HAYME
I'm driving and nowhere to go, I just want to escape this town, I want to escape from everyone, from everything.
Memories.
Pain.
People.
Every fucking thing!
Binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan ko, ang linis naman ng daan, wala ring halos sasakyan, wala akong mababangga.
Malamang hayme, ano bang aasahan mo sa ala una ng madaling araw? Maraming tao? Baka ibang tao na yan, o baka hindi na tao, multo na o zombie.
Pero hindi parin iyon pinatigil ang bilis ko sa pagmamaneho.
Ngunit, unti unti akong napatingin sa daan, madaling araw na ngunit mas maganda palang tignan ito kapag ganitong oras, lalo na kasama nito ang mga street lights, parang mga bituin, para akong naglalakbay sa kalawakan. Bigla akong namangha.
At doon, napabagal ang pagpapatakbo ko sa sasakyan, sa sobrang bilis ko hindi ko na namalayan, nalalampasan ko na pala 'tong magandang senaryo na 'to.
Masyado kasi akong mabilis, padalos dalos, parang hindi nag iisip, kainis.
Binagalan ko na ang takbo at napatingin ako sa kaliwa, saktong may 7/11 na bukas don, as usual, tambayan ng bayan, hininto ko muna ang sasakyan ko sa gilid at pumasok dito.
Marahil, magpapalamig muna ako, ayokong umuwi at lalo ng ayoko maubusan ng gasolina, baka wala ng bukas na gasolinahan, mahirap na.
Naglibot ako upang kumuha ng makakain o kaya maiinom, pero ayoko muna ng alak, gusto ko ng matamis o kahit ano basta hindi alak.
And after awhile, sa paglilibot ko'y nakita ko ang target.
Kumuha ako ng tatlong Chuckie, I need this, my buddy.
"Goodmorning Sir, 3 chuckie lang po?"
"Yeah." sagot ko nalang.
"75 pesos po lahat, may 7/11 card po ba kayo Sir?"
"Wala po." inabot ko na ang bayad at agad rin naman niya akong sinuklian.
"Thank you Sir." ngiti ng cashier sa akin.
Tumango nalang ako, wala akong gana makipagplastikan, actually, wala pala akong gana sa lahat.
Umupo muna ako at nagmuni muni, baka sakaling maibsan ng Chuckie ang lahat, at kapag naubos ko at kung kulang ko pa, edi bili ulit.
"Pwede patabi?"
Napatingin ako sa parehas na paa na nakatayo sa gilid ko pataas sa kaniyang ulo, isa lang ang masasabi ko.
Epal.
Nakatingin parin ako sa kaniya ngunit bigla nalang siya umupo sa harapan ko, feeling close?
"Di ko na hihintayin sagot mo ha, bagal, upong upo na ako eh." aniya at binuksan ang dala niyang Smart C.
Mas masarap pa Chuckie ko diyan eh, tsk.
Okay, eh ano naman hayme, para kang bugok.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pag inom ng Chuckie ko.
"Iniwan ka o ikaw ang nang iwan?" biglaang tanong niya.
Napatingin ako agad sa kaniya, baliw ba 'to o may sapi? Bigla biglang nagtatanong, close ba kami?
"Ah, iniwan ka noh? Kasi kung ikaw yung nang iwan, siya yung nandito ngayon, hindi ikaw." natatawa pa niyang banggit.
Sapukin ko kaya 'to?
