MBML 17 ✨His Confessions✨

119 3 0
                                    

Chapter 17

Thyronne's POV

Natahimik na lang ako sa sinabi ni Kris.. Hahayaan na lang ba talaga namin ang tadhana ang magdesisyon sa lahat lahat.. Paano kung ang desisyon niya ay ang 'MASIRA KAMI' ???

Di ko alam ang gagawin ko.. Mas mabuti pa talaga ang walang nalalaman kesa sa meron nga ay wala ka namang magawa..

"So sige. Basta tandaan mo ang napagusapan natin aa!" sabi ni Kris at umalis na habang dala dala yung inorder niyang coke float.

Napatango na lang ako bilang sagot sa kanya... Kaya pala ganoon na lang ang mga inaakto ni Kris ngayong araw dahil hindi mawala sa isip niya ang mga nangyaring iyon... Mukhang susunod na ako sa kanya... 😑

Bakit ba napaka komplikado ng buhay??

Di mo alam kung matutuwa ka o ano sa mga bigla biglang mangyayari...

***

Kinabukasan

***

Khade's POV

Hay heto na naman ako pumasok ng maaga.. Baka kasi makita pa ako ni Jhigz ee.. Biyernes ngayon pero wala naman kaming gagawin lahat dahil pag uusapan lang naman daw ang mga kailangan naming gawin para makapasa...Pero simula ng kahapon noong nag usap kami ni Kris ay di na nawala sa isip ko ang mga sinabi niya... Oo tama siya na ang pag ibig ang pinakamasayang mangyayari sa buhay mo pero mahirap din pag nasaktan ka... Pero sa pag ibig talagang di maiiwasan yun... Kailangan ko na bang buksan ulit itong puso ko?? Handa na ba ako ulit?? Di ko alam., Di ko alam ang sagot sa mga tanong na iyan sa utak ko.

Simula kagabi ay di na nawala sa isip ko ang mga sinabi ni Kris kasi naman sobrang sapul na sapul ako ee. Paano ba naman kasi. Oo takot ako at sa takot na namumuo sa akin au maaaring diko makita ang kasiyahan ko. Dahil alam ko sa sarili ko iniiwas ko ang sarili ko sa kasiyahan at iyon ay si Jhigz...

I admit it. Totoong nagkakagusto ako kay Jhigz kaya lumalayo ako pero habang layo naman ako ng layo ay lalong nagugustuhan ko siya dahil gusto ko siya makasama pero... Lalaki rin si Jhigz at may malaki rin ang posibilidad na masaktan niya ako.. at iyon ang ikinatatakot ko..

Nagsimula naman ang klase.. Hindi naman talaga siya klase dahil itinuturo lang naman ang mga kailangan naming gawin hanggang matapos ang school year para naman walang babagsak at maiiwan.. In-schedule narin ang mga activities na mangyayari sa amin sa boong school year.. Natutuwa na lang ako dahil matapos ang matagal tagal na paghihirap ay ga-graduate na kaming lahat... Hopefuly. Lahat sana kami maka graduate makaoag marcha at umabot ng diploma sa stage kasama ang mga parents namin... Hay ansarap isipin ang mga ganoong mga thoughts...

Umaga lang naman ang pasok namin ngayon kaya nagbonding muna kami ng mga kaibigan ko. Naggala, kumain at nagreminisce ng mga highschool memories.. Thank God wala si Jhigz dahil di pa ako handa na makaharap siya...

By 4:00 ay nagsiuwian na kami dahil pagod na rin kami sa mga pinaggagawa namin ngayong araw na ito...

Jhigz's POV

Hay ano ba yan.. Tuluyan na ba akong iniiwasan ni Khade?? Di ko man lang siya ngayon sa school o kahit saan sabi naman ng mga kaibigan niya ay di pa rin daw nila nakikita,, T_T ano ba naman yan!! Khade, where art thou??? I need you! Di ko kasi alam kung bakit bigla na lang siya umiiwas, di ko alam kung may nagawa ba akong mali para layuan niya. Daig ko pa ang may malalang nakahahawang nakamamatay na sakit.. T_T huhuhu!

Sa sobrang depression ko ay naglakad lakad na lang ako sa paligid. Lalo lang ako nalulungkot sa bahay namin...

Habang naglalakad lakad ako ay sa may kanto na lilikuan ko ay bigla kong nakita si Khade na papaliko rin.. Nagtagpo ang mga mata namin ng mga ilang segundo at pagkatapos noon ay tumakbo na siya ... Papalayo na naman sa akin... Tumakbo siya ng mabilis kaya naman hinabol ko siya pero bigla siyang nawala sa paningin ko ng may dumaang truck sa daan.. Nakatawid na kasi siya at ako nasa kabilang kalye.. I need to Find her.. Kailangan kong makausap siya para malaman ko ang dahilan ng pag iwas niya sa akin...

My BestFriend, My Lover [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon