Sorry guyth! :"( Wala kasing internet kaya di ako makapag post ng new updates.. Sorry talaga :"(
Babawi na lang ako wah! :D
Here's Chapter 66
••••••••••••••••••••••
Chapter 66
Kris's POV
*YAWWWWWNNN*
Nagising na lang ako dahil sa nagsasalita sa tabi ko.
"Ok, paki-check yung BP niya.. Tsaka pati ang pulse rate."
"Yes, Doc"
Napadilat na lang ako at nakita ko na nasa hospital pala ako kaya naalala ko ang nangyari sa akin..
"Gising ka na pala, Mr. Stewart. Nagpaalam ang parents mo na kukuha lang daw sila ng mga gamit. Sige pahinga ka muna." Sabi noong doctor sa akin.
"Ahh!" napa sigaw ako dahil nung lumingin ako ay sumakit ang ulo ko.
"Don't force yourself, di maganda yan para sa kalagayan mo." sabi ulit ng Doc.
Napahinto ako nung mapagtanto ko ang sinabi niya.
"Doc, diretsuhin niyo nga ako, ano po ba ang sinasabi niyong kalagayan ko??" natatakot kong sabi.
"Sasabihin ko sana ito sa mga parents mo pero mas mabuti na malaman mo na rin ito."
"Bakit... Ano po ba yun Doc??"
"Sa mga nakikita ko na nangyayari sa iyo.. Mr. Stewart.. You have.."
Ano?? Kinakabahan ako kay Doc! Really!
Di kaya tama ang matagal ko ng hinihinala??
Na may b---
"It's migraine only! Mr. Stewart, you don't have to worry.. Kaya ka nagkakaroon ng disturbed vision is because of that! Haha! Sorry kung pinakaba kita! But there's nothing to worry. May mga gamot naman para magamot yan."
"A--hhh....Sige..po- s-salamat.." sabi ko na lang at umalis na si Doc.
Migraine?? Why am i not convinced??
Natigil ang pag iisip ko dahil sa biglang pumasok sa room ko.
"Kris?!! Waaaa!! Kris! You're awake!!!!" nagsisigaw si Sunny at agad na binaba ang mga dala na pagkain at tumakbo sa akin at yumakap agad.
"Kris!! Pinakaba mo ako! Akala ko kung ano na nangyare!! I can't bear to lose you! Di ko kaya!" sabi niya na hinahampas pa ako at umiiyak pa..
"Shhhhhh.. Tama na! I promise di kita iiwan. Di ko kayo iiwan.. Di ko naman kaya na di kita makasama.. Tahan na mahal ko.. Can't you see?! I'm alive and kicking oh!" sabi ko na may pagbibiro.
"Promise???"
"I swear.."
Tumahan naman siya at ngumiti at hinalikan ako sa noo..
Pagkatapos noon ay hinanda na niya yung pagkain na dala niya..
"Nga pala kahapon, nagpunta na dito sila Khade, Jhigz, Shayne at Thyronne noong bigla ka nawalan ng malay.. Kaso di ka pa nagigising kaya babalik na lang daw.. Sila Khade at Jhigz baka mamaya pa kasi may pasok tapos sila Thyronne at Shayne naman ay dadalawin sina Jared, kaya baka di daw sila makapunta." sabi ni Sunny.
"Ohh, ganun ba. Ayos lang naman tsaka sabi pwede na ako lumabas by tomorrow kaya ok lang."
"Buti at naisipan mo tong mga to! Nag crave nga ako dito ee kaya baka marami makain ko! Haha!"
BINABASA MO ANG
My BestFriend, My Lover [EDITING]
RomancePaano mo makakayanan ang lahat kung sa isang iglap bigla na lang kinuha ng tadhana ang lahat sayo? Paano mo makakayanan kung ang mahahalagang tao sayo ay nawala dahil sa isang maling desisyong nagawa mo...