman sa akin ee, mahaba pa ang panahon natin" sabi ko

"Salamat babe naiintindihan mo" sabi niya sabay halik sa akin. Smack lang naman

"Sige babe uwi na at gabi na oh mag 11:00 na gabing gabi na!" sabi ko

"Sige babe good night, i love you!" Sabi niya

"Good night din babe, I love you too" reply ko sa sabi niya.

Ngumiti siya at nag wave sila ni Cindy sa akin.

Pumasok na ako sa loob at nakangiting umakyat sa kuwarto ko ng may nakita akong maliit na box sa ibabaw ng kama ko. Kinuha ko yung card sa ibabaw at binasa

"To: Khade"

Yun lang? Ano kaya ito, at binuksan ko na at unti unti nawala ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng mga patak ng luha dahil ang nasa picture ay, a-ay--

.

.

.

.

.

.

.

.

Picture ni Kai at Cindy na nag hahalikan, magkayakap at magka hawak ng kamay.

Ano ba ang mga to? Nag sisinungaling lang ba sila sa akin o totoo ang mga sinasabi nila? At isa pa sino ang nagpadala nito nais niya ba kaming siraiin ni Kai? Ano ang motibo niya para magpadala siya ng ganitong mga larawan?

Hindi ko na alam!!

Tuloy tuloy lang sa pag agos ang luha ko habang nakahiga sa kama at hawak hawak ang mga litrato.

Kung sino ka man magpakita ka, ano ba talaga ang mga ito, ano ba talaga ang nangyayaring di ko alam? Meron pa ba?

Isang kasiyahan na biglang naglaho sa isang iglap.

My BestFriend, My Lover [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon