T A L A
TALA
Madilim na pasilyo ang unang sumalubong sa aking paglabas sa pintuan.
Ang malamig na ihip ng hangin ang unang yumakap sa aking katawan.
Dala ang lungkot sa aking mga mata ay nagsimula na akong lakarin ang pasilyong papunta sa aking sasakyan.
Saan ko nga ba gustong pumunta? Isang tanong sa aking isipan na hinahanapan ko ng mga kasagutan.
Pagkarating sa aking sasakyan ay tinitigan ko muna ang aking sarili sa salamin nito at wala akong ibang nakita kundi ang sakit at pighati sa aking mga mata.
Binuksan ko ito at sinimulang paandarin patungo sa lugar kung saan malayo sa lahat.
Habang ako'y nagmamaneho ay biglang tumunog ang aking telepono ngunit hindi ko nalang muna ito sinagot.
Nais ko muna ng katahimikan panandalian.
Sa daan na aking tinatahak ay nakikita ko ang iba't ibang senaryo na hindi ko pa nasisilayan noon.
Mga batang naglalaro sa lansangan.
Magkakaibigang naglalakad at nagkukwentuhan.
At marami pang iba.
Ang mga poste ng ilaw sa kalsada na nagsisilbing liwanag sa madilim na daan na aking tinatahak.
Napakaganda nilang pagmasdan.
Hindi ko namalayan na ako'y nakarating na pala sa isang lugar na alam kong makakaintindi sa akin.
Ang lugar na dati'y pinupuntahan namin.
Ang dagat.
Lumabas ako sa aking sasakyan at inumpisahang tanawin ang buwan na nagbibigay liwanag sa dilim na bumabalot sa buong paligid.
Inalis ko ang aking tsinelas at nag umpisang lumakad sa mabuhangin na daan patungo sa aking pakay.
Bawat hakbang ko ay nagpapaalala sa akin ng mga masasaya at malulungkot naming pinagsamahan.
Napangiti nalang ako ng mapait at pinipilit nalang ialis ang lahat ng pumapasok sa aking isip.
Naupo ako sa buhanginan at nagmunimuni.
Ang mga tunog ng kulisap ang bumabalot na ingay sa paligid.
Napakaganda dito.
Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa aking mga mata.
Hinayaan ko lang itong umagos habang iniisip ang mga pagkakamali na aming nagawa.
Bakit nga ba kami humantong sa ganito?
Hindi ko alam.
Iyon lamang ang kaya kong isagot sa lahat ng katanungan ko sa aking isip.
Tumunog nanaman ang teleponong nasa aking bulsa at katulad ng kanina'y hindi ko parin ito sinagot.
Gusto kong mapag isa, nais kong isigaw
Ngunit nanatili akong tahimik dahil ayokong bumuhos ng tuluyan ang mga kinikimkim ko sa aking sarili.
"Tala!"
Tawag sa akin ng mga boses sa aking may likuran sa di kalayuan.
Ang luhang hindi ko pinunasan ay biglang nadagdagan.
Alam kong hindi na ito dahil sa sakit, kundi dahil na sa saya.
"Tawag kami ng tawag hindi mo sinasagot." pagalit na tono ng isang kaibigan ko.
"Nag alala kami." nag aalalang boses pa ng isa.
"Pasensya ka na sa amin, tara na. Uwi na tayo?" pangiting banggit ng isa pa.
At sa di inaasahan ay bigla ko silang niyakap na kanilang ikinagulat.
At ang ingay na bumabalot ngayon sa lugar ay tanging iyak ko lamang.
"P-pasensya d-din." Umiiyak kong tugon.
Ngunit yakap muli ang natanggap ko sa kanila.
Yakap ng mga kaibigan na matagal kong hindi naramdaman.
Yakap na kahit kailan ay walang katumbas.
![](https://img.wattpad.com/cover/127736224-288-k619843.jpg)