I A L M O S T
TREVOR
"Alam mo bang gusto kong maging doktor, gusto kong manggamot at gusto ko ding makatulong sa iba. Para ngang ang disente nilang tignan eh. At syempre gusto ko ding alagaan ka."
Yan ang mga salitang binitiwan mo sa harap ko, alam mo bang naluluha ako kapag naiisip na kasama na pala ako sa mga pangarap mo.
Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya sa mga salitang binitawan mo sakin.
"Talaga?" sagot ko sayo habang nakangiti at pinagmamasdan ang maaliwalas mong mukha.
"Oo. Kaya sana, wag kang mawawala sakin ha?" malambing na sagot niya.
"Hindi mangyayari yun." nakangiting sagot ko.
"I love you."
Napangiti naman ako.
"I love you too."
Ngunit bigla akong bumalik sa aking wisyo.
Napangiti nalang ako habang inaalala ang mga binitawan nating mga salita.
"Trevor?"Narinig kong tawag mo sa akin.
Napangiti akong napaharap sayo.
"Tara na?"
"Sige." sagot mo sa akin.
Itinulak ko ang wheel chair kung saan ka nakasakay, ngayon ay papunta tayo sa Nursery Room.
Habang palapit ng palapit ay kinakabahan ako, hindi ko rin alam kung bakit.
Pagkatapat natin sa salamin ay hinanap ko agad rason ng pagpunta natin doon.
Nang masilayan ko siya ay bigla akong napatulala.
Napakaganda niya.
Ang kaniyang mga mata na nakuha niya sayo, pilikmata na kaparehas ng sayo at ang mga labi na kaypula katulad ng sayo.
Nakakatuwa naman siyang pagmasdan. Para bang ipinanganak ka ulit sa ibang katauhan.
"Ang ganda niya." bigla ko nalang banggit sayo.
"Hm, salamat." mahinahon mong sagot, titig ka parin sa kaniya.
Humarap ako sayo.
"Kamukha mo siya." ngiting sabi ko.
"Talaga ba?" masayang lingon mo sakin.
Ngunit biglang nawala ang ngiti mo sa labi habang nakatitig ka parin sakin.
Akala ko may dumi sa mukha ko, ngunit hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha ko.
Bakit sa harap pa niya? Putangina.
Hindi ko alam kung bakit.
"T-trevor." naguguluhang tawag niya sa akin.
Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko at ngumiti ulit.
"Pasensya ka na, natutuwa lang ako sa munting anghel mo."
Oo, anghel mo at ng asawa mong papalapit na sa atin ngayon.
Wala, hindi nangyari ang mga pangako natin sa isa't isa.
Akala ko tayo na.
Akala ko talaga, ikaw na.
Akala ko lang pala lahat ng iyon dahil hindi ko naman hawak ang tadhana upang ikaw na ang piliin kong makakasama ko habang buhay.
"Congratulations to your baby girl." masayang sambit ko kahit may kaunting kirot sa puso ko pagbanggit nito.
Pero, hindi man tayo hanggang dulo, masaya akong naging parte ka ng aking mundo.
I almost had you.
I almost.