IX

7 2 6
                                    

P A R O L

DAVE

"T-tama na, kuya."

Sa kabila ng pagod sa ilang oras na naming pagtakbo at pagtago, hindi parin ako nawalan ng pag asa na makakaalis kami rito.

Kailangang makatakas kami, kung hindi ay hindi na kami aabot pa bukas.

"Tumayo ka diyan, kailangan nating makaalis rito Ryle!" pagpupumilit ko sa kaniya.

Ngunit napaupo na siya sa sahig ng kalsada at tila nanghihina na.

"K-kuya, pagod na a-ako."

Sa sitwasyon naming ito, hindi ko narin maiwasang manghina ngunit hindi maaari, dahil ako na lamang ang aasahan ng kapatid ko upang makaalis rito.

Umupo ako sa tapat niya at hinarap siya.

"Ryle, di ba malaki ka na? Matapang ka di ba?"

Tumango siya na tila'y hindi pa sigurado at patuloy parin sa paghikbi.

"Kaya tumayo ka na diyan para maka alis na tayo rito."

Tumango ulit siya bilang sagot at nabuhayan ako ng lakas ng loob upang magpursige na hanapin ang daan palabas.

Hinawakan ko ang kamay niya sabay tayo upang magpatuloy sa pagtakbo.

Sa hindi kalayuan ay mayroong umiilaw, hindi ko maaninag kung ano ito.

May bundok naman ng basurang nakatambak sa gilid, hinila ko siya upang makapagtago muna dahil hindi kami sigurado kung tao ba ito o hindi.

Nang kami ay makarating rito ay agad ko siyang hinila paupo.

"Kuya, pahinga muna tayo." sambit niya.

Lumingon muna ako sa kinaroroonan ng ilaw at hinarap muli ang aking kapatid.

"Okay sige, tara rito sa tabi ko." sabay tapik ko sa'king tabi.

Umusog siya at nahiga roon.

May biglang kuminang sa paanan niya nang dahil narin sa ilaw sa hindi kalayuan.

Kulay pula ito at tila hugis bituin.

Nang aking maabot, napagtanto kong isa itong parol.

Bigla kong naalala na disperas na pala ng pasko ngayon, dahil sa mga pangyayaring naganap kahapon ay nakalimutan ko na.

Ang daming pumapasok sa aking isipin ngayon, paano kapag hindi na kami tuluyang makaalis rito? Makakatas pa ba kami?

"Aabot pa kaya tayo sa pasko kuya?" tanong niya.

Hindi inaasahan ay nakita kong nakatingin siya sa akin at may lungkot na sumilip sa kaniyang mata.

"Oo naman, makakaalis tayo rito tapos hahanapin natin sina Mama okay? Matulog ka na ulit." pagsisigurado ko sa kaniya.

Isang sipol ang narinig namin sa hindi kalayuan.

Nang aking silipin ay nakita ko ang isang pigura ng tao na may hawak na ilaw at baril.

Sa hindi inaasahan ay napalingon siya sa pwesto namin.

"Andiyan pala kayo ha!" sigaw niya.

"Ryle, tayo!" natarantang sigaw ko.

Patakbo na sana kami ng bigla akong tinutukan ng baril ng tao na nasa aking likuran.

Hawak ko parin ang parol.

"Ryle, kapag sinabi kong takbo, tumakbo ka okay?" mahinahong bilin ko sabay abot sa kaniya ng parol.

"Isa, dalawa... Takbo!" sigaw ko muli.

Pagkatakbo niya ay sabay rin ng pag awat ko sa lalaking nasa likod ko.

Sa huling pagkakataon ay nilingon ko siya.

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid, sabay nito ang pagbagsak ko.

Nakita kong maraming bituin sa langit, hiniling na sana ay gabayan ang aking kapatid paalis rito.

Mga KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon