MBML 15 ✨Hidden Agenda✨

111 3 0
                                    

Chapter 15

Sunny's POV

This was the best day ever!! Ewan ko napa-oo na lang ako sa kanya... Wala naman sigurong masama doon diba? Mahal ko naman siya at Mahal niya rin naman ako.

Nasa bahay na ako nila Kris at heto di makatulog... Ganto pala talaga ang feeling ng mainlove! Halos 12:00 midnight na gising pa rin ako.. Totoo palang nagkaka insomia ang babae pag inlove! Nako, kailangan ko na talaga matulog dahil may pasok pa kami bukas...

***

Kinabukasan

***

BANGAG!!! Grabe talagang di ako nakatulog! Siguro 3-4 Hrs. lang ang naitulog ko!! Nako naman! Pero masaya pa rin ako dahil sa thought na "KAMI NA NI JACOB" kaya kahit bangag ako ay masaya parin at ngiting ngiti.

"Grabe, Sunny kagabi pa yang ngiti mo na ya! Baka mapunit na yang bibig mo kakangiti." sabi ni Kris sa akin habang nag papalaman siya ng Nutella sa tasty niya

"Nako, masaya lang talaga ako dahil kami ma ni Jacob! For reals!!! Kyaaaaaaa! Kinikilig pa rin ako!"

"Congratulations nga pala sana maging masaya kayo at magtagal.... Hopefuly." sabi niya pero yung bandang huli ay ibinulong lang niya kaya di ko narinig.

"Ano sabi mo??"

"A-ahh, w-wala, tara na!" pagyaya niya kaya pumasok na kami sa school.

***

School

***

Pagkadating namin sa school ay sinalubong kami nila Thyronne, Shayne at Khade at biglang nilapit ang mukha nila sa mukha ko at...

"Bat ang laki ng eyebags mo????" sabay sabay nilang sabi.

"Pano ba naman di makatulog dahil inlababo!" sabi naman ni Kris

Abat pinangunahan pa ako...

"Sis don't tell us????" sabi ni Shayne at napatango na lang ako. At ang dalawang bruha ay nagtitili naman

Nakita ko si Jhigz papalapit sa amin..

"Uhhh, guys i need to go may gagawin pa pala kami ng mga groupmates ko, Bye see ya!" sabi ni Khade., Ano bang problema ng babaeng yun at ganun na lang makaiwas pag nasa paligid na si Jhigz...

"Uhhh, Pagpasensyahan mo na yung bruhang yun aa, may topak lang" sabi ko kay Jhigz.

***

Ting Ting Ting

***

Tumunog na ang bell at nagpunta na kami sa mga room namin at sinabi pa ni Shayne na mamaya magkuwento ka!

Jusko! Kailangan usisain lahat lahat?? Eto ang hirap sa mga kaibigan mo ee, daig pa ang magulang mo kung makausisa sa love life!

...

Nagpunta naman na kami ni Kris sa room namin at kapansin pansin ang pagiging sikat nitong BFF ko! Paano ba naman simula ng transformation niya ay andami ng babaeng mag aadmire sa kanya.. Amdami ring nanghihingi ng number pero wala ee! SNOB si BFF!

Nagsimula naman ang klase namin, at ako ay hindi makapakinig ng mabuti dahil nga sa Kami na ni Jacob! At katabi ko siya, At halata ring hindi matanggal ang ngiti niya!

"Mr. Cather and Ms. Lane, Something happened?? The both of you are smiling since I start the class."

Nagtawanan naman at nagtilian ang mga kaklase namin at nagkatinginan na lang kami ni Jacob.. Etong Teacher na to kalalaking tao napaka Tsismoso!!

My BestFriend, My Lover [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon