XIII

4 0 0
                                    

GIO POV

Paglabas ko ng coffee shop na kung saan ay nanatili ako ng sandali upang magliwaliw, malamig na ihip ng hangin ang agad na sumalubong sa akin.

Mabuti na lang hindi ko nakalimutan ang payong na muntik ko nang hindi pansinin kanina.

"Gio."

Bubuksan ko na sana ang payong na hawak ko nang biglang may tumawag sa akin mula sa aking likuran.

Hindi ako agad nakagalaw, alam ko kung kanino ang boses na 'yon.

Ang malambing na boses na 'yon.

Please, tell me na hindi siya ito, na mali lang ako ng narinig. Ayoko siyang makita ngayon, pakiramdam ko maririnig ko na naman ang sarili kong nababasag.

Kung baso lang siguro ako, matagal na akong wala dito sa mundo na 'to dahil sa paulit ulit na pagkahulog at paulit ulit rin na pagkabasag ko.

"Hey, Gio?" bullshit, inulit pa.

Unti unti lang ang ginawa kong paglingon sa taong 'yon at nagbabaka sakali na sana hindi siya ito ngunit hanggang ngayon, tama pa rin ako ng hula, tangina.

"H-hey." ayon na lang ang nabitawan kong salita sa kaniya

Pinagmasdan ko siya at wala pa ring nagbabago sa kaniya, maganda pa rin, mala anghel pa rin ang mukha.

Pagkatapos ng batian ng 'hey' ay nagkatitigan na lang kami, hindi ko rin alam ano pa ang sasabihin, para akong nakalutang ngayon at maaari na namang mahulog at mabasag.

Putangina lang eh, bakit hanggang ngayon siya pa rin, bakit masakit pa rin.

"Usap tayo?" casual na sabi niya sa akin.

Sana all, sana all may lakas ng loob makipag usap sa iniwan.

"Sure." hindi ako makatanggi, ang hirap mo tanggihan, nakakainis.

Pumasok akong muli sa coffee shop at naghanap ng bakanteng mauupuan, umupo naman siya sa tapat ko, nasa tabi kami ng window kung saan kita namin ang mga ganapa sa labas.

"It's been a long time, G." umpisa niya.

Baguhin mo naman ang kahit isa sa'yo, huwag mo na akong tawaging G, sumasakit lang puso ko. Ayon sana gusto kong sabihin sa kaniya kaso nanahimik na lang ako.

"K-kamusta?"

"I'm fine." yes, fine, I guess.

Bumuntong hininga siya at kinuha ang inumin na nasa table namin.

"Anong pag uusapan natin?" tanong ko para naman mawala ang konting akward sa pagitan namin, oo kaunti lang 'yon huwag na epal.

Humigop muna siya bago nagsalitang muli.

"I'm sorry."

At ayon ang hudyat para magwala ang kung anong meron sa loob loob ko, parang bomba ang binitiwan niyang mga salita pero ako, ako ang gustong sumabog.

"Tama na, tapos na rin naman eh." ayoko ng pagpatuloy 'to, masisira lang ulit kami or should I say, ako.

"I really want to say this, kaya please pakinggan mo lang ako, kahit ngayon lang." may pagmamakaawa sa boses niya.

"No, ako ang pakinggan mo, kahit ngayon lang, a-ako rin." hindi sinasadyang pagtaas ko ng boses.

Ayoko na, hindi na naman kami magkakaintindihan nito, mas gugulo kami, gugulo na naman kami.

"I'm sorry, gusto ko lang naman pakinggan mo ako, I've been dying to tell you this pero ngayon lang kita nakasalubong, nakita ulit."

"Dahil iniiwasan kita." malamig na sambit ko.

May pagtataka sa mukha niya, para bang nagtatanong kung bakit.

"A-ayoko munang makita ka, masakit masyado eh." sambit ko.

Pakiramdam ko ilang sandali na lang maiiyak na ako dito, ah tangina.

"I-I'm sorㅡ" bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na agad ito.

"Tama na, tama na sa sorry's okay, choice mo 'yon eh, kahit masakit, kahit mapanira, kahit nakakalito ka choice mo 'yon, anong magagawa ko?" nangangatog kong sabi.

"Wala akong laban sa sarili mo eh, alam mong mahina ako pagdating sa'yo." mahinang sambit ko habang nakangiti ng mapait.

Yumuko na lang ako, para hindi niya makitang naiiyak na ako sa sitwasyon namin ngayon.

Nakakatawa, ako ang lalaki tapos ako ang wagas kung magdrama dito pero alam naman niya, na vocal akong tao, lahat kaya kong sabihin sa kaniya, kung masaya ako, malungkot, galit at kung ano ano pa at 'yon ang pinagkaiba namin.

May ilang tanong lang akong gustong sabihin, gusto ko lang ng kasagutan kahit masakit pa 'yan.

Huminga muna ako ng malalim at hinarap siya, nakaiwas siya ng tingin sa akin.

"D-do you e-even miss me?" pag aalinlangan kong tanong.

Hindi ko alam, natatakot ako sa sagot niya, paano kung oo, ano na naman mangyayari sa akin? paano kung hindi, mababasag na naman ba ako?

Ginusto ko, nasabi ko na, okay na 'yan.

Binalik niya ang tingin sa akin, ngayon nakatitig ako sa mga mata niya at binitawan pa ang isang tanong para sa kaniya.

"Do you, even loved me?" lakas loob kong banggit kahit parang inubos nito lahat ng lakas ko.

Nakatitig pa rin siya, walang kibo.

Ngumiti na lang ako, hindi ko alam kung maniniwala ako ngayon sa sinasabi nilang silence means yes, huwag na umasa, masakit.

"Ang ganda mo pa rin, hanggang ngayon. 'Yong mga mata mo, nakakalunod pa rin, I hope to see you smile again alam mo ba 'yon, but I know, I won't." mapait sambit, "I miss you, walang nagbago don."

Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan upang umalis na at umuwi, tama nga ako, mas safe sa bahay kaysa sa labas.

Malamig na ihip ng hangin ang sumalubong na naman sa akin, hindi pa rin pala tumitila ang ulan, malakas pa rin ang buhos.

Kinuha ko ang payong na dala ko na nasa gilid at binuksan ito.

Siguro, hanggang dito na lang talaga tayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon