XI (PART 1)

21 2 0
                                    

FRANCO

Paglabas ko ng 7/11, patak ng ulan ang unang bumungad sa akin. Mabuti na lang at napaghandaan ko ito, hindi katulad ng pag alis niya.

Dahil kanina ko pa napansing madilim ang kalangitan, bago ako pumunta rito ay nagdala na ako ng panangga.

Papahakbang na sana ako ng bigla rin akong napahinto. Nagdalawang isip ako kung maliligo nalang ba ako sa ulan o gagamitin itong dala kong payong.

Nang mapagdesisyunan ko na ang gagawin ko, hindi inaasahang may biglang bumunggo sa akin, tumalsik tuloy ang hawak kong payong.

"Tangㅡ" hindi ko na naituloy ang mura ko ng makita kong tumakbo at lumusong na sa ulan iyong nakabunggo sa akin.

Hanep, wala ng payong payong.

Pinulot ko nalang ito at binuksan, ayaw ko palang magkasakit, mahal na gamot ngayon tapos wala pang mag aalaga sayo, edi kawawa naman ako nun.

Dahan dahan lang sa paglalakad, ini-enjoy ang bawat patak ng ulan na nahuhulog sa sa labas ng payong ko, malamig rin ang dala nitong hagin.

Papalapit na ako sa waiting shed, kung saan maghihintay ng sasakyan ay may napansin akong kakaiba, may nakaupo sa sahig.

May upuan naman bakit doon pa siya umupo, anong trip nito?

Sumilong muna ako, hindi ko maiwasang hindi siya tignan. Wasted ata 'to?

Pagtingin ko sa inuupuan niya ay puros putik at basa pa.

"Ah, miss? Marumi riyan sa inuupuan mo."

Ngunit hindi siya kumibo o nagsalita man lang.

Pipi ba 'to? O baka naman multo to?!

Mahabagin, wag naman po sana.

Tinitigan ko itong mabuti, tila sinusuri.

May mahabang buhok.

Nakaputing damit at nakapantalon?

Sige, hindi ito multo. Hindi naman ganyan get up ni Sadako di ba?

Iniwas ko nalang tingin ko sa kaniya, kung ano ano naiisip ko eh.

Ilang sandali pa ay may narinig ako.

Ano yun? Hikbi? Iyak?

Tangina.

Napalingon ako doon sa babaeng hanggang ngayon ay nakaupo parin sa sahig ng waiting shed.

"Miss?"

Wala paring kibo.

Medyo nilapitan ko na ito, at niyugyog ng kaunti.

Nang biglang, dahan dahan siyang nag angat ng kaniyang ulo.

"Anak ngㅡ"

Napabitaw ako sa kaniya at napaupo sa sahig.

"B-bakit ka ba nangyuyugyog?" at sa wakas nagsalita narin siya.

Ngunit nakatigtig parin ako sa kaniya, hindi ko alam kung tatawa ba ako o maawa.

Ang wasted niya.

Yung make up niya kalat sa buong mukha, para na siyang adik, kaya nagulat rin ako pag angat niya ng tingin sa akin.

"Yung mukha mo." sabay turo ko.

"Anong paki mo? Oo na, ako na panget." pagtataray niya.

Siya pala yun, yung humikbi o umiiyak, ah basta yun.

"No, I mean, yung mukha mㅡ"

"Oo nga, panget, ano pa ba?! Kaiwan iwan, oo."

"Sabog." sambit ko nalang.

Bigla siyang tumitig sakin, para bang nagtatanong na ekspresyon ang ibinigay niya sa akin.

Takte. Tumayo nalang muna ako, pagtingin ko sa pang ibaba ko basa ito, marumi narin, malas.

"Tumayo ka na diyan, nadamay mo pa ako oh." sabay turo ko sa marumi at basa kong pants.

Wala paring sasakyan na dumaraan, ano na, nalunod na ata sa baha, hindi parin kasi tumitila ang ulan.

"Tsk." rinig kong bigkas niya.

Umupo nalang ako doon sa upuan ng shed.

Umiwas na ako ng tingin sa kaniya, bahala na siya diyan.

"Anong sabog?"

Nabalik ang tingin ko sa kaniya.

"Ha?" nagtatakang tanong ko rin.

"Sabi mo kanina sabog, ang alin?"

Gusto ko nalang humagalpak ng tawa, sino pa bang sabog dito, malamang siya alangan namang ako?

"Yung mukha mo, sabog." walang gana kong sagot.

Bigla siya nataranta at pinahid pahid niya ito, but still useless kasi mas kumalat ang make up. Naghahanap rin ata siya ng pamunas sa bulsa niya, ngunit wala siyang madukot.

Kinuha ko nalang ang panyo sa bulsa ko sa harap, good thing hindi nabasa.

"Oh." sabay abot ko ng panyo.

Bigla rin siyang napatingin sa akin, sunod ay sa panyo na hawak ko.

"Oh, kunin mo na, bilis?" pagsusungit ko nalang.

Nagdalawang isip pa ata siya pero tinanggap rin naman ito.

"S-salamat."

Umiwas nalang ako ulit ng tingin.

Malakas parin ang ulan, wala paring mga sasakyan. Gusto ko ng matulog.

Mga KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon