E S C A P E
XIENNA
Hinihingal akong napasandal sa pader, nanghihina narin ako dahil sa layo ng aking tinakbo. Gusto kong magmura, ano bang nangyayari?
Napalingon ako sa aking likuran, wala ng sumusunod.
Medyo nakahinga ako ng maluwag at nagpatuloy nalang sa paglakad ngunit iniingatan ko ang bawat hakbang na aking ginagawa dahil baka mahanap ako at ako naman ang patayin nila.
Bigla akong nanghina ng maalala ko kung paano nagsimula ang lahat ng ito, kung bakit may patayan na nagaganap at kung bakit hinahabol ako.
Ngayon kailangan kong tumakbo para sa buhay ko.
Napadaan ako sa isang kalsada, nakayuko lang akong naglalakad ngunit pinapakiramdaman ko parin ang aking paligid,biglang namatay ang mga ilaw sa poste, napa angat ang aking paningin at may naaninag akong mga anino sa may di kalayuan at mukhang papunta sila sa direksyon ko.
Agad akong naghanap ng matataguan ng makita ko ang isang basurahan sa gilid, binuksan ko ito at saktong walang laman, hindi na ako nagdalawang isip pa at ako'y pumasok na doon at agad nagtakip, may maliit na butas ito kaya naman makikita ko kung sino man ang mga paparating.
Nanahimik ako sandali, tiniis ang sangsang na amoy ng basura.
Tangina, kung may armas lang ako, pinatay ko narin silang lahat.
Biglang may mga nagtatawanan, parating na sila.
"Masarap ba?" tanong ng isang panlalaking boses, malalim, nakakakilabot.
"Oo." malamig na tugon ng isa pang boses.
Nagsitawanan ulit sila na parang mga asong ulol, maiingay.
"Susunod ka ng papatay, Zion." sabi ng malamig na boses.
Sinilip ko sila sa butas ng basurahan, nakakakilabot sila, ngunit hindi sila ang mga nakita kong pumatay kanina, mukhang marami sila.
Nang wala na akong marinig na mga boses ay lumabas na ako sa aking pinagtataguan, kailangan kong makalayo.
Naglakad ako ng dahan dahan hanggang sa makalayo sa lugar na iyon, may nadaanan akong isang bahay.
Pasok kaya muna ako?
Kailangan kong magpahinga para bukas.
Nakabukas na ang pinto ngunit walang ilaw, hindi rin pwedeng buksan baka makita ako at patayin.
Pumasok ako at sala ang agad na bumungad sa akin.
"Sino ka?"
Biglang may nagsalita sa aking likuran at nararamdaman kong may baril ng nakatutok sa aking ulo.
Nanlamig ako at di kalaunan ay nanginig na, natatakot ako, katapusan ko na ata dito.
"Anong ginagawa mo sa bahay ko?" bigla niyang tanong.
"M-makikisilong sana a-ako." nauutal kong sagot.
Binaba niya ang baril at doon ako nakahinga ng maluwag.
"Doon tayo sa kusina." utos nito at sumunod nalang.
Naupo kami doon at parehas na walang imik, ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Sino naman ito?
"Sagutin ko lang kuya." paalam ko sa di ko pa kilalang lalaki na nagpatuloy sa akin.
Tumango ito at wala ng sinabi pa.
Pumunta ako sa may bandang sala, at doon sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Twinkle twinkle, little star
How I wonder what you are."
Natakot ako at nanigas bigla sa aking kinatatayuan.Typical nursery rhyme pero iba ang tunog, mabagal, nakakatakot.
"Hello! Sino ka?" sigaw ko.
"Hide Xienna. Hide." biglang sambit ng isang malalim na boses.
"Anong kailangan mo?" tanong ko parin.
"Hide Xienna, you can hide but you can't escape." tawa nito.
Bigla akong natakot.
Ibababa ko na sana ang tawag ng may pahabol pa siya.
"I will kill you, behind your back darling." pabulong na sabi niya.
Bigla akong napalingon sa aking likuran.
*Bang*
Kasabay nito ay ang aking pagbagsak.
Lumalabo na ang aking paningin at nakita ko ang ngisi sa kaniyang labi.
Walanghiya.
"Sleep now, darling." bulong nito sa akin at kasabay nito ang pagpikit ng aking mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/127736224-288-k619843.jpg)