MBML 49

99 3 0
                                    

Chapter 49

Kris's POV

Ang saya ko dahil atlast! Alam na ni Thyronne kung nasaan si Shayne.

Sa wakas magiging masaya na siya..

Ako kaya?? Kailan magiging masaya muli.

"Nga pala bukas na ang alis ko, 10:00am ang flight.. Kaya tara! Manlilibre ako, kahit saan niyo gusto. Alam niyo na padespidida ko!" sabi ni Thyronne.

"Yun! Tara sa yellow cab tayo!" sabi ni Khade.

"Oo nga! Gusto ko ng pizza!!" sabi naman ni Jhigz

"Haha! Sige tara!" pag sang ayon ni Thyronne.

"Ikaw Jacob? Ayos lang sayo?" tanong ko

"Huh? Ahh. Oo kahit saan." sabi ni Jacob at nag-smile

"Nako, huwag ka ng mahiya Jacob!" sabi ni Thyronne

"Oo nga naman.. Magkakaibigan na tayo.." sabi ni Khade

"Ahh, Oo naman. Hehe. Huwag kayo mag alala ayos lang sa akin kahit saan." sabi pa ni Jacob

"O sige, tara na.." sabi ni Thyronne at tumayo na at palabas na ng bahay.

Sumunod naman kaming lahat sa kanya at tinext ko naman sila Mom na aalis kami ni Jacob.

"So ano balak mo Thyronne pag nasa America ka na?" tanong ni Khade na nasa front seat ng car ni Jhigz

"Syempre, hahanapin ko na agad si Shayne." sabi ni Thyronne.

"Ee, paano pag tinaboy ka lang niya?" tanong ni Jacob

"Eh di gagawin ko ang lahat. Ngayon pa ba ako susuko? Malayo na rin ang narating ko.. Kaya lahat gagawin ko." sabi ni Thyronne

"Sorry talaga. Kasi dahil sa akin nagkakaganito kayo." sabi ni Jacob.

"Nako Jacob! Huwag ka na mag sorry. Alam naman namin na di mo talaga gusto gawin yun ee" sabi ni Thyronne.

"Ahh. Salamat." sabi ni Jacob at nag smile.

"Oh, andito na tayo sa yellow cab!! exoited na ko!! Matagal na ako di nakakain dito ee!" Pangunguna ni Khade sabay labas at takbo na sa harap ng Yellow Cab.

"Hay, Khade, parang gutom ka naman!" sabi ni Thyronne

"Haha! Ganyan talaga yan! Mga stocks ko nga sa condo ko siya lang ang umuubos ee!" sabi ni Jhigz

Nagtawanan lang kaming lahat habang naka pout naman sa amin si Khade at sabay pasok sa loob.

Nagsipasukan na lang kaming lahat habang tumatawa tawa pa.

"Saan tayo?" tanong ko

"Tara doon!" turo ni Thyronne

Agad naman kaming nakahanap ng mauupuan dahil wala namang gaanong tao ngayon.

"Ano gusto niyo??" tanong ni Thyronne

Mayaman ee! Kami talaga ang tinatanong

"Kahit ano na lang." sabi ko

"Oo nga bahala ka. Ikaw naman manlilibre." sabi ni Jacob

"Oo nga ikaw na lang ang bahala." sabi ni Jhigz

"Sa akin ano---" di na natuloy ang sasabihin ni Khade dahil pinigilan siya ni Jhigz

"Order ka na Thyronne, huwag mo to pansinin." sabi ni Jhigz

"Haha. sige."

Mag dedemand pa kasi! Sabing kahit ano na lang ee.

"Ano ba problema mo???" sigaw ni Khade kay Jhigz

My BestFriend, My Lover [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon