D E V I A N T
NITRO
Habang ako'y nakahiga sa aking kama at sinubukang makipagtitigan sa kisame bigla akong napatingin sa lamesa na malapit lang sa aking higaan.
Andoon nakakalat ang mga gamit ko pang eskuwela, pati narin ang mga ginamit ko pang pinta, ngunit ang pumukaw ng aking tingin ay ang isang picture frame kung saan may litrato ng mga grupo ng magkakaibigan.
Tinitigan ko ito panandalian at muli kong ibinalik ang tingin sa kisame, ilang sandali palang ay napatingin naman ako sa orasan na nakadikit sa dingding ng aking kwarto.
5:00 am
Alas singko lang pala, ngunit napag isip isip ko nang lumabas at maglakad lakad. Nag ayus ako at pagkatapos ay kinuha ko ang aking relo na nakalapag sa lamesa, napatingin ako ulit sa litrato, kamusta na kaya sila? Naalala ko bigla, October 16 ngayon, ang pinakamahalagang araw sa aming lahat ngunit iniisip ko din, naaalala pa kaya nila kung ano ang meron sa araw na ito?
Pagkatapos kong mag ayus ay lumabas na ako ng bahay at sinimulang maglakad patungo sa kung saan.
-
Habang naglalakad ay napadaan ako sa parke na hindi kalayuan sa amin.
Ang daming bumabalik na alaala, malulungkot, mapapait at masasayang alaala.
Napatingin ako sa puno na malapit sa isang swing kung saan palaging nakaupo si Harriet, tumutugtog ng gitara at kumakanta habang katabi ang kaniyang kaibigan na si Argos, nakangiti at masayang nagkakantahan.
Napatingin naman ako sa swing na malapit lang sa punong pinag uupuan palagi ng dalawa. Sa swing kung saan naman madalas sina Keryl at Rant, ang laging nakaupo ay si Keryl habang dinuduyan ni Rant, nagtatawanan at nagsisigawan sa isa't isa, napakasaya nila, palaging magkasama at halos hindi mapaghiwalay.
Sa kabilang puno kung saan ay malapit naman sa may padausdusan ay ang pwesto palagi nina Quincy at Sairish, kapwa may hawak palagi na papel at lapis. Doon sa punong yun madalas silang maupo at gumuhit ng mga bagay na kanilang nakikita. Iyon ang palagi nilang ginagawa dito sa parke, sabi nga nila napaka aliwalas daw dito at marami silang maiguguhit. Natutuwa ako palagi kapag nakikita ang mga tapos na nilang drawing.
Sa may fountain naman na nasa gitna ng parke kung saan madalas na nakaupo sina Marael at Kyhos, kung saan palagi silang nag uusap at napapalitan ng mga nais nila sa buhay, at ang palagi nilang ginagawa, nagseselfie. Na tila akala mo ay ilang taon na hindi nagkita at kumukuha ng litrato at moment sa isa't isa.
Sa may bench malapit sa seesaw ay ang pwesto na inuupuan ni Calister, ang astig ng pangalan hindi ba? aka Patricia. Oo, babae yun pero siya ang pinaka puso ng grupong ito. Kung saan tahimik lang siyang nakaupo at may dalang camera, kinukuhaan niya ang bawat isa ng litrato, napapangiti narin siya sa tuwing nakikita niya silang lahat na masaya.
Sa isang lilim ng puno kung saan may pabilog na lamesa at mga upuan ang madalas na tambayan nina Dane, Aster, Sadako at Xienna. Si Dane at Sadako na palaging daldal ng daldal at hindi maubusan ng sasabihin at napakaingay, kung saan sa tabi naman nila ay sina Aster at Xienna na nakikinig lang at lihim na napapangiti sa kakulitan ng dalawa.
Sa seesaw naman ay doon ang palaging pinaglalaruan nila Marcelus at Jane, nag aasaran at minsan pa ay bibiglain ni Marcelus na ibaba ang inuupuan niya kaya naman napapatili si Jane sa gulat at mapapatawa nalang si Marcelus.
Habang inaalala ang mga senaryo kung saan ang bawat isa sa amin ay nagsasaya, ako nama'y napapangiti , iniisip na para bang wala ng katapusan ang kaligayahan na iyon.
Pagtingin ko ulit sa mga lugar kung saan nandoon sila ay unti unting naglaho ang mga ito na para bang bula, sumunod ang pagkawala ng ngiti ko. Oo nga pala, alaala nalang ang lahat ng iyon, hindi na kami tulad noon.
Magsisimula na sana ulit akong maglakad at handa ng talikuran ang lugar kung saan maraming alaala ang Deviants, ng bigla akong masilaw sa paparating na Van sa aking may likuran, agad akong napatakip sa aking mga mata at ilang saglit pa ay nawala na ang nakakasilaw na ilaw at inalis ko ang takip sa aking mukha, unti unting nagsisibabaan ang mga nakasakay dito.
Nagtataka at naguguluhan ako, sino naman ang mga 'to?
"Nitro!" tawag sa akin ng isa sa kanila.
Matagal na panahon narin noong makasama ko sila, noong kumpleto pa kami pero kahit na ganun alam ko parin ang kanilang itsura at mga boses. Ang boses na yun, kay Harriet.
"Bessywap! Paps! Baluga! Nitro!" sabay sabay nilang tawag sa akin.
Napangiti ako.
Kahit na matagal na nung huli kaming magkasama sama.
Kahit ang buong akala ko'y limot na nila ay nandito sila ngayon, nakatayo sa aking harapan, sama samang nakatingin sa akin, nakangiti ng ubod ng tamis, heto sila at nagbabalik.
