M I D N I G H T
REINA
Pagdilat ng aking mga mata ay dilim ang agad na bumungad sa akin.
Pumikit ako ulit upang damhin ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat.
"How's sleep?" tanong ng boses na nanggaling sa aking kaliwa.
Dumilat ako upang tignan siya.
"Hm, ayus lang." ngiti kong sagot habang pinagmamasdan siya.
Hindi ako makapaniwalang kasama ko na siya ngayon.
"Saan pala tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.
Umiwas ako ng tingin upang pagmasdan ang paligid na kanina pa namin dinaraanan.
Kanina pa kami dito sa kotse habang pinapaandar niya ngunit hindi niya nasabi sa akin kung saan nga ba talaga kami pupunta.
"Hindi ko alam." diretsong sagot niya.
Napatingin ako bigla sa kaniya ng may nagtatakang mukha.
"Ano?! Kanina pa tayo dito, nakatulog na ako't lahat hindi mo pala alam san tayo pupunta!" pasigaw kong sabi.
Tawa ang unang lumabas sa bibig niya.
Napakalas na tawa na maaari na atang marinig ng mga taong dinaraanan namin.
"Hindi ko talaga alam. Ang tanging alam ko lang ay gusto kitang makasama. Malibot ang mundo kasama ka." sabi niya sabay tingin sa akin at nagbigay pa ng isang nakakalokong ngiti.
Hindi ko namalayan na may sumilay naring ngiti sa aking mga labi habang nakatingin parin sa kaniya.
"Loko." natatawa kong sabi.
Bigla niyang pinindot ang radyo at nagpatugtug ng awitin.
Hindi ako makapaniwala sa tunog na lumabas dito.
'Run baby run, dont ever look back~..'
Napangiti ako bigla ng maalala ang awitin na ito.
"They'll tear us apart if we gave them the chance~" kanta niya.
Napabalik ulit ako ng tingin sa kaniya.
"Naalala mo yan?" ngiting tanong niya sa akin.
"Oo naman. Eto yung kinanta nating dalawa. Duet pa iyon." natatawang sabi ko.
Habang kinakanta namin ang paborito naming awitin ay hindi ko mapigilang mapangiti, tila mapupunit na nito ang aking labi.
"I love you." biglang bitaw niya ng mga salitang nagpapagulo palagi sa aking mundo.
"Mahal na mahal kita, at hindi ko alam kung kakayanin ko pang mawala ka sa akin." sambit niya pa.
Natulala ako ng panandalian at lumabas na rin sa aking bibig ang mga salitang hindi ko pagsasawahang banggitin sa kaniya.
"I love you too. It will be always and forever." maiyak iyak kong sambit.
Ito ang mga salitang kakayanin kong banggitin hangga't mawalan na kami ng hininga.
"Balang araw, papakasalan kita ha? Ikaw yung babaeng ihaharap ko sa altar at sa diyos. Pangangakuan kong mamahalin ko habang buhay at aalagaan ko sa hirap at ginhawa." biglang sambit niya.
Ramdam ko ang sinsirong pagkakasambit niya ng mga bawat salita na binitiwan niya sa akin ngayon.
Napaiwas ako ng tingin at pinunas ang luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata.