MBML 16 ✨Revealing The Truth✨

134 3 0
                                    

Chapter 16

Kris's POV

Nakauwi na ako't lahat pero di ko pa rin maisang tabi sa isip ko ang mga narinig ko kanina.. Ano ba talaga ang balak niya?? Bakit gusto niya kaming magkasira sira?? Bakit gusto niya kaming maging miserable na katulad daw ng nangyari sa kanya?? Ano ba talaga ang motibo niya at ginagawa niya ito?? Bakit plano niyang masira ang buhay namin lalo na ako?? At higit sa lahat ano ang pinanghahawakan niya kay Jacob para ipagawa rito ang mga balak niya??

Halos di ako makatulog dahil sa mga thoughts na bumabagabag sa akin.. Tinignan ko na lang si Sunny na peaceful na natutulog ngayon sa tabi ko.. It's already 1 in the morning but still I can't sleep.. Pinipilit ko mang makatulog pero binabagabag pa rin ako ng mga narinig ko, lalo na kung ano ang pwedeng mangyari oag nagkataong matupad iyon at ako naman, alam ko nga di ko naman masabi sabi sa kanila ang lahat dahil unang una wala naman akong pinanghahawakan...

Naiisip ko na lang na sabihin kay Sunny, pero ang mas lalong gumagambala sa akin ay kung sa akin pa ba siya maniniwala dahil hamak na BFF lang niya ako at ang isang iyon naman ay ang mahal niya... Alam ko na mas paniniwalaan niya ang isang kasinungalingan lalo na kung sa taong mahal niya iyon nanggaling.. Minsan talaga mas pinaniniwalaan na ng tao ang maling boses basta ba malaki ang tiwala nila sa taong iyon.. Pero wala na akong magagawa, kailangan ko na rin sigurong sabihin ang lahat ayos na siguro kahit di niya paniwalaan basta masabi ko atleast sa ganoong paraan man lang ay nasabi ko itong itinatago kong lihim... Di ko lang alam dahil baka sa mangyayaring ganoon ay maging dahilan iyon ng aming pagkakasira.. Dahilan upang magalit siya at lumayo sa akin...

Sa mga ganoong isipin ay nawawalan ako ng lakas ng loob na sabihin pa.. Lalo na at alam ko ang maaaring kalabasan.. Pero one of this days magkakaroon din ako ng lakas ng loob para ma i-voice out ang mga katotohanan kahit na di ko alam kung paniniwalaan...

***

Kinaumagahan

***

Di ko na hinintay pa si Sunny... Maaga akong umalis at hanggang sa mga oras na ito ay ang mga nangyari pa rin kahapon ang iniisip ko..

Dapat ko bang sabihin?? O hindi??

Di ko alam ang gagawin ko sa mga gantong sitwasyon, di ko alam kung paano ko ito mai p-prevent na mangyari.. Ano ba naman ang kayang gawin ng isang hamak na katulad ko.? Oo matalino ako pero sa mga ganitong bagay ayaw gumana ng utak ko..

Feeling ko lutang na lutang ako ngayon at sabog.. Paano ba naman puyat na nga tapoa yung mga ganitong bagay pa ang malalaman mo.. Sana wala na lang akong nalaman pero kung wala baka matupad iyon pero ano ba ang dapat kong gawin para mapigilan yun??? Boom Sabog!!!

"Krissssssss!" sigaw sa akin ni Khade

"H-haah?? Ee bat ka ba nasigaw??? Problema???"

"Anong ako pa ang may problema, ee kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo ayyyy di mo man lang ako pinapansin! Sabog ka ba???"

"Hah??? Ee wala may iniisip lang"

"Obvious ee, halatang ang lalim lalim ng iniisip mo!"

"Eee?? wala to, bat mo ba ako tinatawag???"

"Ala lang, ala ba si Sunny?? Ang aga aga mo ee"

"Ahh oo nga ee. Ang aga ko nagising. E bat ikaw ang aga mo???"

"Hah?? Ako? Wala lang trip trip lang..."

" Weeeh? Umamin ka iniiwasan mo lang si Jhigz ee!"

"Hah?? Di aa! Bat ko naman iiwasan yun??" pasimple nya pang sagot

My BestFriend, My Lover [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon