F I N D I N G M R. R I G H T
AIOLI
Habang ako'y nakaupo dito sa swing. Iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa akin bukas. Pakiramdam ko wala ng matinong nangyari sa buhay ko. Palagi nalang palpak at palagi nalang akong iniiwan.
Siguro nga ganun akong tao, kaiwan iwan at mabilis kalimutan.
Napangiti ako ng mapait. Ano ba Aioli, nagdradrama ka nanaman. Sanay ka naman na hindi ba? Para namang bago sayo ang lahat ng 'to.
Tumayo nalang ako at sinimulang maglakad habang nakayuko, nag iisip, naguguluhan at nagtataka.
Sa hindi inaasahan ay may nakabungguan ako at siya ay may hawak na plastic cup na naglalaman ng juice at kamalas malasan ay natapunan ang aking damit.
"What the?!" sigaw ko.
"Ay sorry Miss, hindi ko sinasadya." ani nito sa akin.
Nakayuko parin ako at inis na inis sa pangyayari. Napakamalas naman.
Biglang sumulpot ang kamay ng nakabunggo sa akin at may hawak itong panyo, tila ibinibigay sa akin ito. Napa angat ako ng aking paningin sa lalaking nakabungguan ko at ako'y nagulat sa aking nakita.
Parang isang anghel na bumaba sa langit, napaka aliwalas ng mukha at may nakakatunaw na ngiti, ngunit panandalian lamang iyon dahil umiwas na ako agad ng tingin at ibinalik ko na lamang ito sa aking damit na ngayon ay may bahid na ng mantsa galing sa juice.
"Kunin mo na" alok nito sa akin.
Nagdalawang isip pa ako bago ko ito kinuha.
"Salamat."
"Pasensya ka na, hindi ko sinasadya na mabunggo ka." ani nito.
"A-ah, wala yun. Hayaan mo na. Sige, una na ako." paalis na ako ng bigla siyang nagsalita.
"Sandali, samahan na kita pauwi, padilim narin baka kung mapano ka pa."
At di ko namalayan na papagabi na pala. Hindi ko pa siya kilala, baka naman may gawin pa siya sa aking masama, dapat ko---
"Huwag kang mag aalala, hindi ako masamang tao." sabat nito.
Hm, sige na nga. Bahala na.
"Tara." anyaya ko.
Nagsimula na kaming maglakad at siya ay nasa hulihan ko, akala ko ba ihahatid ako nagmumukha siyang stalker dahil sa distansya namin. Napahinto ako sa paglalakad at agad akong paglingon sa kaniya, napahinto naman siya.
"Sabayan mo kaya ako? Ang weird kasi kapag nasa likod ka?" sabi ko.
"Ah, ganun ba? Sorry." napatawa niyang bigkas.
Sinabayan niya na ako sa paglalakad, much better.
Malapit na kami sa bahay, kaya nag iisip ako kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya. Dahil una sa lahat, kakakilala palang namin maski pangalan niya hindi ko alam, paano ko siya tatawagin, paano ako magpapasalamat o kaya paano ko maibabalik itong panyo niya? Hays, ang dami ko nanamang tanong.
Hindi ko namalayan ay nasa tapat na kami ng bahay.
"Andito na tayo." bagsak nito sa katahimikan sa pagitan namin.
"A-ah, Oo. Salamat nga pala?"
"Bat parang hindi ka pa sigurado? " at napangiti siya.
"Ay, pasensya na. Sige, salamat ulit." sambit ko.
"Walang anuman."
"Pasok na ako. Mag iingat ka." nasabi ko nalang.
"Oo, salamat. Sige pasok ka na."
Tumango na lamang ako at tumalikod na sa kaniya. Ilang hakbang palang ang aking nagagawa ay nagsalita ulit siya.
"Nice meeting you Aioli. By the way I'm Klint. Goodnight." sabi nito at ako ay napatingin sa kaniya ngunit kasabay nito ay ang pagtakbo niya papalayo sa akin.
Paano niya ako nakilala?
Nagtataka ako ngunit agad naman napawi ito ng ngiti.
Klint, bigkas ko na lamang sa aking isip.
